S5: 12

1.2K 60 49
                                    

"Tigilan mo na nga yan Drix!" Pagsasaway ko kay Drix. Agad kong nilapitan si Abi at hinawakan ang kanyang braso ngunit tinanggal niya naman ito sa pagkakahawak ko na ikinagulat ko.

"Wag mo akong tulungan Seira." Seryoso na sabi sakin ni Abi na ikinagulat ko. Napaatras ako sa kanyang sinabi.... Anong nangyayare sakanya?

"Answer my question.... May hindi ba kameng alam tungkol sayo?" Pursigidong pursigido parin talaga si Drix sa gusto niyang malaman..... Alam kong masyado nang uncomfortable si Abi sa sitwasyon namin ngayon.

Masyadong mautak si Drix, pati ang pagiging kabisado ni Abi sa gubat ay napansin niya.

Todo iwas si Abi sa tingin ni isa samin, todo iwas siya na sagutin ang tanong ni Drix.

"Bakit ayaw mong sumagot?" Tanong naman ni Drix habang malalim na nakatingin kay Abi. Si Abi naman ay nakatingin na rin ng masama kay Drix.

Masyado nang harsh si Drix....

Sasagot na sana si Abi ngunit may nagsalita mula sa likod namin...

"Woah woah woah... Whats with the tension over here?" Pareho kameng tatlo na napalingon kay Demi na kasama si Sev.

'Wala. Nahihirapan lang kameng humanap ng flags...." Palusot ni Drix sa tanong ni Demi. Bakit ayaw niyang ipaalam sa iba ang nalalaman niya?

Napabuntong hininga si Abi sa sinagot ni Drix.

"Wow, we found 203 flags in less than an hour... Ilan na nahanap niyo?"

"Less than 10...." Walang ganang sagot ni Drix at naglakad na palayo samin.

"What?! Damn dapat pala di namin kayo iniwan. If were going to lose then you're all dead...." Banta ni Demi at tuluyan na kameng iniwan at nilakaran ang nilakaran ni Drix.

Tinignan ko pa ang dalawa ko pang kasama na walang ganang naglalaro. Walang nagsasalita sa kanila... Hays.... Whats with the atmosphere? Nakakawala ng gana...

"Tara na?" Sabi ko at saka sila inunahan maglakad... Ramdam ko naman sila na nakasunod saken.

"I found another one!" Masayang sigaw ni Demi habang winagayway ang flag na nahanap niya saaming mga wala namang pake.

Kanina pa kame lakad ng lakad at kanina parin siya lang ang nakakahanap.... Parang siya lang nga ang may interest sa laro eh. Si Drix ay hindi na muling nagsalita siguro dahil kasama na namin si Sev at Demi, well mas mabuti ito.

Naisip ko na maglakad nalang muna palayo sakanila dahil hindi ko talaga gusto ang atmosphere.

Si Abi napakatahimik which is hindi naman talaga siya.

Si Drix napakaharsh kay Abi.

Si Demi napakacompetitive.

Si Sev napakaseryoso nakakatakot lapitan.

Ibang iba talaga sila sa isa't isa.

"Saan ka pupunta?" Natigilan ako sa tanong ni Sev.

"Hahanap lang ng flags sa ibang lugar." Sabi ko at tuluyan na naglakad.

Buong akala ko ay tatantanan niya na ako ngunit naramdaman ko na nakasunod pala ito sakin. Hindi ko siya pinansin at hinayaan nalang dahil baka hindi pala talaga niya ako sinusundan, mamaya magiging feeler nanaman ako.

"Anong tinatanong ni Drix sa kaibigan mo?" Napalingon ako kay Sev dahil sa tanong niya. Tinignan tignan ko rin ang palgid, kame lang dalawa ang nandito.... Napalayo na pala, kame...

Di ko ito sinagot at nagbabakasakaling e drodrop niya na ang topic na yon pero di ko pa pala ganon kakilala si Sev dahil sinimulan niya na akong kulitin.

"Answer my question." Utos niya. Patuloy lang ako sa paglalakad, mas pinabilis ko na rin ito upang makalayo ako sakanya kaso mas mabilis pa siya sakin. Nanatili siyang nasa likod ko at ako naman ay nasa harap niya.

"Are you guys hiding something from me?" Seryoso niyang tanong. Wala akong maisip na palusot at lalong na lalo di ko pwedeng sabihin ang hinala namin ni Drix. Hindi niya pwedeng malaman, sabi ni Drix wag sabihin at alam kong may dahilan siya.....

Haharap na sana ako dahil may naisip na akong pwedeng e sasagot kaso lintek na bato na to nadapa ako....... kahihiyan mo Seira!

Yan ang akala ko..... Akala ko ay babagsak na ako ngunit...... Sev caught me, he grabbed my waist and he stared at me intensely with his fierce brown eyes....

Hindi ako makagalaw jusko lord! Nashock ako sa galawang Sev! Lord, help me breathe.... Pangalawang beses na ito..... Naalala ko tuloy yung nahulog ako sa hagdanan.... Naalala ko kung paano niya ako pinahiya sa oras na yon!! Ayaw ko na ng part 2 nu! Grabe magpahiya si Sev tagos hanggang puso! Legit!

Nanatili kame sa position na yan ng mga 5 minutes.... Wait, hindi niya ba ako bibitawan?

"Uhm wala ka bang balak ba lumayo? Or, gustong gusto mo lang talaga na mapalapit sakin?" Napaatras ako sa sinabi ni Sev. Sinasabi ko na nga ba! Walang ibang ginawa kundi ang ipahiya ako.

"Wow hah! Wala ba talagang magandang bagay lumalabas sa bibig mo?"

"Wala." Sabi niya at tuluyan akong tinalikuran. Wow, napaka honest ang sarap sipain.

"Ano? Ayaw mo pa bang bumalik? Gusto mo bang samahan pa kita dito?" Tumigil siya sa paglalakad at humarap saken.

Ano bang sinasabi niya?

"Huh? Nababaliw ka na ba?" Natatawa tawang sabi ko sakanya. Jusko, bakit umiinit yung pisngi ko? Wait.

"Di mo ba narinig ang sabi ng PE teachers natin? Times up na raw, kailangan na daw nating bumalik... Masyado ka kaseng nakafocus sakin. Tsk." Sabi naman niya at tuluyan na akong tinalikuran..... Tumakbo ako para makahabol sakanya. What the hell?? Ako?? Masyadong nakafocus sakanya?! Nababalik na ba siya?

Nung napalapit na ako sakanya ay hinila ko siya sa kanyang damit kaya napatigil siya sa paglalakad at humarap sakin habang nakataas ang kanyang kilay. Agad ko namang binitawan ang kanyang damit at tumingin sa baba. Bakit ba ang awkward ko?!

"Ano? May sasabihin ka ba?"

"Feeler ka! Hindi ako nakafocus sayo at mas lalo nang ayaw kitang makasama! Kaya please lang wag masyadong mahangin-" Sunod sunod kong sabi sakanya ayan ilabas mo Seira, ilabas mo para naman matauhan. Ngunit wala pa ako sa kalagitnaan ng aking napakamahabang speech pinutol niya na ang aking mga sinasabi..... Aish!

"Tapos ka na ba?" Seryosong sabi niya.

Hindi ako nakasalita kaya ayun tuluyan niya na akong iniwan sa kinakatayuan ko. Aish! Screw you Sev! Sumusobra ka na. The nerve of that guy!

Maglalakad na rin sana ako pabalik ngunit may natapakan akong matigas na bagay kaya tumigil ako at kinuha yon....

Isa itong gold na kwintas.... In fact its a locket. Kanino kaya to?

Binuksan ko ito at nakita ang litrato ng isang magandang babae.... May hawig nga ang babae eh ngunit hindi ko napipicture out sa isipan ko kung sino.... Kitang kita sa litrato na luma na ito. Kanino kaya to? Itinaas ko ito upang tignan ang mga details...

May nakita akong nakaengrave na mga letra kaya tinignan ko ito ng mas malapit.....

'BRAXTEN'

Kay Sev ito?

Sinuot ko ito sa leeg ko para hindi mawala. Mamaya ko nalang sasauliin.

Is the girl on the picture his mother? Well, napakaganda nga..... May pinagmanahan....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SECTION 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon