"Ai! Ano ba 'yan! Danny! Ang mga manok mo! Nica! Tulong!" malakas na sigaw ng ina ni Nica mula sa kanilang bakuran.
Nagkatinginan sila ng kanyang ama na kapwa nagluluto ng panghapunan nila bago sabay na lumabas. Nagkatawanan sila ng ama nang makita ang kanyang ina na hinahabol ang mga manok na nakawala sa kulungan.
"Tumatawa-tawa pa kayo dyan. Tulungan niyo ako," malakas na saway ng kanyang ina.
Mabilis naman silang tumalima ng ama. Habang hinahabol ang mga alagang manok ng ama ay hindi niya napigilang matuwa. Kung laging ganoon ay parang ayaw na niyang bumalik ng Denmark.
Tagatak na ang pawis niya habang hinahabol ang huling manok na hindi pa nahuhuli. Nang mahuli iyon ay napasalampak siya sa may balcon nila. "Ha! Kapagod!" anas niya.
Balak pa sana niyang magtagal doon nang biglang may dumating na sasakyan sa harap ng kanilang bahay. Napatungo siya at agad napatayo. Hindi niya kailangan manghula kung kanino ang sasakyan. Kay Clyde ang pulang kotse. Sigurado siya dahil alam niya ang plate number nito. Ano’ng ginagawa nito doon?
Lumapit naman ang kanyang ina sa kanya. "Sino 'yan?"
Sasagot na sana siya nang bumaba na ang lalake sa kotse. Nakangiti itong bumungad aa kanya. Parang gusto niya tuloy magtalukbong. He looked so fresh samantalang pawis na pawis siya.
"Si Atty. Rucaberte," takang sambit ng kanyang ina. Agad nitong sinalubong ang lalake.
Hindi naman niya malaman ang gagawin. Babalik ba sa loob ng bahay, magbibihis, o mananatili doon sa labas?
"Nag-abala ka pa talaga na ihatid ito attorney. Sana itinawag mo na lang para kami ng kumuha sa inyo," sabi ng kanyang ina.
"Wala pong problema, ma'am. On the way naman po kasi itong inyo sa akin," anitong nakangiti. Sumulyap ito sa kanya.
Pigil-pigil naman niya ang sarili nang ngitian din ito. On the way? Talaga? Ano'ng binabalak mo attorney? Dumada-moves ka na naman.
"Ahh.. Ganoon ba? Baka gusto mong magkape muna? Halika sa loob," yaya ng kanyang ina. Tinawag pa nito ang kanyang papa para ipakilala ang dalawa. Inutusan naman siya ng ina para magtimpla ng kape.
Mabilis siyang tumalima. Kung gaano siya kabilis nagtimpla ng kape ay ganoon din kabilis ang kanyang paghilamos at pagtoothbrush.
Pabalik na sana siya sa labas bitbit ang tray ng kape nang pumasok ang kanyang mga mgulang sa loob ng bahay at lumapit sa kanya. Nanunukso ang mga tinging ipinukol sa kanya ng mga ito.
"O bakit po?" takang tanong niya.
"Gwapong lalake. Ang tanong mabait ba 'yan?" tanong ng kanyang ama.
"Po?"
"Ngayon ka lang ulit inakyatan ng ligaw," dagdag ng ama.
Sinaway niya ang ama. "Pa, baka marinig kayo. Narinig niyo naman siguro na si mama ang sadya niya."
Tumawa ang kanyang mama. "Labasin mo na, anak. Halata ko naman maski na noong nasa opisina niya tayo na mukhang tinamaan sa'yo."
"Ma?" natatawang pinandilatan niya ito.
"Sige na. Yayain mo na ring maghapunan dito nang mabalatan ko," biro ng kanyang ama.
Nakangiting napailing na lang siya sa mga magulang. Dati-rati ay kapag may nagpupunta sa kanila ay halos ayaw siyang iwan ng mga ito. Kelangan nasa proximity ang kanyang bisita. Ngayon ay tila na-excite pa ang mga ito na may sumadya sa kanila.
Pagkalabas ay confident na siyang lumapit dito. Inilapag niya ang kape sa table saka tumabi rito. "Brewed 'yan," aniya saka ito nginitian. Kamakalawa lang nang magkita sila. Agad nitong kinuha ang kanyang numero at wala pang isang araw ay nakatawag na agad ito sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY
Storie d'amoreMatagal nang isinumpa ni Nica ang alak. Hindi lang dahil sa mababa ang kanyang tolerance doon kundi dahil sa isang pangyayari 10 years ago where she ended up in the arms of some guy in the bar and made out with him. He wasn't just some guy but a min...