CHAPTER 4

83 6 6
                                    

Ashley's POV

Kakarating lang naming IRIS sa School ng sabay sabay..Kaya nag si upo kami kaagad sa upuan namin.

Ang IRIS ang name ng Grupo namin. Nabibilang dito syempre ako, Coleeza, Alexa, Krysha, at Rian

"Guys. Pansin nyo ba? Panay tingin ni JR kay Coleeza?" Kinikilig na sambit ni Rian saamin kaya napatingin kami kay JR na ngayon umiwas ng Tingin at nakipag usap daw sa grupo nito na sina Adrian, Jules, at Jude.

"Naku wag nyong bigyan ng malisya. Malay nyo naka tingin lang talaga sya sa iba't ibang girls dito" sabi ni Coleeza at Kinuha yung phone nya sa Bag nya

"Ano'ng gagawin mo?" Tanong ko

"Mag wawattpad! Ano pa ba?" Sabi nito na natatawa at binuksan na ang phone nya

"Diba dito nag Grade 11 yang sina Adrian, Jude, Jr at Jules?" Tanong ko kay Alexa dahil dito rin yan nag Grade 11

"Yas. At hindi ko aakalain na ganyan na ka pasaway si Jules ngayon! Ang bait bait nyan nung Grade 11 kami. Minsan lang yan napapagalitan ng Teacher pero ngayon araw araw na" natatawang sambit ni Alexa kaya napangiti nalang ako at napa tingin kay Jules. Infairness ang cute nya😊

Alexa's POV

"Lex?" Napa tingin naman ako kay Coleeza na biglaang binanggit ang pangalan ko

"Bakit Col?" Tanong ko kay Coleeza

"Sino ang Crush mo?" Natatawang tanong nito kaya napatawa nalang ako. Akala ko kung ano na

"Jungkook ng BTS" sagot ko na naka ngiti

"Omg! Alam mo rin yung BTS? Army ka din?" Tanong nya na parang kumikinang yung mga mata nya sa tuwa

"Hahaha Oo.." sagot ko

"Bias ko si Jin!" Naka ngiting sambit nito

"Share mo lang?" Bigla akong napatawa sa biglaang pag sagot ni Krysha kay Coleeza

"Oo share ko lang!" Sabi ni Coleeza at binelatan si Krysha

"Any way.. may Ex ka na ba?" Tanong ni Coleeza saakin na ikinagulat ko naman. Never expected na mag tatanong sya ng ganito ha?😂

"Yes" sagot ko

"Sino?" Curios na tanong ng lahat na IRIS at biglang napatingin silang lahat saakin kaya napatawa nalang ako

"Si Adrian" sagot ko

"Si Adrian?! As in Adrian Villando?!" Gulat na Tanong ni Rian

"Oo" natatawang sagot ko

"Wait? How come? Diba MU sila ngayon ni Trisha Cocjin?" Tanong ni Ashley

"Yes. Pero bago kay Trisha may Dalawa pang babae syang naging ka MU. Panandalian lang yun.. Hindi naman masama ang loob ko kay Trisha, pero naaawa ako sakanya. Maliit lang naman.. iniwan ako ni Adrian for no reason tapos yung pinalit nya sa'kin tomboy na ngayon. Pero isang month lang ang tinagal nila tapos Ayun may ibang ka MU naman sya.. pagkatapos nung naging ka MU nya na hindi rin tumagal..ay si Trisha na. Ewan pero may pakiramdam ako na iiwan nya din si Trisha. Naaawa lang ako kay Trisha na anytime masasaktan rin sya dahil kay Adrian" malungkot kong sambit sakanila

"Masama ang loob mo kay Adrian noh?" Tanong ni Krysha at tumango naman ako

"Hayaan mo na Girl. May iba pa naman dyan eh, mas worthy" sabi ni Rian na ikinangiti ko naman.

"Alam ko naman yun" sabi ko at ngumiti sakanila

Rezz's POV

Ba't wala pa ring teacher? 2 PM na ha? Napatingin ako sa buong mga kaklase ko at busy silang nag uusap sa mga kaibigan nila habang ako naman.. eto walang magawa dahil si Thresia, Venice, at Angelika ay nag CR. Sila kasi ang mga katabi ko at mas komportable ako sakanila.. kasi nga Cute ako^^

Anong connect? Hahaha nababaliw na ata ako.. baliw na baliw kay Crush! Yieee!

Ok? Ganito nga ako kung wala akong magawa!

Brianna's POV

"Sam!" Sigaw ko kaya napa tingin naman saakin si Sam na nag tataka

"Oh? Bakit?" Tanong nya

"May sasabihin ako sa'yo! Hindi mo alam kung ano ang nalaman ko yieee!" Kinikilig kong sambit sakanya at kinikiliti sya sa tagiliran nya.

At biglang binigyan nya'ko ng naiiiritang mukha
Alam ko naman na hindi nya'ko aawayin dahil mabait naman sya saaming mag bestfriend

"Tigilan mo nga ang pag sundot sa tagiliran ko! Bria kung may sasabihin ka.. sabihin mo na please. Inaantok na kasi ako" sabi nito

"Ok! May pang papalit kana kay JM!" Naka ngiti kong sambit sakanya. Si JM ang Ex nya.. yung First love nya at First Boyfriend nya. First Ex na rin.

"Ha?" Di nya gets. Oo ang slow nya rin minsan!

"Si Bennedect! Narinig kong nag uusap sila kanina dito ng mga ka Grupo nya at narinig kong may Gusto sa'yo si Bennedect! Ayieee" sabi ko dito kaya binigyan nya'ko ng gulat na expresyon

"WHAT?!" gulat na tanong nya

"Totoo? May gusto si Bennedect kay Sam?" Tanong ni Trisha na sumulpot sa usapan namin

"Oo nga!" Sabi ko sakanila

"Pe-" naputol ang sasabihin ni Sam ng biglang nag sigawan amg boys.. yung grupo nila ni JC na parang may inaawat.

Napatayo naman kami ni Sam at Trisha saka lumapit doon at parang may pinag titipunan ng boys

"Tol awat na!" Sigaw ni Rey habang pinipigilan ang nag babanggaang balikat nina Glen at Bennedect at pareho silang pikon na pikon

"Tol tama na yan" sabi naman ni Jason at nagulat nalang kaming lahat ng biglang nag suntukan na ang dalawa kaya napa tabi ang Girls at yung boys naman inaaawat ang dalawa

"Eh g*g* ka pala eh! Ang pikon pikon mo!" Sigaw ni Bennedect kay Glen at sinuntok ito kaya sinuntok naman ni Glen si Bennedect

"Pake alam mo ba? Hindi naman kita pinake elaman pero nangenge alam ka!" Sigaw ni Glen at nag suntukan yung dalawa.

"Tol awat na!" Sigaw ni Lance at hinawakan nina Lance at Jason ang mga braso ni Bennedect upang pigilang sugurin si Glen at si Jc at Rey naman ang pumigil kay Glen

Jusko hindi ko gusto ang scene na'to

"Sam mayor ka! Awatin mo!" Sabi ko kay Sam

"Naawat na nga! Sesermonan ko nalang!" Sabi ni Sam saka lumapit sa ginta ng dalawang lalake

"Ano'ng nangyayare dito ha?!" Pagalit na sigaw ni Sam. Galit ang ekspresyon nya pero alam kong hindi naman yan galit. Magaling lang umarte at mag pangaral yang si Sam eh

"Ano ba ang sinimulan ng away na'to ha?! Alam nyo bang bawal yan dito sa School?! Excuse me ha? Pero nasa Private school na kayo at hindi na sa Public school! Kung sa dati nyong skwelahan ay nasanay kayong nag aaway at nag babangayan ibahin nyo dito sa School natin! sa school na'to dapat may disiplina kayo sa mga ugali nyo! Nag mumukha kayong BATANG KANTO! Ang yayaman nyo nga! Pero ang mga ugali nyo hindi naman na disiplina ng maayos!" Sigaw ni Sam at napa yuko naman ang boys. Yan! Go bes!

"Iba rin! Laki ng pinag bago ni Sam ngayon noh? Iba sa dating sam na kilala nating nag sisimula ng gulo noon" natatawang sambit ni Trisha

"Oo nga noh? Nagbago sya. Anyare kaya?" Natatawang tanong ni Iane

"NOW TELL ME! SINO ANG NAG SIMULA NG GULONG ITO?!" sigaw ni Sam kaya hindi rin kaagad naka sagot ang boys

"Ah ayaw nyong sumagot?!" Ayun. Alam ko na ang gagawin nya.. mukhang sya naman ang sasabak sa gulo.






















VOTE and Comment!

ashhleyy05♡

Unexpected Journey of LoveWhere stories live. Discover now