S5: PROLOUGE

2.7K 69 9
                                    

THIRD PERSON'S POV

[CAMPO ACADAMIA]

'Andito na sila! Andito na yung mga taga Section 5.' Kinakabahan na sabi ng babae sa kaibigan niya.

'Oo nga bilis tara tara umupo na tayo dun baka ano pa gawin nila satin eh.' Sagot naman ng kaibigan niya at mabilis na lumakad papunta sa upuan kung nasaan ang section nila.

Lahat ng studyante ay Bukambibig ang Section 5. Bakit kaya?

Bakit kaya kinakatakutan sila? Anong hamak ba ang hawak nila?

Ang mga estudyante sa Section 5 ay permanente ng magkaklase hanggang sa makapagtapos sila. Simula pa lang nung 1st year high school sila ay kinakatakutan at tinitingala at ngayong 1st year college na sila ay mas kinakatakutan na sila. Permanent students kumbaga.

New school year nanaman ito at walang pinagbago. Ang mga studyante sa Campo Acadamia ay natatakot parin sakanila gaya ng date pero bakit walang ginagawa ang kanilang mga guro?

Tawagin nalang natin silang S5 short for Section 5.

Naglalakad na ang S5 papunta sa designated place nila at nasa harap nila si Sev na leader raw nila.

Habang naglalakad sila may isang babaeng nagmamadali at parang bago rin siya sa School na ito.

Tumatakbo yung babae hanggang sa natumba siya dahil kay Sev. Habang tumatakbo kase yung babae hinarang ni Sev agad ang kanyang paa para matisud ito.

Galit na galit naman ang babae at akmang sisigawan na sana sina Sev pero naglakad naman sina Sev papunta sa lugar nila na para bang walang nangyare sabay tawa.

'Bago siguro yun?' Tanong ni Sev sa kaibigan niya na si Drix nung nakaupo na sila.

'Oo bro. Ngayon ko lang siya nakita dito eh.' Sagot naman ni Drix.

'Kilitasin niyo yan ng mabuti.' Sabi ni Sev at humarap na ulit sa harap.

'YES BOSS!' sabi ng buong S5 kay Sev.

WELCOME TO CAMPO ACADAMIA!!

SECTION 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon