Cassey's POV
Andito ako ngayon sa harap ng mansion ni Terrence Vic Allace.Naghahanap lang ng tiempo para sumugod.Hinihintay ko kaseng maghating-gabi para maging exciting yung pagsugod ko.
12:00 P.M.
Ito na ang tamang oras.Pumasok na ako dun sa mansion,dumaan ako sa likod dahil maraming bantay sa harap ng mansion.
Nung nakapasok na ako,agad akong nagpunta sa kwarto niya,syempre may mga nakabantay at lima sila.Tsk...Ang unti naman nila.Chicken lang toh.
Agad kong tinakpan yung bibig nung isa at pinaputukan ito sa ulo.Walang nakarinig nung putok ng baril dahil may silencer akong ginamit.Pero akala ko lang yun,agad nilang tinutok sa akin yung baril.Woah,apat pa sila.
"Ibaba mo yang baril mo!" sigaw nung isang bantay.
Dahan dahan ko namang binaba ang baril ko at nagtaas ng kamay.
"Sino---" putol niyang sabi dahil agad kong pinaputok sa kanila yung dalawa kong baril.
Alam ko kaseng magtatanong pa sila sa akin.
Ang talino ko diba?Pagkatapos nun,agad na akong pumasok sa kwarto pero syempre dapat maingat.
Pagkapasok ko,may naramdaman na akong presensya sa likod ko.Alam kong gising na si Terrence.Agad akong tumalikod at nagpaputok ng baril.
"Ah" sabi niya dahil natamaan ko siya sa bandang hita niya.
"Last word before you die." sabi ko.Nagulat na lang ako nung naglabas siya ng baril at pinaputok ito pero syempre mas nauna akong nagpaputok.Mabilis kaya ito.
Tinamaan ko siya sa puso niya kaya mabilis itong binawian ng buhay.Ahy,sayang naman.
"Tsk...So slow." sabi ko at nag-iwan ako ng dalawang bomba dito.
Agad naman akong tumakbo palabas dito sa mansiong ito at pumasok na ako sa loob ng kotse ko.
"One down,Four to go"
"Your the next,Bladimier Consel"
Humanda ka na.
Hindi ninyo kilala ang binangga ninyo.Consel's Company
Andito ako ngayon sa parking lot ng Consel's Company at nag-aabang na lumabas si Bladimier.Linagyan ko na din ng tatlong bomba yung sasakyan niya at sinira yung brake.Nagkabit din ako nang CCTV.Tignan natin kung mabuhay pa siya diyan.
20 Minutes Later.....
Lumabas na din si Bladimier,sa wakas.Andito ako ngayon sa loob ng kotse ko.
"Bye,sir" sabi nung babaeng empleyado.
"Ingat po kayo sir." sabi naman nung isa.
"Yeah,bye" sabi ni Bladimier.
"Tara na po,sir." sabi nung driver niya.
Pagkatapos nun,umandar na ang kotse.Sana gumana yung plano ko.Tinignan ko yung CCTV.Nakita kong medyo hindi pa nila halata yung linagay ko.
"1" pagbilang ko.Tinignan ko ulit yung CCTV at nakita kong ninenerbyus na si Bladimier dahil hindi gumagana yung brake.
"2" pagbilang ko ulit.
"3" pagkabilang ko nun.Nakita kong sumabog na ang kotse.
.
.
.
.
Mission Accomplish.....
.
.
"2 Down,2 To Go"
.
.
.
.
.
.
.
Picture of Terence Kent AlacePicture of Bladimier Consel
**********
Sorry po dahil medyo maikli,busy kase.
Don't forget to vote and comment.♡♡
BINABASA MO ANG
Mafia Queen Meets Cold King
RomansaThis is a mafia story. Not a love story. Cassey Sancheza, a mafia queen na kakaiba ang ugali. Siya kase yung tipo na palatawa at makulit not just like others but if patayan na ang usapan, you better fucking go. One day, an accident happened and she...