Sam's POV
Nakalipas ang isang linggo..
Yes! Monday ulit! Kakainis na araw ulit! Klase nanaman! Hahaha. Nakalipas na kasi ang isang linggo so ayun nga alam na namin ang names ng mga kaklase namin at talagang napaka ingay ng section namin!
Ng nakarating na'ko ng School pumasok agad ako ng Gate at napatingin kay nong gaurd at binubuksan nito ang Bag ng student sa harapan ko. Nung turn ko naman binuksan nito ang bag ko
"Good morning nong gaurd! Bakit po binubuksan yung bag namin?" Tanong ko rito
"Chinecheck ko lang kung may Cellphone at plastics sa bag nyo. Utos kasi ng Principal na kailangan i-check yung bags nyo"
"Aw ganun po ba? Sige salamat po" sabi ko at sinara na ang bag ko sabay lakad papuntang classroom namin. Habang nag lalakad ako biglang may sumundot ng tagiliran ko kung saan ako nakikiliti kaya napa gilid ako ng wala sa oras sabay tingin ng masama sa sumundot ng tagiliran ko.
Si Jules pala.. Jules is my classmate last year kaya kapag tinignan ko sya ng masama ngayon alam nya nang pabiro ito.
"Alam mo Sam? Yung first Impression ko talaga sa'yo ang bait mo at maganda ka.. pero.." sabi nito habang nag lalakad kami
"Ano'ng pero? Sige tuloy mo!" Sabi ko na natatawa dahil alam nyang sasabunutan ko sya ng pabiro kapag may sasabihin syang hindi maganda saakin.
"Wala! Hahaha" sabi nito kaya niroll ko nalang ang mga mata ko sabay nun nakarating na kami ng classroom at as always ang ingay ingay talaga ng room! May mga sariling mundo yung boys namin tapos yung ibang girls ganun din..
Dumiretso na kaagad ako ng upuan ko at umupo na. Nasa tabi ko naman sina Trisha at Bria na ngayon ay nag lalaro. Si Iane naman palihim na nag cecellphone...sige bes bahala kang magather yan push mo yan!
"Sam ba't ang tahimik mo yata ngayon?" Tanong ni Iane
"Ha? Wala naman.. bakit ba?" Tanong ko pabalik
"Eh kasi Parang lonely ka dyan." Sabi nito kaya natapa tawa nalang ako.
JC's POV
"Tol baka matunaw😂" natatawang sambit ko kay Bennedect na ngayon ay naka titig kay Sam
"JC baka matunaw rin si Iane sa ka titig mo"Naiiritang sagot nito saakin kaya tinignan ko sya ng masama
"Yuck, masuka ka nga" sabi ko dito at tumingin kay Jason at Glen na busy sa paglalaro
"Mag laro nalang tayo dito. Kaisa babae ang inaatupag nyong dalawa" sabi ni Jason na ikinatawa naming mag Tropa dahil busy ito sa paglalaro ng Mobile Legends
"Palibhasa binreakan ng Girlfriend nya kaya nagiging bitter!" Sabi ni Rey na nag lalaro din
"Oo nga, sumunod kayo kay Glen 5 months na sila ng GF nyan" Sabi ni Lance naka tingin kay Glen na nag lalaro
"Ano nga ba nung name ng GF ni Glen?" Biglang tanong ni Dexter na kaka upo lang sa upuan nito
"Alyssa diba?" Tanong ni Rey
"Oo" tipid na sagot ni Glen habang nag lalaro ng seryoso.
"Naalala ko pa nung nangligaw yang si Glen kay Alyssa todo effort talaga haha" sabi ni Dexter
"Sino ba kasi ang mag aakala na may babae pa palang magugustuhan itong si Glen pagkatapos nilang mag break ni Galle" sabi ko naman na natatawa
"ANO?! NARIRINIG KONG BINANGGIT NYO ANG PANGALAN KO!!" sigaw ni Galle mula sa First Row ng Girls
"Naririnig mo pala kami?" Tanong ni Lance na natatawa
"AY hindi hindi" Pilosopong sagot nito saka ito lumapit saamin
"Narinig ko ang pangalan ko.. ano?" Tanong ni Galle
"Ang sabi ko may nagustuhan pa palang babae si Glen pagkatapos mo syang Breakan" sabi ko dito at binelatan nya nalang kami at bumalik sa upuan nya
"ANDYAN NA SI SIR!" sigaw ni Jules gaya mabilis na tinago ni Glen at Jason na natitirang nag lalaro ang phone nila saka umupo kaming lahat ng matuwid.
"Good morning class" Sabi ni Sir Bañes kaya napatayo kaming lahat at binati sya ng Good morning
"So today..mag eelect tayo ng Class officers.. so sisimulan natin sa Class mayor.." sabi nito at ayun nag si ingay ang lahat dahil may kanya kanyang boto naman kami kung sino ang gagawing class mayor
"Sir si Ken!" Sigaw ni Rey na natatawa alam naman namin na nag bibiro lang yan
"Yoks tol!" Pag mumura nito na naiinis at parang natatawa pa
"Ms. Baylon.. Paki sulat dito sa Black board ang gusto nilang i-elect" sabi ni Sir kaya tumayo naman si Iane sabay kuha ng chalk sa kamay ni Sir, Si sir naman umupo sa gilid.
"I nominate Sam Mercado as Class Mayor" sabi ni Trisha kaya sinulat naman kaagad ni Iane ang apelyiedo ni Sam
Nag hands up naman si Coleeza
"I nominate Alexa Mendoza as Class Mayor" sabi nito saka naman isinulat ni Iane sa Black boardNag hands up naman si Rey.. naku lagot na
"I nominate Bennedect Paloma as Class Mayor" sabi nito at natatawang umupo.
"Tol! Ba't ako?!" Gulat na tanong ni Bennedect na ikinatawa naman ng grupo namin.
Nag hands up naman si Ken. Kalokohan naman ba'to?
"I close the nomination" sabi nito. Wow
Hands up na din si Renzel
"And I second the motion" sagot nito at umupo ulit."Ok Who votes for Sam?" At ayun.. maraming nag hands up. Nag hands up na rin si Bennedect..
May nahahalata ako dito kay Bennedect ha?
Coleeza's POV
Maraming nag hands up para mag vote kay Sam.. tinignan ko ang sinulat ni Iane kung ilan ito.. 23?! WOW
Mukhang strikta pa naman si Sam kung tignan mo sya ngayon.
"Who votes for Alexa?" Tanong ni Iane at Syempre and grupo naming IRIS na boboto sa Bestfriend namin.. marami din ang bumoto at ng tignan ko ang naka sulat.. 22 ang nag vote. Isa nalang sana pantay na sila ni Sam.
"Paano kung hindi ka manalo?" Tanong ko kay Alexa
"Ok lang!" Sabi ni Alexa na naka ngiti..sabagay pinilit lang naman sya naming mag run as class mayor.
Pagkatapos tanungin ni Iane kung sino ang bumoto kay Bennedect.. lumabas na 16 lang ang bumoto sa Kanya
Tumayo naman agad si Sir Bañes
"Ok Our Class Mayor is Sam Mercado. Ms. Mercado.. please stand up here in front" sabi ni Sir at sinunod naman ni Sam na pumunta sa harapan at tumayo ito dito."Palagay ko matahimikin yang si Sam" sabi ni Ashley kaya napatawa nalang ako
"Mukha nga. Pakiramdam ko nga strict sya eh" sabi ko dito kaya napatawa nalang kami ng mahina dahil sa mga iniisip namin..well this could be a loooonngg Journey!😊
VOTE AND COMMENT!
ashhleyy05♡
YOU ARE READING
Unexpected Journey of Love
Roman pour AdolescentsMinsan masasabi pa nating.. Forever na ba talaga? What if ma meet mo ang mga kaibigan mo nong una? What if ma meet mo ang mga taong ginawang masaya, malungkot, masakit, at napaka baliw na mga ala ala? Matutuwa kaba? o aalis na parang hindi mo sila k...