S5: 4

753 47 1
                                    

Sounds funny but yes gagawin ko yung best ko para maligtas ko yung mga tao dito. Im not trying to be a superhero here sadyang ito lang talaga yung kailangan kong gawin. Baka nga pinasok ako dito para matigil na lahat ng kalokohan na to.

Naglakad na ako pabalik sa room ko at di ko maiwasan na isipin yung sinabi ng Sev na yun sakin kanina.

Hawak niya daw buhay namin? For now hawak niya, pero gagawin ko talaga ang lahat ng makakaya ko.

Pero, paano?

Dumating na ako sa dorm ko at dahil sa sobrang stressed sa pagiisip ay napahiga naman ako agad sa kama.
Tumingin muna ako ng sandali sa paligid at inaasahan na makita ko dito si Abi pero wala ko siya nakita. Siguro hinahanap niya ako ngayon. Siguro lang naman. Aish si Sev kase eh pwede naman niya ako ipagpaalam muna kay Abi para di siya magalala.

Kahit di ako sure pag hinahanap niya ba talaga ako ay tinext ko parin si Abi at sinabing andito na ako sa kwarto namin kaya makakabalik na siya.

Inilapag ko yung phone ko sa side table ko at nagisip ako ulit.

Di ako mapakali kaya agad agad akong lumabas ng kwarto ko at sinimulan ng hanapin si Abi.

'Aish...' rinig kong sabi ng isang lalake na nakabangga ko. tinignan ko siya at well di ko siya kilala.

ibinali niya agad yung pansin niya saakin at mukhang nagulat siya nung nakita niya ako. medyo nacrcreep out na ako sakanya kaya napagisip ko nalang na iwanan siya dun kaso agad naman niya akong nahabol.

'Hey!' Kinilabit niya yung balikat ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Kilala niya ba ako? kase ako hindi ko talaga siya kilala, like totally not.

Tinignan ko lang siya and gave him a 'what' look.

Siguro nagets niya ko kaya nagsalita nanaman siya ulit.

'Bakit ka di sumipot kanina? Di mo ba nakuha ang letter na ipinadala sayo ni Sev?' Tanong niya saken na ipinagtaka ko. Teka anong letter ba?
Tsaka di ako sumipot? saan naman? may amnesia ba ako? or sadyang di ko lang talaga naaalala?

'Why the fck are you so clueless? Sumama ka nalang sakin.' This time narinig ko ang pagkainis sa tono niya. Eh kasalanan ko bang di ko naaalala? Pinipilit ko talagang alalahanin mga sinasabi niya ngunit wala talagang masagi sa isip ko. Nakakalimot kase ako agad.

'Teka. Di ko kase maalala.' Walang mood kong sabi.

'The letter from Section 5.' Ikling sabi niya at kinaladkad niya ako. Teka saan kame pupunta? kidnapper ba to?

okay naaalala ko na yung sinasabi niyang letter. shet ayaw ko pumunta dun!!! save me, gods, godesses!!!

Pinipilit kong hilain ang hawak hawak niyang braso ko kaso ngunit sa sobrang lakas ng pagkahawak di ko ito magawa hanggang sa dumating kame sa isang silid. Di naman to ang Section 5 na room ah at tagong tago tong silid na to parang sila lang ang nakakaalam na nagaexist tong lugar na to sa Campo Academia.

'Kung anong makikita mo dito, sirugaduhin mo na ikaw at ikaw lamang ang makakaalam kung gusto mo pang masikatan ng araw.' Cold niyang sabi saken. Bigla naman akong kinabahan sa mga sinabi niya. Ano bang meron dito? mga bangkay? o what?

Iniscan niya muna ang fingerprint niya sa digital door bago niya itong binuksan, napanganga naman ako dahil napakasosyal lang tignan. Pero back to reality, anong meron dito?

'Lets go.' Sabi niya at kinaladkad nanaman niya ako papunta sa loob.

'Teka nga!!' pagpipigil ko sakanya. unang una di ko alam kung san kame papunta dahil mukhang maze na itong nilalakaran namin at higit sa lahat ayaw na ayaw kong malaman kung anong meron dyan.

'What?'

'Pwede ba? ayaw kong pumunta dyan kaya palabasin mo na ako.' Mahinahon kong sabi sa lalakeng kasama ko. Natatakot ako baka paglabas ko dito mamaya eh patay na ako so di talaga ako papasok. Im so scared of death.

'This is an order from Sev and you cant do anything else but to follow that order. So kung ako ikaw sumama ka nalang.' Mahabang sabi niya. Now, back to reality ano nga ba posisyon ng mamamatay tao na yon?! Aish! Ano ba tong pinasukan ko.

'Hindi naman ako ikaw.' Iksing sagot ko. I bravely answered his stupid statement and pinagsisihan ko yung nasagot ko dahil mukhang di niya nagustuhan iyon.

'How dare you answer me in that way. Pasalamat kang si Sev may hawak ng buhay mo at di ako dahil baka kanina pa kita napaslang.' Ano sabi niya? Si Sev ang may hawak sa buhay ko? nasa death list na ba ko ng Sev na yon? bagong bago pa ko dito ah. Jusko di na talaga magtatagal buhay ko dito.

'Palabasin mo na ako.' Walang gana kong sabi. Sa totoo lang takot na takot na ko sa situation namin ngayon. Gusto ko nang makaalis sa lugar na to, gusto ko nang umalis sa paaralan na to.

'Dont be scared. This room is just our party room so there's nothing to be scared of. Siguro iniisip mong tonight is your death night but youre wrong. Papahirapan ka muna ni Sev bago ka niyang patayin kaya medyo tatagal pa yang walang kwentang buhay mo.' Sabi naman niya na may patawa tawa pa. Nakakatawa ba mga sinasabi niya ngayon?

Mukhang natulala ako sa sinabi niya kaya nagsalita siya ulit.

'Let's go. Makakaalis ka na, hintayin mo nalang ulit ang tawag ni Sev sayo. Be sure sisipot ka nexttime.' Seryosong sabi niya.

Hinatid niya na ako sa pintuan ng malaking silid na ito. Nung nakadating na kame sa pintuan pinaalala nanaman niya sakin na wag na wag ko daw sabihin ang mga nakita at nalaman ko tungkol dito. Duh syempre walang lalabas sa bibig ko unless gusto ko nang mamatay.

Pagkalabas ko sa silid na yon agad agad akong tumakbo pababa mahirap na baka may iba pang taga section 5 ang makakakita sakin.

Ang bilis ng pagkatakbo ko sa hagdan hanggang sa may nagsalita mula sa likod ko.

'San ka nanggaling at paano ka napunta dito?!' Rinig ko ang pagkagalit sa boses niya at sa sobrang takot ko na out of balance ako at nahulog ako sa hagdanan.

Malas naman....

'Youre dead tonight, Seira.'

SECTION 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon