"I don't know kung bakit kami damay dito Ate?" Aurora hissed after wiping her sweat. Napalayas na ni Gretel sina Celina at Andrius at maging ang mga katulong, drivers at hardinero'y binigyan niya ng 3 month leave.
"I told you ayokong maraming tao dito sa bahay." Gretel sighed before drinking her juice.
"So kami ang aalilain mo ganun?" Ace breathed as she continued mapping the floor.
Gretel wanted to renovate Celina's room for her girls. Ito ang magiging kwarto ng kambal niya and she'll be adding connecting door para mabilis lang niyang macheck ang mga ito mula sa kwarto niya.
"Saan natin dadalhin itong mga gamit ni Celina?" Aurora asked.
"Sunugin mo." Gretel said coldly as she continued making her scrapbook.
"Sayang naman, pwede pa nating ipa-garage sale." Aurora said.
Gretel raised her brow towards Aurora who immediately zipped her lips. Ace took the clothes and put them inside the box.
"I-donate na lang natin para naman kahit papano magkaroon ng katuturan ang buhay ng babaeng yun." Ace commented.
"Itong si Ate, nabuntis lang ang sungit-sungit na." Aurora mumbled.
"Talaga? Bakit kaya hindi mo na lang bilisan diyan dahil marami pang labahin sa baba?" Pagtataray ni Gretel kay Aurora na napanguso na lang.
"But seriously Inay? You cannot expect us to be here everyday, si Aurora may mga tapings and ako may training for my work. Paano ka? Who will take care of you?" Ace asked her. Hindi nakasagot si Gretel sa tanong nito. She avoided that question and continued sticking pictures on her scrapbook.
"Ate, wala man ako sa lugar na sabihin ito, but I know that you knew that your relationship with Kuya Andrius is full of misunderstandings." Aurora put down her feather duster. "It lacks communication! Hindi sa kampi kami kay Kuya Andrius, but he doesn't deserve to be treated this way."
Gretel clenched her jaw trying not to listen to Aurora. Aurora has a point, may mali din naman kay Gretel, but the pain she's feeling right now for almost losing her children is stronger than her wanting to forgive him.
"Sige ka, siya na nga lang nakakatiis sa ugali mo." Aurora mumbled. Gretel again glared at her kaya agad naman siyang napatalikod at kunwaring nagpupunas ng bintana.
"I can take good care of myself." Gretel said. Nagkatinginan na lang sina Ace at Aurora at sabay na napabuntong hininga.
"Wag mo lang kaming paglihian, maawa ka naman sa sarili mo kapag naging kaugali namin ang magiging mga anak mo." Aurora said.
Muling sinamaan ng tingin ni Gretel si Aurora na napaiwas na lang ng tingin at mabilis na nagpunas ng mga drawers.
"What are you planning to name them?" Ace asked.
