TWENTY TWO

5.7K 147 8
                                    

A/N: Aside from chapter 19, fave ko na din ang chapter na ito. Sana magustuhan niyo din. (Mobile update po ito, alam na hahaha) Enjoy!

Hindi pa din mapakali ni Annina sa mga nalaman tungkol sa nakaraan ni Gio at Bellinda. Nagugol niya ang buong araw niya sa pakikipagkuwentuhan kay Ate Elise at sa pag-iisip ng mga kahulugan ng mga imaheng nakikita niya.

Kahit nang magluto siya kanina ay iyon pa rin ang nasa isip niya.

She sighed at napatingin sa wall clock. Mag-aalas otso na pala ng gabi. Matamlay niyang tinungo ang second floor. Wala din naman siyang ganang kumain dahil hindi pa umuuwi si Gio at ang mga anak naman nila ay kanila Faith at Nanay Meling matutulog. At ang sinasabi ni Gio na tatawagan siya nito ay hindi nangyari. Siguro ay busy ang binata, at talagang nami-miss na niya ito.

Gustuhin man niyang tawagan ito, ayaw naman niyang makaabala dito at makadagdag pa sa isipin nito. Alam niya kung gaano na ito ka-istress ngayon dahil sa nasira nitong eroplano sa Macau at sa pagshi-ship ng mga libro ng printing company ni Edward sa iba't ibang parte ng mundo.

Nakarating siya ng second floor pero saglit na natigilan. Parang may narinig siyang kumakalansing na nanggagaling sa kusina ng bahay. Napalingon siya doon at nakiramdam. Ngunit wala na siyang narinig pa uli na tunog.

Ipinilig niya ang ulo. Nag-ooverthink na naman yata ako.

Akmang papasok na siya sa master's bedroom nang may sumagi sa isip niya. Kusang lumiko ang mga paa niya papunta sa dulo ng pasilyo ng second floor. At tumigil iyon sa tapat ng isang painting.

Six years ago, nakita na niya ang painting na ito ng isang batang babae na nakatalikod at may hawak na bunny ears na headband. Ngayon, nakasisiguro na siyang si Bellinda ang nakapinta doon.

Kinapa-kapa niya ang pader. Anim na taon na ang nakakaraan, alam niyang may kung ano sa likod ng pader na ito. At ngayon, sisiguraduhin niyang malalaman na niya iyon. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang gawin para magbukas iyon. Sinisipat- sipat niya ang pader at nagbabaka- sakaling may mahahanap na switch o knob na magbubukas doon.

Pero wala! Walang kahit ano! Malinis at makinis ang pader.

"Ano ba! Bumukas ka naman o!" punong puno ng iritasyon na kinalampag niya ang pader gamit ang dalawang kamay.

"Ano bang dapat kong gawin para bumukas ka?" Tila wala sa sariling kinakausap niya ang painting na para bang sasagot iyon.

Hinaplos niya ang pangalan ni Gio na nasa sulok ng painting. "Gusto ko lamang naman malaman ang totoo, Bellinda Ramirez," bulong niya sa hangin.

"BELLINDA RAMIREZ, PASSWORD ACCEPTED"

Halos mapatalon siya sa gulat nang marinig ang robotic voice na iyon na nanggaling sa kung saan. Napaatras pa siya ng kusang bumukas ang pader na tila isang sliding door.

Parang kinurot ang puso niya sa kaalamang pangalan pala ni Bellinda ang password ng pintong iyon. She felt intrigued and jealous at the same time.

Pero hindi niya dapat isipin iyon sa ngayon. Isasantabi niya muna iyon. Mas kailangan niyang isipin ang kabubukas lang na pader.

Gio, ano ba talagang itinatago mo dito?

Marahan siyang lumapit doon. Madilim ang loob niyon dahilan para muntikan siyang mabuwal. Hindi kasi niya napansin na may dalawang hakbang na hagdan pala pababa doon.

Nang makapasok sayo, may kakaiba siyang nararamdaman sa kaniyang mga paa.

Ba’t ganito ang sahig? Dahil nakapaa lang siya, ramdam na ramdam niya ang tekstura ng sahig. Kumapa siya sa dingding at nagbabaka- sakaling may switch ng ilaw doon at nang may makapa siyang button, pinindot niya iyon.

ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon