CHAPTER 5

62 5 1
                                    

Lance's POV

"Ah ayaw nyong sumagot?!" Sigaw ni Sam

At nagulat nalang kami sa ginawa nya. Bigla nyang sinabunutan sina Glen at Bennedect kaya napasigaw nga aray silang dalawa

"SASAGOT KAYO O UUBUSIN KO ANG BUHOK NYO?!" sigaw nya. Nako ang sama pala kapag nagalit itong si Sam

Napa 'ohh' ang lahat dahil sa ginawa ni Sam.
"Nako.. patay.. sobrang strict pala ng mayor natin" sabi ni Jason

"Sinabi mo pa" sagot ko naman

"Sasagot na kami basta bitawan mo lang ang buhok namin!" Sabi ni Benndect kaya mabilis namang binitawan ni Sam ang buhok ng dalawa at napakamot naman sila ng mga ulo nila.

"The heck is wrong with you?" Naiiritang tanong ni Glen kay Sam habang kinakamot nito ang ulo nya at inayos ang buhok nya. Iba rin ang pagka pikon ni Glen ha? Pati babae hindi pinalampas

"The heck is wrong with me? Wow ha? Ginawa ko lang yun para umamin kayo! Now spill the beans Jerk!" Inis na sambit ni Sam

"Inasar ko sya ng Pits.. tapos ayun napikon sya kaagad at sinuntok ako sa balikat. Eh hindi naman ako papayag na gaganunin lang ako" sabi ni Bennedect

"Ayun naman pala! Ang pikon pikon mo rin naman kasi Glen! Dahil inasar kalang nagka ganyan ka?! Nag simula ka ng away?! Ano ka? Elementary para sa asar lang nanuntok kana agad?! At ikaw naman Bennedect ba't mo pinatulan? Hindi kaba nag iisip na lalaki ang gulo kapag pinatulan mo ang suntok nya? oh ngayon? Dahil magkaibigan lanag naman kayo mag sorry kayo sa isa't isa. At dahil pang elementary ang reason nyo sa pag suntukan nyo.. pag elementary na pag babati din ang gagawin ko sainyo. Mag sorry kayo sa isa't isa at yakapin nyo ang isa't isa" sabi ni Sam na naka ngisi. Iba rin tong mag bati sa dalawang nag pipikunan noh?

"That sounds gay" natatawang sambit ni JC at tinignan ang dalawa kung gagawin ba nila

"GAGAWIN NYO O TATADYAKAN KO ANG SPECIAL EGG NA INAALAGAAN NYO?!" Sigaw ni Sam na parang natatawa nya. Napatawa naman kaming lahat dahil sa ibig nyang sabihin ng 'special egg' ibang klaseng babae din ito

"Sorry Tol" sabi ni Bennedect at niyakap si Glen

"Sorry din" sabi ni Glen at hindi yumakap pabalik kay Bennedect.

"Oh ayan! Umayos din pala kayong dalawa! (Humarap sa lahat) ok everyone! The show is over. And please may I request everyone na hindi na ito dapat makarating pa kay Sir Bañes. Are we all Clear?" Tanong ni Sam at nag si oo naman ang lahat at bumalik na kami sa kanya kanyang upuan.

Umupo na kami pero pabilog pa rin ang set nga upuan namin

"Babae lang pala ang maka pag paayos sainyong dalawa" natatawang sambit ni Jason para kina Bennedect at Glen

"I don't really care sakanya. Besides what's done is done" sabi ni Glen at inihiga ang ulo nito sa Arm chair nya at mukhang matutulog na ito. Wait may.. napatingin ako kay Sam at nakahiga din ito sa Armchair nya at mukhang natutulog din. May kapareho din pala si Glen noh?

"Hindi ko rin naman kasi gustong nagagalit saakin si Sam at tsaka para maayos na rin kami ni Glen. Kaya sinunod ko nalang sya" sabi ni Bennedect

"Kaya guys. Alam nyo na! Wag na wag na kayong mag sisimula ng gulo dahil alam nyo na kung sinong Striktang babaeng makakalaban nyo" natatawang sambit ni JC

Jude's POV

Naka tapos na ang little show nilang kabilang grupo. At eto pa rin kami nina Adrian, Jules at Jr nag uusap.

"Tol kamusta ang pag crucrush mo kay Trisha?" Tanong ko kay Adrian.. ilang months na rin yan nagkagusto kay Trisha..himala ha? May nag tagal ring babae sakanya. The last time na nag tagal na babae sakanya is si Alexa.

"Ok lang naman. Pero hindi pa rin ako susuko hangga't hindi rin sya nagkakagusto sakin" sabi ni Adrian at tinaas baba pa ang mga kilay nito

"Ibang klase ka rin sa pag susuyo kay Trisha noh?" Sabi ni Jules at napatawa ito

"Syempre ngayon lang ulit ako ng Seryoso sa babae noh? Ayaw ko namang masaktan ng lubos at mawala ang bisa ng pag eeffort ko" sabi ni Adrian na natatawa.

"Eh ikaw Jules? May bago na ba? Naalala ko bago mag end ng school year nung Grade 11 tayo nagka gusto ka kay Sam" sabi ni JR na ikinatawa ko nalang

"Yas. Pero may nagugustuhan na ulit ako ngayon" naka ngising sambit ni Jules

"Sino?" Curios na tanong naming tatlo

"Si Cas Magbanua" sabi nito kaya napa tingin kami kay Cas dahil naka tingin din sya dito..

"Ah dahil maganda ganun?" Tanong ko

"parang ganun na nga" sabi nya saka napa tingin naman sya saakin na parang may binabalak

"Ano? Ba't ka tumitingin ng ganyan saakin?" Tanong ko

"Ikaw ba? May nagugustuhan ka na ba dito?" Tanong ni Jules saakin habang naka ngisi.

"Wow ha! Saakin pa napunta yung topic Hahah" sabi ko na natatawa

"Aminin!" Panunukso ni Adrian

"Oo meron. Si Thresia Sullivan" sagot ko naman

"Ayiie-" naputol ang panunukso saakin ni Adrian at Jules ng biglang nag salita si Jr

"Ako? Si Coleeza Manzano ang nagugustuhan ko ngayon" sabi ni Jr habang naka tingin kay Coleeza kaya nag si tinginan kaming tatlo nila Adrian at Jules at napatawa..

"Hindi kanaman tinanong Tol! Pero sumagot ka" natatawang sambit ni Jules

"Tol? Lasing ka ba?" Tawang tawang tanong ni Adrian kay Jr

"Tol.. tinamaan ka na" sabi ko kay Jr at naka tingin pa rin sya kay Coleeza habang naka ngiti

"Yeah.. tinamaan ako ng maganda" sabi ni Jr kay mas napalakas ang tawa naming tatlo.

"Jude! Bacolod o Kabankalan?" Tanong ni Trisha saakin kaya nagtaka naman ako dahil bigla biglang sumusulpot lang sya

"Ha? Para sa ano yan?" Tanong ko

"Wala lang naman..-" pinutol sya kaagad ni Sam

"Isa sa mga kabaliwan nila ni Bria. Kita mo? Nasa kabilang grupo ng upuan si Bria ngayon nangangampanya para mag tanong tanong" sabi ni Sam kaya napa tawa naman ako at napa tingin kay Bria

"So ano nga? Bacolod o Kabankalan?" Tanong ni Trisha

"Bacolod" sagot ko kaya ngumiti sya kaagad at may isinulat sa papel nya

"Jude! Bacolod o Kabankalan?" Tanong ni Bria saakin

"Bacolod" sagot ko naman

"Jude-" pinutol ko kaagad si Sam dahil alam ko na ang tatanungin nya

"KABANKALAN KABANKALAN nalang!" Naka ngiti kong sambit na parang tama yung answer sa Q.A. binigyan naman ako ni Sam ng Blangkong ekspresyon

"Bakit?" Tanong ko na nag tataka
At bigla syang napatawa

"Mag tatanong sana ako kung nakapag practice na kayo ng grupo mo sa MAPEH ng sayaw!" Natatawang sabi nya kaya napa kamot ako ng ulo ko

"Ay akala ko mag tatanong ka rin ng Bacolod o Kabankalan. Wala.. hindi pa kami naka pag practice" sagot ko sakanya at napatawa nalang sya

"Nakaka hiya" natatawang sambit ni Adrian saakin at tinignan ko sya ng masama.











VOTE AND COMMENT!
ashhleyy05♡

Unexpected Journey of LoveWhere stories live. Discover now