Nagising si Nica ng umagang iyon na nakakunot ang noo. Mula sa kanyang kwarto ay dinig na dinig na naman niya ang pagtatalo ng kanyang mga magulang. Mukhang may gyera sa kusina.
"Ma? Pa? Ang aga namang bulyawan 'yan?" tanong niya nang makababa ng kusina. Hindi na bago sa kanya na nagtatalo ang mga ito. Para ng mga aso't pusa ang mga ito simula pa man noon.
"Ito'ng papa mo kasi. Binili-bili 'yong katabing lupa ng farm. Kinutuban na ako na masama ang pakiramdan ko sa babaeng 'yon," nakapameywang na satsat ng kanyang mama.
"Dioscora, kaibigan ko ang mga magulang noon. Hindi ko naman inakala na lolokohin ako ng batang 'yon," katwiran naman ng kanyang papa.
Napakamot siya sa kanyang batok. Pinag-aawayan ng dalawa ang pagbili ng kanyang papa ng lupa sa bukid. Hindi nito inakala na hindi lang pala ito ang pinagbentahan ng lupa. Tatlo silang may-ari noon ngayon. Kaya galit na galit ang kanyang mama.
"Hindi ka kasi nakinig sa akin," malakas ang boses na sita ng kanyang mama.
Sasagot pa sana ang kanyang papa nang pumagitna siya. "Tama na ho pa, ma. Please. Ang aga aga ay nagtatalo kayo. Akala ko pa naman ay nag-promise na kayong hindi na magtatalo? Aba, eh, babalik na lang ako ng Denmark ngayon kung ganito lang din ang klase ng umaga ang sasalubong sa akin araw-araw."
Natigilan ang dalawa saka siya tinitigan.
"Ito kasing papa mo. Ang 50k ay 50k. Saan ba makakapulot noon?" medyo malumanay nang sabi ng kanyang mama. Natakot yata itong babalik na talaga siya agad ng Denmark.
Inakbayan niya ito. "Ma, huwag niyo nang sisihin si papa. Hindi niya naman po kasalanan kung nagtiwala siya doon sa anak ng kaibigan niya. Bayaan niyo, kukunsulta po tayo sa abugado para makahingi tayo ng advice kung anong marapat nating gawin," panghihimok niya rito sabay hagod sa likod nito.
Huminahon naman ito. Nang sulyapan niya ang ama ay kumindat ito sa kanya. Wala pang isang minuto ay nakayakap na ito sa kanyang mama at sinusuyo ito.
Napailing na lang siya at ngumiti. Wala pa ring nagbago sa mga magulang niya. Noon na gipit pa sila ay madalas na itong nagtatalo. Ngayon naman na meron na silang pera ay nagtatalo pa rin ang mga ito. 30 years ng kasal ang mga ito pero parang hindi pa rin nakakapag-adjust sa isa't isa. Ganoon pa man ay masaya pa rin siya dahil kahit na araw-araw nagtatalo ang mga ito ay araw-araw ding nagbabati ang mga ito.
Iniwan niya muna ang mga ito at pumunta sa sala. Kinuha niya ang kanyang phone at tiningnan kung mayroon pa siyang numero ng kanyang kinakapatid. Pag-dial ay nadismaya siya nang ang operator ang sumagot. Baka iba na ang numero ni Mel.
Kinuha niya ang directory ng telepono saka nag-dial. May sumagot na babae sa kabilang linya sa unang ring.
"Hello? Good morning. Andyan po ba si Melody?" tanong niya sa kabilang linya.
"Si Mel 'to. Speaking?"
Napangiti siya. "Mel, si Danica 'to. Kamusta?"
"Danica Santiago?"
"Oo."
"OMG! Himala at nagparamdam ka! Ayos ako. Ikaw? Kamusta? Balita ko, umuwi ka?" excited nitong tugon.
Napailing siya sa kaibigan saka umupo sa sofa. "Oo. Last week lang. Okay naman. Maraming tulog nga lang. Naninibago sa time zone."
Tumawa ito. "Sa init ng panahon madami kang tulog? You should get out. Sabagay, ansabe ng centralized aircon," sabi nito na ikinatawa niya. "Ang daya ha. Hindi ka man lang nagpakita. Hindi pupwede 'yan. Dapat may welcone get-together."
Napakamot siya sa batok. Bukod sa kinakapatid niya si Mel ay isa rin ito sa mga matagal na niyang kaibigan. Dahil outgoing ito ay ang definition nito ng get-together ay alak at bar. At ang alak at bar para sa kanya ay naging taboos na matapos ang isang insidente some years ago where she ended up kissing some guy.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY
RomanceMatagal nang isinumpa ni Nica ang alak. Hindi lang dahil sa mababa ang kanyang tolerance doon kundi dahil sa isang pangyayari 10 years ago where she ended up in the arms of some guy in the bar and made out with him. He wasn't just some guy but a min...