Nakatanaw lamang sa labas ng bintana si Annina. Inubos niya ang buong araw sa pagpapaliwanag kay Nanay Meling at Faith sa mga nangyayari. Gulat na gulat pa si Faith nang pag-uwi nito ay nakitang sira na ang pader at gate nila. Pero nang ikwento niya ang lahat ay naintindihan naman siya nito at susuportahan daw siya kahit ano man ang maging desisyon niya. Pabiro pa siyang tinampal ng kaibigan dahil hindi daw agad niya sinabi ang totoo.
Sa totoo lamang ay hindi talaga nya inaasahan na talagang susunduin sila ni Gio. Kaya naman ang sinasabi nitong 6pm ay naging 7:30 na ng gabi dahil inimpake pa niya ang mga gamit nilang mag-iina. Kakaalis lamang nila at ngayon ay tinatahak na nila ang daan papunta sa bahay nito sa South Ecstacy.
Itinago ni Annina ang panginginig ng mga kamay na nakapatong sa hita. Sa hindi niya malamang kadahilanan ay kinakabahan siya. Nasa front passenger seat siya habang si Gio ang nagmamaneho. Magkatabi namang nakatulog ang dalawang bata sa back seat.
"Does it still hurts?" wala sa sariling napatingin siya kay Gio. Nakatutok ang mga mata ng binata sa daan.
"Ang alin?" tanong niya. Bahagyang sumulyap sa kaniya si Gio pagkatapos ay agad na ibinalik ang tingin sa kalsada.
"Your head. Does it still hurts?"
Napasapo siya sa noo na may gauze. "Hindi na gaano."
"I.. ahm.. I'm s-sor--" Gio sighed deeply. Nakita niyang umangat ang sulok ng labi nito na para bang may gusto pang sabihin. Pero tumikom lamang iyon. Ibinalik na lamang niya ang tingin sa bintana.
Makalipas ang ilang minuto ay hindi niya napigilang muling sumulyap kay Gio. May mga plaster na band-aid sa mukha nito.
"Ahm, ano nangyari sa mukha mo?"
"Ah. Nothing. Nakipaglambingan lang ako kay Mckracken dahil ang gagong yon.." nakita niya ang paghigpit ng hawak nito sa manibela. "...pinahanap ang bahay mo kay Del Valle."
Naalala niya, six years ago, 'lambingan' ang term nilang magkakaibigan sa 'suntukan'
Kung ganoon nakipagsuntukan pala ito kay Creig dahil lang sa pinahanap nito ang bahay niya. Gusto niyang matawa doon. Ito pa din talaga ang dating hot-headed na Gio. Mabilis pa din mag-init ang ulo at possessive.
Parang kinikilig siya sa isiping iyon. Ipinilig na lamang niya ulo para supilin ang gustong makawalang ngiti niya.
***
Halos kalahating oras pa ang lumipas nang inanunsiyo na ni Gio na nakadating na sila sa bahay nito. Bahagya pa siyang nagulat nang ipagbukas siya ng pinto ng binata.
Binuhat niya si Jion. Habang si Gio naman ang bumuhat kay Jewel. Parang hinahaplos ng kung ano ang puso niya nang makita ang binata na binubuksan ang pinto ng bahay nito habang karga- karga si Jewel.
Ni hindi niya lubos maisip na makakabalik pa pala siya sa bahay na ito ni Gio.
"Halika na," pagtawag sa kaniya ni Gio.
"Ha?" maang na tanong niya.
Kumunot ang noo nito. "Are you okay?" may bahid ng pag-aalala na tanong nito.
"Ah, oo. Okay lang ako. Ano nga yung sinasabi mo?"
"Sabi ko pumasok na tayo sa bahay natin," nakangiting tugon ng binata sa kaniya. Bahay natin. Lumakas ang kabog ng dibdib niya. Sa simpleng ngiti lamang sa kaniya nito ay may kung anong tila paru- paro na naglulumikot sa tiyan niya.
"Sige," nag-iwas siya ng tingin pero sumunod siya dito. Baka pag sinalubong niya ang tingin nito ay tuluyang matunaw ang puso niya.
Wala halos ipinagbago ang bahay ni Gio. Maganda pa din iyon at malinis. Ngunit may iba doon. Mas masaya na ito kaysa dati.
BINABASA MO ANG
ERASTHAI SERIES BOOK 1: Giovanni's Anni (COMPLETED)
Ficción GeneralWarning: SPG/R18+ This story is in Taglish language and contains mature scenes. [Highest Rank: #1 in Flashbacks since 2019] *** Giovanni Alejandro is a ruthless businessman. Sa mundo ng negosyo, wala itong sinasanto. But they don't know him like Ann...