Silence filled the entire trip. Nakatitig lamang si Annina sa labas ng bintana. She didn't dare to speak even a single word at ayaw din niyang tumingin kay Gio na seryoso sa pagmamaneho. Bukod sa medyo nahihilo pa din siya, alam niya na nasaktan talaga siya sa ibinulong nito kanina sa kaniya.
Even if I cover you in gold, you're still the same old rusty metal. Trash.
Alam niyang galit sa kaniya si Gio. Akala pa naman niya ay totoo ang sinabi nito sa manager kanina na maganda siya. Well, it's an act. Napabuntong-hininga na lamang siya at pinilit na iwaksi sa isip niya ang mga sinabi nito. Isinandig niya ng tuluyan ang kaniyang ulo sa bintana ng kotse at pumikit.
Napag-alaman niyang sa probinsiya pa pala nila Jameson sila pupunta ni Gio. Sa Batangas. Sinabi iyon ni Gio sa kaniya kanina. And it will take 3-4 hrs bago sila makarating doon. Gagamitin na niya ang pagkakataong iyon para umamot ng kaunting tulog.
Bahagyang napasulyap si Gio kay Anni nang marinig niya ang malalim nitong pagbuntong-hininga. Nakita niya itong nakapikit. Agad niyang ibinalik ang tingin sa kalsada. Napakatahimik nito.
Dati, everytime na pinipilit niya itong sumakay sa kotse ay reklamo ito ng reklamo. Nasan na napunta lahat ng daldal nito? She even aged a bit. Well, anong magagawa niya? Anim na taon ang lumipas. Mukha din itong pagod at stressed. Despite that, she's still beautiful. And he hate to admit it. Bumaling pa ito paharap sa kaniya. Nakaidlip pala ito.
'Dammit' itinabi niya ang kotse at bahagyang kinabig ang batok ng dalaga. He kissed her. Tila nabubuhay ang mga hibla ng pagkatao niya. She still has the same effect on him. Kahit galit siya dito, hindi niya maitagong masaya din siya na nahanap na niya ito.
Pinalalim pa niya ang halik at muntik na siyang mapaungol sa ginagawa niya. He's kissing a sleeping woman for Pete's sake! Naramdaman niyang nag-flinch ang dalaga, kaya agad niyang tinapos ang halik at lumayo dito. Thankfully hindi ito nagising. She even snored a bit kaya natawa siya ng mahina.
'I'll let you sleep for now, lady.' Nagpatuloy na siya uli sa pagmamaneho.
***
"We're going to a party." Napamaang siya sa sinabi ni Gio. Seryoso ba ito? "I'm serious," dugtong pa nito.
"Ayoko nga!" tanggi niya. "Maghanap ka na lang ng ibang babae dyan. Marami akong gagawin," akmang tatalikuran na niya ito nang hawakan nito ang braso niya.
"You don't have anything to do. Pinagpaalam na kita kay Creig," akmang hahatakin siya nito papasok ng kotse.
"Ano ba, oy. Wala akong isusuot," pagpipigil nya dito. Kumunot ang noo nito at halatang nauubusan na ng pasensya. Aba! At ito pa ang may ganang mairita? He even rolled his eyes.
Pinagsiksikan siya nitong ipasok sa front seat kaya napasimangot siya. Umikot naman ito sa driver's seat.
"Huuuy, ano ba," pangungulit niya dito.
"I am Giovanni. Watch me do magic," nakangiti pa itong kumindat sa kanya. And it made her heart jumped in excitement for unknown reason.
Wala pang bente minutos ay nakarating sila sa harap ng isang boutique. May nakalagay sa taas niyon na "Elise's" at halos manlaki ang mga mata niya sa gaganda ng mga damit doon. Sa tanang buhay nya, ni hindi pa sya nakakahawak ng ganoon kaganda at kamahal na damit. Masaya na siya sa mga ukay-ukay.
Dumating ang isang babae na tantya niya ay matanda lamang ng isa o dalawang taon kay Giovanni. Napakasopistikada nito. Ayaw man niya, ngunit alam niya sa kaniyang puso na may kaunting inggit siya dito.
"Hey, Giovan, ready for the party?" inilingkis ng babae ang kamay nito sa braso ni Giovanni kaya naman hindi niya mapigilang mapatingin doon.
"Not yet, pretty," nakangiting sabi ni Giovanni sa babae. Her heart clenched. Iyon ang unang beses niyang makita si Giovanni na sinserong ngumiti.
Sana ngumiti ka din sakin ng ganyan. Pinigilan niya ang panlalaki ng kanyang mata sa naisip. E anong pakialam niya kung ngumiti si Giovanni sa ibang babae? E hindi naman nya pag-aari ang ngiti nito. The thought irritated her.
"Please make her more human," gustong tumaas ng kilay niya. Tumingin na lamang siya sa ibang direksyon para hindi makita ang pinaggagagawa ng dalawa sa harapan niya. Make me more human? Bakit hindi ba ako tao? Damuhong ito!
"Who's this girl? Pinagpapalit mo na ba ko, Giovan?" narinig niyang tanong ng babae na mas lalong ikinainis niya. Paano ito ipagpapalit ni Giovanni sa isang katulad niya, gayong wala siyang kalaban-laban dito.
Napatingin si Giovanni kay Annina na tahimik lang na nakatingin sa ibang direksyon. Nakakunot ang noo ng dalaga at tila mukhang irita. Anong problema nito? Just awhile ago, her eyes are dancing in amusement dahil sa magagandang damit na nandoon, kaya hindi din niya mapigilang mapangiti. But he hid it. At ngayon ay tila balak nitong punitin bawat telang makikita nito sa pagkairita. Hm, jealous? He grinned at the thought.
"She's my date, Ate," pinagdiinan niya ang salitang ATE.
Napatingin si Annina kay Gio. Ate? Nagkamali ba siya ng iniisip? Looking at this two, mukha itong magkasintahan. Sakto namang nakatingin din si Gio sa kaniya. He is grinning from ear to ear. Bat ganito ang ngiti ng damuhong ito?
"Oh, I see. Then where did you get this beautiful lady? Buti at pinatulan ka nito?" gusto niyang matawa sa sinabi ng babae.
"Ate naman," Gio rolled his eyes. Ngunit hindi ito pinansin ng babae. Sa halip ay lumapit ito sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi. "Hi, I'm Elise. Gio's sister. Anong pumasok sa isip mo at pinatulan mo ang walang hiya kong kapatid?"
Tuluyan na siyang natawa. Kaya kumunot ang noo ni Gio. "Walang hiya po talaga ang kapatid ninyo" she said.
"Oh I like you! Please take away Gio from me. And never give him back. Iyong iyo na itong damuhong ito," tatawa tawang sabi ni Elise.
"Stop it, old grandma," Gio rolled his eyes again.
"I'm not old!" histerikal na sabi ni Elise bago humarap sa isa sa mga salamin doon at tila sinisipat-sipat kung may wrinkles ito. "I'm only a year older than you, dickhead!" galit na wika nito.
"Yes, you are. Now, can please make this dog here more human?" tila bored na sabi nito at nakadekwatrong umupo sa sofa doon. Dog? Siya ba ang tinutukoy nito? Aba'y walanghiya. Tumalim ang titig niya dito pero patay malisya lang si Gio.
Lumapit sa kaniya si Elise. "Avenge me, dear, avenge me," tila naiiyak na sabi nito. "Ipaghihiganti kita," sabi niya dito at sabay silang tumingin ng matalim kay Gio.
"Hey, what's with this avenge thing?" pang-iinis pa lalo ni Gio. "I even called you 'pretty', Ate Elise" sumeryoso ang mukha nito. "Pretty Old," at bigla na lamang itong humalakhak na parang wala nang bukas. "I'm witty, yeah?" tawa pa rin ito ng tawa. Hinampas-hampas pa nito ang hita.
Nagkatinginan sila ni Elise. At napatingin uli kay Gio. Sabay nila itong inirapan saka tinalikuran.
"Baliw," bulong niya.
"Yeah, he's crazy," tuluyan na nila itong iniwan habang tumatawa pa din na parang sira-ulo.
Sumigaw pa ang walang hiya ng "Hey! Admit it! It's funny!" kaya napailing-iling na lamang silang dalawa.
-----------------------------------------------------------
A/N: Huhu ba't feeling ko medyo sabaw ang chapter na ituu? Pasensya na po patapos na po kasi ang finals kaya hectic ang sched at wala pa ako maibigay na exact day ng pag a-update ko. But you can follow my newly created Facebook page para updated kayo palagi. :)
Here's the link >>
https://m.facebook.com/wannareadmystory/?ref=bookmarks though I think this link is for mobile only. Still, thank you so much!
Enjoy!
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)
General FictionWarning: SPG/R18+ This story is in Taglish language and contains mature scenes. [Highest Rank: #1 in Flashbacks since 2019] *** Giovanni Alejandro is a ruthless businessman. Sa mundo ng negosyo, wala itong sinasanto. But they don't know him like Ann...