S5: 8

616 40 2
                                    

'Sige mauuna na ko sa room natin. Di na kita kukulitin kung san ka pupunta dahil di mo naman rin sasabihin.' Sabi ni Abi nung dismissal na at tuluyan na siyang tumungo sa silid namin.

Actually, di pa naman ako sure pag sisipot ako sakanila kaso kanina pa ako tinetext ni Drix na ipinapatawag NANAMAN daw ako ni Sev.

Oo, nakuha nila number ko. Nagulat pa ba kayo kung sino nagbigay? Edi yung magaling kong kaibigan. Minsan nga napapaisip ako baka gusto niya nang mamatay ako.

Padabog dabog ako naglakad papunta sa labas ng garden. Sabi kase ni Drix dito daw kame magkikita. Bakit sa labas? Kase daw masyadong delikado sa loob eh kung iisipin mo delikado parin to dito. Nagiisip kaya to?

'Youre here!' Halos mapatalon ako sa gulat ng may kumalabit sakin. Jusko naman, maheaheart attack ako mga pinanggagawa nila eh.

'Di ba obvious? Bat ba ang tagal mo? Kala ko ba be on time?' Inis na sagot ko. Sabi niya magkikita kame dito deretso pagkatapos ng huling klase. Jusko, may pa be on time pa tong nalalaman tas siya naman pala na late.

'Ang sinabi ko, you should be on time, di ako. May big difference yun, dummy.' Pang-aasar niya.

Pfft. Loko to ah.

'Bat ba dummy tinatawag niyo saken? Nakakainis na ah. Tsaka ano ba? Bat mo ba gustong makipagkita?'

'Masyado ka kaseng dummy. Daming tanong, tsk tara na hinihintay na tayo ni Sev.' Sabi niya at nauna nang maglakad.

Sinabayan ko na siya at di ko napigilan na kabahan dahil papunta nanaman kame sa lugar na yun....

Papunta nanaman kame sa secret place na yun. Ano bang pangalan ng lugar na yun? pfft. No idea.

-----
'8 pm. Lalabas tayo ng campus.' Paninimula ni Sev.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ba bawal yon?

'As usual dadaan tayo sa campo woods.' Dagdag niya.

Nataranta ako bigla sa sinabi niya. Hindi yan yung lugar kung san nagpakita ang limang lalake?

'Wait, kailangan bang kasama ako? I mean, wala akong alam dyan.' Pagiinterupt ko. Jusko, yokong sumama, ayoko pang mamatay. omg.

Napalingon naman sila lahat sakin at kasama na run si Sev.

'Sa tingin mo ba ipapatawag kita pag di ka kasama?' Sarcastic niyang sagot.

Wow.

'Pero-'

Di ko na natapos ang sasabihin ko dahil agad itong pinutol ni Demi.

'Can you please shut up? Youre basically part of this mess now. Why? I already told you why last night. Pwede ba? Wag kang maraming tanong dahil baka mapilitan akong patayin ka ngayon rin.' Pagtataray niya at nakinig na muli kay Sev.

That bitch. Pasalamat siya mahal ko yung buhay ko dahil baka kanina ko pa siya sinagot.

Mukhang wala na rin naman akong choice kaya tumahimik nalang ako.

Lord, ikaw nalang bahala sakin.

Nakinig na ulit ako sa nagsasalitang si Sev. Infairness hah, ngayon ko lang siya nakitang ganito kaseryoso.

Bloodvour Crest, Braxten Monarch.....

'Migs, Drix, Demi, Loui, Krishna, Ynigo, me, and Seira. Tayo ang lalabas mamaya.' What?! Bakit kasali ako? omaighad noooooo!

Magproprostesta pa sana ako ngunit naunahan na ako ni Sev na magsalita.

'Staying in this campus is more dangerous than going out later. Papasok mamaya ang mga bloodvours rito at tiyak magkakagulo mamaya.' Tugon nito habang nakatingin ng seryoso sakin.

SECTION 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon