S5: 10

516 36 3
                                    

Tatlong araw na ang lumipas pagkatapos ng announcement ni Sev. Kitang kita ang mga pagbabago sa loob ng campus.... Lahat ay nag-iingat na.... Hanggang ngayon ay di parin nahuhuli kung sino nga ang nagbibigay ng mga inpormasyon sa mga kalaban. Pero kahit ganon ay ginagawa naman ng S5 ang best nila upang matukoy na ang saralin... Gaya nga ng sabi ni Sev be vigilant dahil hindi natin kilala ang mga taong nakapaligid sakin....

Papunta na kame ni Abi ngayon sa cafeteria upang maghapunan dahil gutom na gutom na rin kame... Tatlong araw na rin akong hindi ginagalaw ng S5, tapos na ba ang trabaho ko sakanila o sadyang wala lang talagang ganap na kailangan ako.... Well, kahit ano pa man ang dahilan ay masaya ako dahil sa wakas Im free....

"Seira!" Or not.... Sa boses pa lang ay kilala ko na kung sino ito... Akala ko ay matatapos na ang kalbaryo ko dito ngunit hindi pa pala.... Liningunan ko ito at tinaasan ng kilay.

"Pwede ba tayong mag-usap.... Alone?" Sabi ni Drix at saka tumingin kay Abi na parang sinasabing umalis siya. Tumango naman ako at sinenyasan si Abi na mauna na. Umalis na si Abi at naiwan kameng dalawa ni Drix sa kinaroroonan namin.

"Ano? Bakit kung kailan sa tingin ko ay tapos na ang kalbaryo ko ay saka rin kayo dadating?" Natawa si Drix sa sinabi ko. May nakakatawa? Totoo naman eh.

"Chill ka nga, nandito lang naman upang warningan ka." Seryoso at mahinang sabi nito.

Warningan? Saan?

"Ayon kay Reid, isa ka sa main target ni Dark. Siguro ay napansin niya kung paano ka niligtas ni Sev kaya gagamitin ka niya laban kay Sev. Dont worry, Im here.... For the mean time, I'll be your bodyguard."

What?! Hindi ko naiwasan na matakot sa kanyang sinabi.... Naalala ko nanaman ang ginawa ni Dark sakin. Aish! Bakit ba ako nadadamay dito?

Tumango nalang ako sa sinabi niya. Hindi ko ipinakita na natatakot ako dahil baka aasarin nanaman ako neto. And what?! Bodyguard? Ganon ba ito kadelikado para kailanganin ko ng isang ganun?

Naglakad na kame ni Drix patungo sa cafeteria dahil ayun nga bubuntot buntot lang daw sya sakin dahil utos raw ito ni Sev.... Bakit hindi nalang si Sev ang gagawa?

Wait what?! Anong sabi ko?

Erase.... Nababaliw na talaga ako...

Nung nakadating na kame sa loob ay pinagtinginan kame agad ng mga studyante... Malamang sa malamang dahil kasama ko si Drix, yung iba nga nagbubulungan pa eh. Well, di ko sila masisisi... Attractive naman si Drix eh, maputi, makisig, malaki ang katawan, matangkad, brown eyes, black messy hair..... Actually, lahat sila nina Migs attractive... Hindi ko na e dedeny yan.

"Dont mind them." Sabi ni Drix sakin habang patuloy na naglalakad.

Agad kong nakita ang kinaroroonan ni Abi kaya dumeretso kame no Drix dun.

"Ay... Wag mo pala ipaalam kay Abi ang tungkol satin hah?" Pabulong kong sabi kay Drix.

Tinignan naman niya ako at tumango.

Nang nakadating na kame sa kinaroroonan ni Abi ay nanlaki ang mata niya sa kanyang nakikita....

"Why is he here?" Nauutal na tanong ni Abi.

Bakit masyado siyang uncomfrotable these past few days? Napapansin ko yan sakanya....

"Uhm... My friend." Agad akong nagpalusot. Hindi na muli nagtanong si Abi tungkol kay Drix... Ipinalabas ko na kaibigan ko ito at hindi na siya muling nagtanong.

Binigay saakin ni Abi ang Chicken Alfredo na inorder niya kaya tinanggap ko naman ito.

"Hindi ka ba kakain?" Tanong ko kay Drix. Hindi ito sumagot kaya lumingon ako sakanya na titig na titig kay Abi.... Si Abi naman ay todo iwas at mukhang may tinatago.

SECTION 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon