TWENTY ONE

6.1K 153 10
                                    

A/N: Warning: Mobile update! May typo yata. Hahahahaha. Happy Reading!

Isang linggo ang matulin na lumipas. At mas nagiging masaya bawat araw ni Annina kapatagan ng kalooban na nararamdaman niya.

Maingat niyang nilinis ang ibabaw ng bookshelf sa opisina ni Gio sa bahay. Mag-isa lamang siya ng araw na iyon. Maagang pumasok sa trabaho si Gio at ang mga anak naman nila ay sinundo kanina ni Faith para daw makapag-mall ang mga ito. Si Nanay Meling naman daw ay pumasok sa trabaho, pero na-promote ito at nasa Printing Department na ito.

At dahil ayaw na siyang pagtrabahuhin ni Gio, naiwan siya sa bahay ngayon. Inaalis niya ang pagkabagot sa pamamagitan ng paglilinis.

Mahigpit na din ang seguridad sa kasalukuyang tinitirhan nina Faith at Nanay Meling. Naikuwento sa kaniya ni Faith noong nakaraang araw na may namataan silang lalaki na nakatayo sa labas ng bahay ng mga ito dahil nga sa sira na ang mga pader. At dahil madilim, hindi nila makita ang mukha nito.

Sinabi naman niya agad iyon kay Gio at nag-alala din ito, kaya naman kasalukuyan muna nitong pinatira sina Faith at Nanay Meling sa condo nito.

Hindi lamang iyon. Isang beses ay may nakita din siyang lalaki na nakatayo sa bahay niya nang isasarado na niya ang pinto ng teresa. Naka-bull cap ito at nakatayo sa medyo madilim na parte ng harapan ng bahay nila kaya hindi niya ito mamukhaan. Ngunit kakaibang kaba ang nararamdaman niya lalo na at napapansin niyang tila minamatyagan sila nito.

Dahil doon, bumili ng bahay malapit sa kanila sina Creig, Jameson, Mirkov at Carlos sa South Ecstacy. At si Carlos na ngayon ang nag-aasikaso sa buong monitoring system ng exclusive subdivision na iyon. Nadagdagan na din ng mga guwardiya sa tulong ni Mirkov. Ito ang kumausap kay Abanoub Rameses Montemar, ang may-ari ng subdivision.

Nagpapasalamat talaga siya sa mga kaibigan ng asawa nya.

Asawa. Oo, alam niyang hindi pa iyon opisyal at paminsan-minsan lamang nila napag-uusapan ni Gio, pero masarap pa din sa pakiramdam na tawaging asawa niya ang binata.

Halos araw araw ay maaga umuuwi si Gio para sabay sabay silang kumain ng hapunan. Pagkatapos naman kumain ay kadalasan nanonood silang apat ng movie. Iyon na ang naging bonding time nila.

Parang hindi pa din makapaniwala si Annina sa nangyayari. Masarap gumising sa umaga na ang guwapong mukha ni Gio ang masisilayan niya.

Bumaba siya sa pagkakaapak sa upuan na ginamit niyang tuntungan para maabot ang mataas na bahagi ng book shelf.

Napasapo siya sa ulo nang sumakit iyon. She shut her eyes tightly. Parang binibiyak ang ulo niya. At kasabay niyon ay ang pagragasa ng mga imahe sa ulo niya...

"Don't call me kuya, okay. Just call me by my name," the boy snorted. Hayun na naman ang batang lalaki na hindi niya mamukhaan. Nakasandal ito sa puno at nakaupo sa damuhan.

"Okay, I will not call you kuya na. Kahit bad yun kasi you are four years older than me," sagot ng batang Annina. She can see herself swinging on the small swing made of car tire.

The boy shut his eyes. "Inaantok ako. Read this book for me." May iniabot itong libro sa batang Annina. "You do know how to read, right? May tutor ka diba?"

"Yes. I know how to," sagot niya. "Alice in wonderland?" pagbasa niya sa pamagat ng libro.

"Yeah," sumagot ang batang lalaki kahit nakapikit ang mga mata nito. Binuklat naman ng batang Annina ang libro nang hindi pinapansin ang pahina doon. Basta binasa lamang niya kung ano nabuklat niya.

"I wonder if I've been changed in the night," panimula niya. "Let me think. Was I the same when I got up this morning? I almost think I can remember feeling a little different."

ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon