"Naku, anak, may bago na tayong boss. Mukha ngang istrikto."
Bahagyang napatigil sa pagsasandok ng kanin si Annina at napatingin kay Nanay Meling.
"Bakit daw po, Nay? Anong nangyari kay Mr. Lai?" Tanong niya at pinagpatuloy ang ginagawa. Nakauwi na sila sa apartment nang magising si Jion. Hinintay muna nila si Faith bago umalis, at gabi na ito nakadating sa ospital ay gabi na din sila nakauwi. Hindi na siya nakabalik sa kumpanya. Mabuti na lang at nandyan si Nanay Meling para saluhin siya at ipagpaalam sa General Manager ng Department nila.
"Aalis daw e. Pupunta ng London para mag-asikaso ng business." Tinulungan siya nitong maghanda ng pagkain.
"Ah ganun po ba?--Faith! Tara at kumain na tayo!" Agad namang lumapit si Faith na bagong ligo.
"Hm, sarap ng ulam, sinigang, the best talaga magluto ang Nina namin" natawa siya maging si Nanay Meling.
"Sus, nambola pa" si Nanay Meling iyon.
"Kumain ka na nga lang dyan. Dadalhan ko lang ng pagkain si Jion sa kwarto." Kinuha niya ang tray ng pagkain at dumiretso sa kwarto nilang mag ina. Maliit lang ang bahay na iyon. Dalawa lang ang kwarto. Hati si Nanay Meling at Faith sa isa, at hati naman sila ni Jion. Isa lang ang banyo, at maliit din ang sala. Dalawang tao lang ang kasya sa sofa.
Pero kahit ganoon, masaya siya na may tinutuluyan sila. Dahil iyon naman ang mahalaga. Orihinal na bahay iyon ni Nanay Meling. Dahil walang anak ang pobreng matanda ay kinupkop sila nito ni Faith at inalagaan sila. Nakilala nila ito sa kalsada. Highschool pa sila nung mga panahon na iyon. Pauwi na sila sa Bahay Pag-asa galing sa eskwelahan nang makita nila ito sa gilid ng daan na umiiyak pati ang asawa nito na nakahandusay. Kaya naman agad silang humingi ng tulong para madala sa ospital mga pobreng matanda. Inatake pala ang asawa nito, at hindi nagtagal ay binawian ng buhay.
Mula noon, kinupkop sila nito. Pero hanggang ngayon ay bumabalik pa din sila sa Bahay Pag-asa. Si Nanay Meling na ang nagpaaral sa kanila at napatapos ng Highschool. At dahil mahirap na ang buhay, pumasok itong janitress para sana mapag aral sila ng kolehiyo. Kaya nga lamang ay hindi din sasapat, nakakuha ng scholarship si Faith na siyang naging daan para makapagtapos ito bilang isang guro, at siya naman ay nagtrabaho bilang isang waitress. Ngunit dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari noon ay tumigil siya sa pag- aaral. Nasa ikalawang taon siya sa kolehiyo nang tumigil siya. At pinaalis din siya sa pinagtratrabahuhan niya.
"Aray!" Nagbalik siya sa huwisyo nang mapaso sa mainit na tubig ang kanyang kamay. Agad niya iyong itinapat sa gripo. Ipagtitimpla kasi sana niya ng gatas si Jion bago dalhan ito ng pagkain, kaya lang ay napaso naman siya. Namumula ang kanyang kaliwang kamay at mahapdi. Nilagyan nya iyon ng gamot at binalutan ng gauze.
Kumatok siya. "Nak, Jion, si Mamay to."
"Mama-nanay, bukas po yan," nadinig nyang sabi nito. Pumasok siya sa kwarto at inilapag ang tray sa maliit na lamesa. Nakita nya si Jion na nakaupo sa kanilang papag na nilagyan ng kutson at nakasandig sa pader. Nagbabasa ito ng libro.
"Kain na tayo, nak," tumalima naman ito at naupo sa bangkito na nasa tabi ng mababang lamesa kung saan nya nilagay ang pagkain. Gusto sana niyang kausapin ang anak kung bakit ito nakipag-away. But knowing her son, suplado ito, at ayaw nya itong pilitin.
Nakaramdam naman ito. "Sorry po, May," sabi nito at bahagyang tumigil sa pagkain. "Inasar po kasi ako. Wala daw akong tatay. Di ko naman po pinansin, kaso tinulak ako," malungkot siyang ngumiti sa narinig. It's her fault kung bakit iyon nararanasan ng anak. Sana kasi naging mabuting nanay pa siya.
"Tama anak ang ginawa mo. Wag mo na lang sila pansinin ha. O kaya isumbong mo agad kay Tita Fey mo." Ginulo niya ang buhok nito. "Pasensya ka na anak, di kita mabantayan."
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)
General FictionWarning: SPG/R18+ This story is in Taglish language and contains mature scenes. [Highest Rank: #1 in Flashbacks since 2019] *** Giovanni Alejandro is a ruthless businessman. Sa mundo ng negosyo, wala itong sinasanto. But they don't know him like Ann...