Nagulat ako nung bumukas ang pinto. Saktong sakto na nakabalik na ako sa kinaroroonan ko ng pagdating ni Abi. Agad akong umiwas ng tingin dahil hindi ko lubos maisip ang tunay na siya. Wala pa namang confirmation pero pag e coconnect mo lahat ng nangyare kanina ay posible ngang siya yung hinahanap nina Sev.
"Ayos ka lang?" Natauhan ako sa tanong ni Abi. Agad ko siyang tinignan at tumango.
"Nakuha mo na ba yung libro?" Paglilipat ko ng topic. Tinaas niya ang isang kamay niya at iniwagayway any libro na kakailanganin namin. Napangiti ako sa kanyang ginawa. Hindi ko lubos maisip kung talaga bang siya nga yun..... Hindi ko nakikita sakanya ito.
Naglakad siya papunta sa kama niya at agad na inabot ang kanyang telepono. Tinignan ko siya at nakita kong gulat na gulat siya sa nakiya niya... Siguro ay nakalagay roon na may missed call siya galing kay Dark.
"Ah tara gawin na natin para makapaghinga tayo ng maaga." Sabi ni Abi at saka lumipat sa kinaroroonan ko.
At ayun nga, sinimulan na namin ang paggawa sa aming takdang aralin, wala ni sino man ang umiimik saming dalawa which is nakakapanibago.
Agad namin ito natapos kaya maaga na rin kame natulog.
Kinaumagahan ay nakita kong wala na si Abi sa kanyang kama. May naririnig akong ingay galing sa cr, kaya napagtanto kong si Abi ito.
Bumangon na rin ako at kumuha ng maisusuot sa araw na ito. Sakto rin na tapos na Abi, hindi niya ako pinansin tuloy tuloy lang siya sa kanyang ginagawa at tuluyan na akong iniwan sa loob ng silid namin. Hindi ko na inisip yun, pumasok na ako ng cr dah baka malelate na ako. Pagkatapos kong mag-ayos ay dumaan muna ako ng cafeteria upang bumili ng tubig dahil uhaw na uhaw na rin ako.
"Salamat." Sabi ko sa babaeng umabot ng tubig ko. Tumango lang ito at bumalik na sakanyang pinagkakaabalahan kanina. Naglakad na rin ako sa hallway papunta sa classroom namin.
Naagaw ng mga nagkukumpulan na mga studyante sa may bulletin kaya agad akong lumapit rito para tignan kung ano ang mga ito.
Oh. Lumabas na pala yung ranking namin sa exams.....
1. Sevester Braxten (S5)
2. Demi Analiese Kingsley (S5)
3. Migs Adrean Montero (S5)
4. Seira Darlian (S4)
5. Yoona Alfaro (S2)Laking gulat ko na nakapasok ako sa top 5. I did well. Wala namang kapalit ang mga yan kaya halos wala lang sa ibang students kahit malayong malayo sila sa passing marks.
Nangunguna si Sev sa buong school.... Ganon pala ito katalino? Nasa 13 naman si Abi, habang si Drix ay nasa 25.
Pagkatapos kong makita ang lista ay mabilis na akong naglakad papunta sa classroom.
Pagkapasok ko ay dumeretso ako sa kinaroroonan ni Abi dahil magkatabi kame ng upuan. Nginitian niya lang ako at hindi na ako pinansin pa.
Mabilis lumipas ang oras hanggang sa nagrecess na nga. Masayang nagsitayuan ang mga studyante at nagsilabasan sa kani kanilang mga classrooms.
Tumayo na rin si Abi at sabay kameng naglakad patungo sa pintuan. Nung nakadating na kame ay halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang umakbay sakin.... Mabilis kong tinanggal ang braso ni Drix at hinila siya patungo sa harap ko.
"Why did you hang up last night?" Mukhang bata si Drix na inagawan ng lollipop habang sinasabi niya ang mga yan. Agad na lumipat ang tingin niya kay Abi na nakatingin na rin pala sakanya. Sinikuan ko si Drix upang tigilan niya na ang kalokohan niya dahil masyado ng di komportable si Abi sa atmosphere.
BINABASA MO ANG
SECTION 5
Mystery / ThrillerSeira Darlian is clueless when she started studying at Campo Academia, at first akala niya ay typical na paaralan lang ito, not until she met Sevester Braxten, the boy who keeps on getting on her way. [TAGLISH]