"Tito Renan."
Ngumiti sa kaniya ang lalaki.
"Sweetie, bakit ka umiiyak?" tinulungan siya nitong tumayo at pinagpag ang bestida niya.
"Wala po." Hinaplos ng lalaki ang pisngi niya at pinunasan ang luha niya. She flinched and took a step back. She doesn't like the feeling of this man touching him. Isa pa, kahit galit siya kay Gio, she trusts him. At kapag sinabi nitong layuan niya ang taong ito, dapat talaga niya itong layuan.
"Uuwi na po ako," tinalikuran na niya ang lalaki ngunit hinawakan nito ang braso niya.
"Ihahatid na kita pauwi," ngumisi ito. "Maraming nangunguha ng bata ngayon."
"Wag na po, Tito. Salamat po."
"I insists sweetie." Hinatak siya nito. Halos makaladkad ang paa niya. Malalaki ang hakbang ng lalaki at masakit na ang braso niyang hawak hawak nito.
"Tito, saglit lang po," pigil niya dito. Ngunit hindi nakinig ang lalaki.
"Bellinda?" pagtawag sa kaniya ng Ate Iyah niya mula sa likuran. Lumingon siya doon. Sa wakas may tutulong na sa kaniya.
Lumapit sa kanila ang batang babae. "Saan kayo pupunta?" tanong nito. "Bakit nasa labas ka ng bahay? Sabi ng kuya mo dapat nasa bahay lang kayo ngayon, diba?" tumingin ito kay Renan.
"Tulunga--"
Bago pa siya makahingi ng tulong ay humigpit pa ang hawak ng lalaki sa braso niya. Parang mababali iyon. Gusto niyang maiyak sa sakit na dulot noon.
"Pinagpaalam ko na si Bellinda sa mga magulang niya. Bored daw siya sa bahay kaya kakain kami sa labas," the man smiled sweetly. But Iyah gave him a questioning look. Tila nagdadalawang- isip ito kung maniniwala sa sinabi ng lalaki. "Diba, sweetie?"
Iyah looked at her. "Is it true? Kakain kayo sa labas?" tanong nito sa kaniya.
"Yes po, Ate," ngunit pasimple siyang umiling- iling para ipaalam dito na hindi niya gusto iyon. Sana at maintindihan ito ng Ate Iyah niya.
"See?" si Tito Renan iyon. "Good bye, ija. Kakain na kami sa labas nitong si Bell." Tinalikuran na nila ito. Pero muli siyang lumingon kay Iyah na nakatingin din pala sa kaniya.
Pasimple siyang hinatak ng lalaki. At wala siyang nagawa kundi tahimik na sumunod dito.
***
"T-tito Renan, masakit na po ang paa ko. G-gusto ko na pong umuwi," humagulgol siya. Inabot na sila ng takip silim sa paglalakad sa gubatan.
"Manahimik ka diyan," matigas ang pagkakasabi ng lalaki. Nakakaladkad na siya nito ngayon. Sumabit ang headband niya sa sanga.
"T-tito, yung h-headband ko po," umiiyak niyang sabi at hinahatak pabalik ang kamay niya.
"Ang tigas ng ulo mo!" binuhat siya ng lalaki at isinampay siya sa balikat nito. Hinampas- hampas niya ang likod nito.
"Yung headband ko! Yung headband ko!" nagpumiglas siya. Nalaglag pati ang isa niyang sapatos.
"Ang ingay- ingay mo!" mabilis ang paglalakad na ginawa nito. Ilang minuto pa ang lumipas ay isinalampak siya nito sa semento.
"Gusto ko ng umuwi, Tito Renan!" she cried all over. Umalingawngaw iyon sa buong lugar kung saan siya dinala nito.
Itinali ng lalaki ang kamay niya sa likudan at mas lumakas pa ang pagpalahaw niya ng iyak. Mahigpit nitong ibinusal ang bibig niya.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)
Ficción GeneralWarning: SPG/R18+ This story is in Taglish language and contains mature scenes. [Highest Rank: #1 in Flashbacks since 2019] *** Giovanni Alejandro is a ruthless businessman. Sa mundo ng negosyo, wala itong sinasanto. But they don't know him like Ann...