Ashley's POV
Nang nakarating na kami ng Hotel umupo muna kami ng Lobby dahil kinuha pa ni Sam ang Keys for each room.
Ng naka balik na si Sam ibinigay na nya saamin ang bawat Keys tsaka nya tinignan ang time..
"So Guys dahil 11 AM na dito.. go to your rooms na at pagkareach ng 12 kakain tayo sa Restaurant dito sa Hotel. Libre na daw yun sabi ng Principal natin, lahat ng Food natin na kakainin dito sa Restaurant libre daw, dahil kasama ito sa bayad" sabi ni Sam kaya nag si Tango nalang kaming lahat.. akmang bubuhatin ko na ang mga bagahe ko ng may bumuhat ito. Napatingin naman ako kung sino ito, ba't ang gentledog este gentle man mo ngayon Jules?
Hindi na'ko mag tatanong since nag represent naman syang buhatin ang kagamitan ko edi push mo na yan!
Ng nakarating na kami ng Room 6 kung saan yung room naming dalawa ay binuksan ko na ito saka naman kami pumasok dalawa.Nang naisara ko na ang pintuan nagulat ako sa nakita ko. Seryoso ba sila? Matutulog kaming dalawa ni Jules dito?! My ghad! Sa IISANG KAMA?!
"Jules ako sa Kama ikaw sa sofa" nang hina naman akong banggitin ang sofa dahil walang sofa sa Room. Tanging dalawang Chair at isang Masters Bed..
So katabi talaga kaming matulog?"Walang sofa, you have no Choice but to sleep beside me" sabi nito saka kumindat ito saakin na ikina bilis ng tibok ng puso ko. My ghad! Kinakabahan ba'ko? Ba't naman ako kakabahan? Wala namang mang yayareng kakaiba like ewww
Niligpit na ni Jules ang mga gamit namin saka naman ito humiga sa kama at nag simulang mag cellphone. Wow seryoso? Hindi man lang nyang papa andarin yung aircon? Yung lights? Ako talaga ang gagawa nun?.. aba syempre sya ang nag ligpit ng gamit nyo siguro kailangan din ng Fair treatment.
Pinaandar ko na ang aircon tsaka pinaandar ang lights.. napatingin naman ako sa refregerator at binuksan ito, may Soju dito, may Milk, at may iba't ibang Prutas. Wow yummy..
"Mukhang gutom ka ha? Gusto mo mauna na tayo sa Restaurant?" Tanong ni Jules saakin habang naka ngiti ito. Kaya napangiti naman ako, minsan pala hindi halos kalokohan ang nasa laman ng utak ni Jules noh? Minsan pala may Kwenta din sya hehe.
"Sige tara" sabi ko at lumabas naman kaming dalawa papuntang Restaurant ng Hotel
Elaisa's POV
NAKAKAHIYA! Jusko bakit ba kasi same kami ng Room ni Rey? Alam kong may Mutual Feelings na kami para sa isa't isa pero hindi ko pa rin maiwasang maging akward kami sa isa't isa noh! Gaya ngayon! Kakatapos lang naming mag ligpit ng gamit tapos ngayon ang tahimik naming dalawa. Sya naka upo sa kama habang ako naka Upo sa Upuan habang naka tunga nga kami sa Ere na parang mga baliw!
At worst! Walang sofa! So mapipilitan kaming dalawa na matulog sa iisang kama! Well malaki naman ang kama pero nakaka akward pa rin! Jusko! Alangan namang humiga ako sa Sahig? Hello! Magkaka sakit ako nyan! Alangan namang sya ang hihiga sa sahig? Magkakasakit din sya at ako naman ang mamamatay sa pag aalala!Sana naman kasi 1 room 1 person! O di kaya babae ang kasama ko sa iisang room! Pwede namang si Nicole diba? Gosh! What if something na mangyayare saamin? Like yuck! Please marami pa'kong pangarap sa buhay!
"Ano'ng iniisip mo?" Seryosong tanong ni Rey saakin ang pagbabasag nito sa katahimikan naming dalawa kaya napatingin ako sakanya, seryoso pa rin sya na naka tingin saakin. Bumibilis na ang tibok ng puso ko dahil sa kaba! Jusko Rey ba't ganyan ang ekspresyon mo? Pinapakabahan mo'ko eh!
"W-wala naman" pag iiwas ko ng tingin sakanya at ramdam kong tumayo sya mula sa pagkahiga saka ito lumapit saakin. Iniharap nya'ko sakanya at nakikita kong naka ngiti ito saakin! Ano'ng nginingiti mo dyan?! May masama kang plano noh? Wag naman sana! Lalo na't kamatis pa ang mukha ko ngayon!
YOU ARE READING
Unexpected Journey of Love
Teen FictionMinsan masasabi pa nating.. Forever na ba talaga? What if ma meet mo ang mga kaibigan mo nong una? What if ma meet mo ang mga taong ginawang masaya, malungkot, masakit, at napaka baliw na mga ala ala? Matutuwa kaba? o aalis na parang hindi mo sila k...