A/N: Huhuhu pasensya na po sa late na update, one week nagcommunity service si ateng nyo para sa scholarship nya. Four days straight uli ako mag aupdate para makabawi.
Hi po kay heecheon ❤️❤️❤️ salamat po sa pagsupport. Happy Reading :)
Napakurap- kurap si Annina at pinunasan ang luhang nakatakas pala sa mga mata niya. Isang iglap lamang ay nasa realidad na siya. Sinabi niya ang lahat sa binata maliban sa huling parte. Ang pagbubuntis niya. Kailangan niyang humanap ng mas maayos na pagkakataon para masabi iyon sa binata at mapag- usapan nila. At halata namang hindi pa ito ang pagkakataon na iyon.
At ito si Gio, matamang nakatingin sa kaniya. Walang kahit anong emosyon sa mga mata nito. Hindi niya kayang salubungin ang mga mata ng binata.
"I'm... I'm sorry, Gio. I had to chose. I had to... Kahit parang hinihiwa ang puso ko ng milyung- milyong kutsilyo. I had to let you go. Hindi ko alam kung iyon ba ang makakabuti sakin, kasi alam kong gabi- gabi akong magsisisi kung bakit kita ni-let go. But one thing is I know, makakabuti yun saiyo. Kasi you deserve better. Not some random rusty metal trying to be a gold like me."
Tuloy tuloy ang pag- agos ng luha sa mga mata niya. At sunod sunod din naman ang pagpahid na ginawa niya doon. Sinabi na niyang hindi na siya iiyak sa harap ni Gio, heto at ang binata pa din talaga ang may kayang sumira at bumuo sa puso niya.
Pinaglaruan niya ang mga kamay niya. Minsan gusto niyang pagsisihan ang ginawa kay Gio. Pero sa tuwing nakikita niya si Jewel na may masayang ngiti sa mga labi, napapanatag siya at naiisip niya na, wala siyang dapat pagsisihan. Isang buhay ang naging normal at maayos dahil sa naging desisyon niya noon.
Walang salitang namutawi kay Gio. Malamig lamang itong nakatingin sa kaniya, na para bang hindi ito naniniwala. Sumikip ang dibdib niya doon at tila ba nahihirapan siyang huminga. Masakit ang katotohanang wala na itong tiwala sa kaniya. It's her fault. Siya din ang may kasalanan kung bakit ang lalaking mahal na mahal siya noon ay hindi man lamang siya matingnan ng walang halong pagkamuhi ngayon.
Ilang minuto ang nakalipas at bigla na lamang tumayo si Gio at naglakad patungong pinto.
"G-gio," pagpigil niya dito. Napatigil ang binata sa akmang pagpihit nito sa doorknob. Ngunit hindi ito humarap sa kaniya. Nakatingin na naman siya sa nakatalikod na bulto nito. Palagi na lamang. Bakit ba palagi na lamang siyang tinatalikuran ng binata.
No please. Hindi... Hindi, wag kang umalis, Gio. Please humarap ka, please humarap ka. Piping usal ng puso niya.
"G-gio, wala ka man lang bang sasabihin? I already told you the truth. Hindi ako nagsisinungaling. Please. Please. Magsalita ka naman." Hinugot niya ang IV na nakakabit sa kaniyang braso at akmang bababa ng hospital bed para susundan ang binata. Kahit nanghihina siya ay pinilit niyang makababa ng kama ngunit bumuwal siya doon at napasalampak sa sahig. Napahawak siya sa brasong may bahagyang lumalabas na dugo dahil sa pagtanggal niya ng IV.
"Don't call my name again." Natigilan siya sa lamig ng boses ng binata. She clutched her chest kung nasaan ang puso niya. Ang sakit. Bakit ba ang sakit sakit? Parang tinutusok ng karayom ang puso niya.
"I told you earlier. I just want to know the fucking truth. Now that I knew it, I don't care anymore. You'll still be a bitch in my fucking eyes. And I can pretend that a bitch like you isn't existing anymore. So don't you fucking call my name again. I don't want anyone with dirty tongues to call my name. Especially you." Hinihiwa ng matatalim na salita nito bawat hibla ng pagkatao niya. Nanginginig ang katawan niya sa sakit ng mga salita na nanggagaling kay Gio. Bakit ganoon? Deserve ba niya ang mga ganitong kasakit na salita? Gusto lamang niyang humingi ng tawad at mapatawad. Halos hindi na siya makahinga at tigmak na ng luha ang mga mata niya. Gusto na lamang niyang mamanhid. Ngunit hindi, ramdam na ramdam niya bawat sakit.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)
General FictionWarning: SPG/R18+ This story is in Taglish language and contains mature scenes. [Highest Rank: #1 in Flashbacks since 2019] *** Giovanni Alejandro is a ruthless businessman. Sa mundo ng negosyo, wala itong sinasanto. But they don't know him like Ann...