"You almost lost it back there...." Ani Jethro sakin.
Nakasakay kami sa elevator ngayon. And it's almost three in the morning. Katatapos lang ng shift ko at sarado na ang Palladium at kaming dalawa nalang ang natira sa mga oras na to.
Napabuntong hininga nalang ako nang maalala ang mga nangyari kanina. "Hindi ko sinasadya.... I wasn't planning to kill him." Mahinang sabi ko.
"You know that's a lie though. Alam ko because we're cut in the same cloth. Mahirap mabuhay sa isang kasinungalingan Jin. "
Marahas akong tumingin kay Jethro. I don't know why but what he said ticked me me off.
"This!!....is my reality now! Even if it gets tough as hell. Kahit ilang lasing pa ang makaharap ko sa susunod. I'm not going back to how I was."
I don't want to go back to being a lifeless monster.
He only looked at me na para bang marami syang gustong sabihin.
"Kahit ilang beses mo mang paniwalain yang sarili mo na hindi ka na ang dating Ryujin. Pilitin mo mang baguhin kung ano ka, kahit gano ka mnan katagal magtago o tumakbo palayo sa kanila, you know that in the end you'll always have to come back to them."
Natigilan ako sa mga sinabi nya. I know. I know that this life I'm living is not for long. I know that myself...
Diiiing
Jethro gave me a final glance before heading out first from the elevator.
"See you on your next shift, new hire. " anito saka sya naglakad palabas na ng building.
I sighed again saka lumabas narin ng elevator. Bakit ba sunod sunod nalang ang mga hindi kanais nais na pangyayare sakin this past few days? Is this a bad omen that something much bigger might happen? I shook my head at the thought.
Ilang saglit pa at nasa kalsada na ako. At may mangilan ngilan parin namang mga tao na nasa kalsada. Some are from offices who work late, others came from partying.
Wala narin masyadong dumadaan na sasakyan. Maliban sa taxi at ilang private cars. Mapapagastos yata ako ngayon sa pamasahe. Di bale, makakabawi rin ako dahil sa bagong trabaho ko. Sana lang tumagal ako at sana wala ng mangyare pang gaya nung kanina sa Palladium. Ayoko ng masangkot sa gulo.
Boy I was wrong.
I turned to a street na papunta sa isang park na madadaanan ko bago ang sakayan at mula nga dun ay wala na halos tao sa paligid. I looked around saka patay malisyang nagpatuloy sa paglalakad. Habang ramdam na ramdam ko na ang antok. Prang babagsak na yung mga talukap ng mata ko sa pagod maisip ko palang yung kama sa bahay namin, para bang hinihila agad ako ng pagod at puyat.
Krrrrrick krackshhhh shhshsh !!
I stopped when I heard some noise coming from a nearby bushes. At maya maya'y parang mga kabute na may biglang nagsulputang apat na mga lalake at pinalibutan ako.
BINABASA MO ANG
LADY YAKUZA BOSS
AksiIt was said that the Yamaguchi-gumi is the strongest and biggest yakuza clan there is. And in that big family of yakuza, there was a beautiful growing dragon. Cold and heartless. Fearless and strongest. And the youngest chosen one. At ako yun. I...