OOYYYY! Bakit di na ko nag-uupdate? Lols
~~~
Pabaling-baling sa higaan si Gretel at hindi mapakali. Hindi siya dinadalaw ng antok but she has to sleep for her babies. She tried sleeping in her daughters' room pero wala pa rin kaya bumalik na lang siya sa kwarto nila ni Andrius.
She heaved a sigh, ofcourse she knows what she wanted, what she needed pero nagmamatigas pa siya at hindi pa siya tapos sa pagpaparusa sa asawa kahit maging siyang nahihirapan na. Pumasok siya sa walk in closet at kumuha ng t-shirt ni Andrius.
She's sniffing it habang naglalakad siya pabalik sa kama nila. She put the shirt on the pillow and hugged it. Kahit papano'y gumaan ang pakiramdam niya while sniffing her husband's familiar scent.
Hindi rin nagtagal ay dinalaw na siya ng antok. She's almost asleep when she felt warm arms wrapped around her and a warm kiss on her temple. She was too sleepy to comprehend what's happening until she fell into a deep slumber.
Gretel woke up later than usual, she never had that long and comfortable sleep before. Alas dyes na ng umaga at himalang hindi siya ginising ng pagsusuka niya sa madaling araw. She heard the ringing of the doorbell. Still groggy, she managed to get up at bumaba ng hagdan para pagbuksan ng pinto ang bisita.
"Good--- Did I wake you up?" Agad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Theo ng makita ang itsura ni Gretel. She's still wearing her night dress at medyo magulo pa ang buhok nito.
Gretel yawned and shook her head. "No, medyo gising na ko nung nagdoorbell ka. Come in." She said and opened the door wide for him. Dumako ang tingin niya sa dalawang stuffed toy na kulay pink at yellow na hawak-hawak ni Theo.
"An early gift, pwede mo na akong gawing ninong." He chuckled.
"Just feel at home, mag-aayos lang ako."
"Sure! Take your time." He smiled at her. Umakyat na si Gretel sa kwarto para mag-ayos. She looked around the room first.
She knew it was Andrius last night. Kailangan na niyang tumigil sa pagmamatigas lumalaki na ang tiyan niya and she's becoming more and more sensitive. She needs him by her side. She needs him back.
Nag-ayos na siya bago lumipat sa kabilang kwarto. Naabutan naman niya dun si Theo na inaayos ang mga dala niyang stuffed toys sa kama.
"Ano pang gustong mong maayos dito?" Theo asked her. "The wallpapers are almost done."
"I don't know. What can you suggest?" Gretel asked. Naglakad siya papunta sa kama at kinuha ang scrapbook na nakapatong doon.
"Hmm the floor? How about putting puzzle mats?"
"That would be great, and also I am thinking of putting some wall designs, yung sticker na lang din." Gretel said.
Theo caught her attention, kung kanina'y medyo tinatamad siya, ngayo'y nagugustuhan na niya ang daloy ng usapan nila.
"Do you want to go out and buy some stuffs? You look bored."