I met a Deity

92 9 12
                                    











I blinked my eyes a couple of times

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I blinked my eyes a couple of times.

Ilang segundo akong tulala. Pero napabalikwas ako ng bangon nung bumalik sakin yung huling nangyare bago ako nakatulog.

"Shit! "

Umaga na ba? Hapon?  Tapos na ba yung gala? 

Natapuan ko ang sarili ko sa loob ng isang kwarto. A hotel room. Ang tanging nagsisilbing ilaw ay nagmumula sa isang lampshade na nakabukas sa gilid ng malaking kama.

Dahan dahan akong bumaba at kasabay nun ang realization at relief na makitang suot ko parin ang gown ko. I hurriedly put my heels on that I saw laying on the floor beside the bed.

Bigla bumukas yung ilaw at kasunod nyon ay ang isang balingkinitang babae ang dahan dahang naglakad at huminto sa kabilang gilid ng kama. Nakasuot lang ito ng maong na pantalon at wrap blouse. But she still looked sexy as hell.

"Sino ka? "

"Finally nagising ka rin. "She said.

The first thing I noticed is that she's stunningly beautiful. May kasingkitan ang mga mata nya na nagbigay lang sa kanya ng snob na aura. And that even added character to her beautiful face.

Kumunot ang noo ko. Who is she?  Where's Kai anyway?

"Nasan ako? Is it the still the same day? " parang wala sa huwisyong tanong ko saka ko nasapo ang ulo ko. Ugh, angsakit ng ulo ko.

Binalewala nya ang mga tanong ko. Humakbang yung babae palapit sa side table at saka kinuha yung receiver ng telepono na nandun.

"Yes,  can you bring some medicine or a drink for hangover? Need it asap. Thanks. " she put the phone down and then she crossed her arms together.

"Who are you? " para akong sirang plaka.

I blew an exasperated sigh and turned my back on her. Forget it.  Mukang wala akong makukuhang sagot sa babaeng to. Mabilis akong lumapit sa makapal na kurtina ng bintana at malakas na hinatak yun.

Thank God it's still dark outside.

Hinarap ko yung babae.

"I'm  going. Anyway, thanks,.... I guess. " maikling paalam ko saka ako nagmamadaling naglakad papaunta sa may pintuan.

"Err.. You're going out looking like that? Ridiculous! " she exclaimed while looking at me like an eyesore.

She grab my wrist and took me inside the big restroom in that same hotel room. Sa loob nyon ay may malawak na dresser at malawak na salamin na napapalibutang ng light bulbs. Nakahilera ang maraming klase ng make up na hindi pamilyar sakin dahil hindi naman ako sanay gumamit ng mga yon.

Mabilis at magaan ang kilos ng babae. She's so elegant in every way.  She fixed my make up and she made me take my gown off and called someone to had it steam pressed.

LADY YAKUZA BOSSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon