A/N: Warning! Mobile update, may typo hahahahha. Happy Reading!
Halos mahigit ang hininga nila pareho sa tiim ng titig ni Nanay Meling. Seryoso ang mukha ni Gio pero ramdam niya ang panginginig ng kamay nito na nakahawak sa likod na laylayan ng t-shirt niya. Gumagalaw din ang adam's apple nito.
Gusto niyang matawa doon pero pinigilan niya dahil baka pareho silang mapagalitan ni Nanay Meling. Medyo makalumang tao pa naman ang matanda.
Asan ang tapang mo, Giovanni Alejandro? Sa isip na lamang niya tinawanan ang binata.
Isinuot ni Nanay Meling ang salamin nito. “O? Ikaw nga, ‘nak. Hindi kita mapagsino kanina. Malabo na talaga ang mga mata ng matandang ito,” ngumiti sa kanila ang matanda.
Tila nabunutan sila pareho ng tinik at naibuga ang kanina pa pinipigil na paghinga. Mabuti at hindi sa mamukhaan ng matanda sa malayo pati ang ginagawa nila. Kundi ay pareho na sana silang ginigisa ngayon.
“Anong nangyari sa pader at gate natin? Lumindol ba, anak? Bakit ang daming nagkalat na binakbak na semento?” nagtatakang tanong niyo. Bahagya siyang napasulyap kay Gio. Mukhang guilty ito ang kumag.
“Ah, Nay. Mamaya ko na lamang po ipapaliwanag.” Tila naintindihan naman siya agad ng matanda at tumango- tango pa ito.
“Sino iyang kasama mo--” natigilan ang matanda nang dumako ang tingin nito sa lalaki na nasa likuran niya at mapagsino iyon? “Sir Gio? Naku Sir, ano pong dahilan at napadalaw kayo rito?” gulat na gulat nitong sabi.
“Ma'am, I’m here to talk to Anni--”
“Madali ka, Nina at papasukin mo si Sir Gio at pakainin mo ng umagahan.” Naunang pumasok sa kanila ang matanda.
“Ahm, no need. Ma'am. I already ate my--”
“Sir, pumasok ka muna. Mauna na muna ako at aasikasuhin ko ang pinamalengke ko. Nina! Asikasuhin mo si Sir,” tuluyan nang pumasok ang matanda sa loob ng bahay. Nagkatinginan sila ni Gio. Nagkamot ng batok ang binata at siya naman ay nagkibit balikat lamang.
Bigla na lamang niyang naalala kung bakit siya nasa labas ng bahay. “Naku naman! Yung pandesal ko! Bente pesos din yon!” marahan siyang napapadyak siya sa lupa at sumimangot. Hindi ibinigay sa kaniya ng wirdong kaibigan ni Gio ang binibili niya.
Itinago naman ni Gio ang ngiti nang makita ang pagsimagot ni Annina at pagpadyak nito na parang bata. Damn his heart. Ang lakas lakas ng kabog.
“It’s okay. Ako na lang ang maniningil kay Del Valle ng pandesal mo,” he said, smiling at her.
But Annina didn't smile back. Nakasimangot siyang binalingan nito.
“Ang wi-weird ng mga kaibigan mo,” she said. “Singilin mo yung bente ko ha! Kundi tatamaan kayo pareho sakin.” Tuluyan na siyang natawa doon. Ang tapang tapang talaga nito kahit dati pa. He can still remember her punch the first day they met each other. Nangilo ang panga niya doon.
“O bat ka tumatawa dyan,” mataray na sabi nito.
Itinikom niya ang bibig, trying to supress his laughter. “I’m not laughing at all.” He tried to plaster a serious face but failed.
“Hay nako. Ewan ko sayo. Ang wiwirdo ninyong magkakaibigan,” tinalikuran na siya ng dalaga at malalaki ang hakbang na naglakad pabalik ng bahay.
“Annina, wait me up!” tawag niya dito pero hindi siya nito pinansin.
“Heh!” malakas na sigaw nito na ikinatawa niya lalo. Shit, ang cute cute nito. Gusto niya itong kurutin sa pisngi at panggigilan. Ano ito, bata? This woman is making him insane.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)
Ficción GeneralWarning: SPG/R18+ This story is in Taglish language and contains mature scenes. [Highest Rank: #1 in Flashbacks since 2019] *** Giovanni Alejandro is a ruthless businessman. Sa mundo ng negosyo, wala itong sinasanto. But they don't know him like Ann...