A/N: Warning! Mobile update! Baka may typo, kaya sorry po in advance. Medyo sabog pa ko kasi kagabi ko to sinulat. Anyways, sana magustuhan ninyo.
Hello kay VeejayJalandoni, Krizia_Mae20 at kay heecheon. ❤️❤️❤️ These three are constantly voting ang supporting. Namo-motivate akong magsulat dahil sa inyo! Happy Reading!
"Ano pong pangalan ninyo kuya? Kilala mo na po kami diba? Kaano-ano ka ni Mamay? At bakit mo pinapasira ang bahay namin?" sunod sunod na tanong ni Jewel. Sumubo pa ito ng sinangag at nginuya iyon habang nakatingin sa kaniya na para bang nag- aabang ng sagot.
Napatigil naman siya sa pagkain at napatingin din dito pagkatapos ay kay Jion na patuloy lang sa pagkain. Tahimik lang itong ngumunguya at parang wala itong pakialam sa kanila.
Gustong makamot ni Giovanni ang sariling batok. Fuck! Paano niya sasabihin dito na pinapasira niya ang bahay ng mga ito dahil naghihiganti siya sa pang- iiwang ginawa sa kaniya ni Annina. At bakit ba nauumid ang dila niya sa harap ng mga batang ito? Double fuck.
"Ahm," bahagya siyang tumikhim na para bang tinatanggal ang bara sa lalamunan niya kahit wala naman talaga. "My name's Giovanni Alejandro."
Malakas na naibagsak ni Jion ang kutsara nito at matalim tumingin sa kaniya. Shit! Kinakabahan siya sa tingin na iyon. Ganoon na ganoon siya makatingin kapag galit siya noong bata pa siya. Sa kauna- unahang pagkakataon, nabahag ang buntot niya at piping hinihiling na sana makabalik na kaagad si Annina para makapagtago siya sa likod nito.
"Kung ganoon, ay ikaw nga po," napamaang siya sa turan ng batang lalaki.
"Anong ako nga?" tanong niya.
"Ikaw nga ang lalaking palaging ibinubulong ni Mamay sa tuwing natutulog siya. Pangalan mo. Palagi niyang ibubulong ang 'Giovanni' at gigising nang may luha sa mata. Tapos tatakbo siya sa banyo para hindi naman makita ang pag-iyak niya. At lalabas siya sa banyo na parang walang nangyari, aakto ng normal, at nakakainis iyon! Dahil sinasarili niya ang lungkot niya!" natigilan siya sa sinabi ni Jion. Matalim na matalim ang tingin nito sa kaniya at parang gusto na siyang lamunin ng buhay.
Maging siya ay humigpit ang hawak sa sariling kubyertos. Gabi- gabi siyang iniiyakan ni Annina? Pero... Bakit?
Annina, talaga bang hindi mo sinasadya ang pag-iwan mo sakin?
"Magkapareho tayo ng apelyido. Sigurado akong ikaw ang tunay na papa ni Jion. Magkamukhang- magkamukha din kayong dalawa," napasulyap siya kay Jewel. Prente itong kumakain ngunit may bahid ng lungkot ang mga mata.
Siyempre, alam niyang hindi ito tunay na anak ni Annina dahil nasabi ito ng babae sa kaniya kahapon sa ospital. Parang gustong kumulo ng dugo niya sa kaisipang may ibang tatawagin ang mga batang ito bukod sa kaniya. Gusto niyang pagbubugbugin kung sino man ang magiging ibang lalaki sa buhay ni Annina at ng mga batang ito bukod sa kaniya.
"Ahm. Bakit ikaw, sino ang papa mo?" lakas loob niyang tanong at pinipigilan ang umaalpas na galit. He had issues in managing his anger and he don't want this kids to see it. Ayaw niyang katakutan siya ng mga anak niya.
Shit, bakit ba napaka- fulfilling sa pakiramdam maisip pa lang niya na siya ang ama ng mga batang ito?
"Hindi ko po alam. Hindi po ako tunay na anak ni Mamay. Iniwan daw po ako ng totoo kong mga magulang sa harap ng ampunan noong baby pa ako. At si Mamay ang nakakita sa akin. Kahit sixteen pa lang siya, inalagaan niya ako. Binihisan at pinakain. Mabuti na lang andyan si Mamay. Kung wala siya, hindi ito magiging maayos," hinawakan ng bata ang leegan ng t-shirt nito at bahagya iyong hinatak pababa. Nakita niya ang mahabang tahi doon. Sa may dibdib nito. At nasisiguro niyang mahaba pa ang tahing iyon pababa.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)
General FictionWarning: SPG/R18+ This story is in Taglish language and contains mature scenes. [Highest Rank: #1 in Flashbacks since 2019] *** Giovanni Alejandro is a ruthless businessman. Sa mundo ng negosyo, wala itong sinasanto. But they don't know him like Ann...