SIX

5.9K 151 7
                                    

A/N: Dahil medyo sabaw ako last chapter, pambawi ko sa inyo ang chapter na ito :> Enjoooy!

Bored na bored na si Gio while waiting for Elise and his lady. His lady? What the fucking fuck?

Napangiti na lamang siya at napailing-iling. That girl is a witch. She bewitched him. Hard. Alam niyang mahihirapan siyang kumbinsihin ito bilang date niya. Kaarawan kasi ng mama niya at nagpaparty ito sa bahay nila sa Batangas. Kahit malaki ang galit niya sa mama niya, ina nya pa din ito. At dahil ayaw nyang pumunta mag-isa, naisipan niyang magsama ng date.

Pero ayaw niyang magsama ng ibang babae. Si Annina lang ang gusto niya. That's why he needed to persuade her by hook or by crook.

Naramdaman niyang nagvibrate ang cellphone niya na nakalagay sa coat ng kaniyang suit. Nag-asikaso na din siya ng damit kanina habang hinihintay sina Elise. Alangan namang tumunganga lamang siya doon.

"What is it, Ramirez?" si Jameson pala ang tumatawag. Ano naman kaya ang problema ng isang ito?

"Where are you, dude? Tita Geneva's waiting for you! Kanina ka pa hinahanap sakin. Wala na ko maidahilan," sumakit ang ulo niya sa sinabi nito. He gently massage his temple.

"Just tell her to wait okay? Papunta na kami dyan."

"I already told her that, idiot."

"Fuck you, fucker. Why don't you just leave there!" tuluyan na siyang nairita.

"Easy, bro. Anong magagawa ko e may bahay din kami dito sa Batangas. Tsaka the early bird gets all the worms. Daming magagandang chickababes dit--" binabaan nya na ito. Napakadaldal talaga ng lalaking iyon. Yumuko siya at minasahe ang ulo niya na unti unti nang pumipintig.

"Here we are brother!" excited na sabi ni Elise.

"My eyes are turning white!" nag-angat siya ng tingin. "Bakit napakatagal ninyo..."

Tila naglaho na parang bula lahat ng pagkairita niya ng makita si Annina. She's wearing a navy blue above the knee dress. And it is hugging her curves. She is simply beautiful. He knew she really is beautiful. Mukhang marami siyang makakatunggali sa party na iyon ng mama niya. Maraming lalaki ang makukuha ang atensyon dahil sa magandang binibining ito. Unfortunately, she is his date already. At hindi siya papayag na may ibang lalaking lumapit kay Annina o tumingin man lang. He'll rip out their eyeballs!

"Ang ganda ng girlfriend mo, Giovan!" nakangiting sabi ni Elise.

"Hindi niya ako girlfriend--"

"Yeah, she is beautiful." Tila umakyat ang dugo ni Annina papunta sa kaniyang mukha dahil sa sinabi nito. Tumayo si Gio at ikinawit ang kamay niya sa braso nito.

"Saan ba talaga tayo pupunta, Gio?" hindi niya mapigilang tanong.

"It's my mom's birthday sa Batangas," simpleng sagot ng lalaki. "We'll get going, sis," baling nito kay Elise.

"Oh, okay. Sunod na lang ako dun maya-maya. Isasara ko pa itong shop e. Bye, Anni dear" bumeso ito sa kaniya at bumulong, "Protect Giovan from those bad bitches in that party" gusto niyang matawa dito. Napatango-tango na lamang siya.

"Bye, Ate Elise" paalam na din niya. Kumaway pa si Elise sa kanila pagkalabas nila ng boutique.

***

Sopistikadong party ang nadatnan nila sa bahay nina Giovanni sa Batangas. Hindi maiwasang mamangha ni Annina. Napakagarbo ng mansyon nito. Maraming kumikinang na kagamitan sa paligid maging ang mga bisita. Kumikinang ang mga ito. At hindi siya sanay sa kinang na iyon. Sa kaibuturan ng puso niya, pakiramdam niya ay kinakalawang siyang bakal sa gitna ng mga ginto.

ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon