Hindi maalis-alis ni Nica ang mga mata habang tinitingnan ang picture nilang dalawa ni Clyde sa kanyang phone. Kuha iyon noong araw na maging sila. Hindi pa siya nakontento ay hinawakan niya ang mukha nito mula sa screen.
Miss na naman niya ulit ang nobyo. Hindi nga ito naging availble gaya ng sinabi nito. Sinubukan niya itong tawagan kahapon pero hindi ito sumasagot. Pero nagtext naman ito na busy lang ito pero namiss siya.
Sapat na sa kanyang may marinig mula rito. She had already decided. Sasabihin na niya ritong mahal niya ito. At gusto niyang bigyan ng shot ang long distance relationship. He was worth the risk.
Pabalik na siya sa may cashier mula sa paglilinis ng isang table nang tumunog ang kanyang phone. Napangiti siya nang makitang si Clyde iyon.
"Hello?" excited niyang sagot.
Natahimik muna ito. "Hi. How are you?" tanong nito.
Mas lalong lumapad ang kanyang ngiti. Pakiramdam niya kasi ay ngumingiti ito. "Are you smiling?"
"Paano mo nalaman?"
"May mga mata akong nakabantay sa'yo attorney."
Natawa ito. "Talaga. Mabuti't binabantayan mo ako. Akala ko kasi wala ako sa isip mo."
"You're always on my mind."
"Wow. Somebody woke up on the right side of the bed," anito.
Napangiti siya. "I miss you, Clyde.."
Matagal bago ito sumagot. Parang ninamnam muna nito ang kanyang sinabi. "Hmm.. I miss you too. Dadaan ako sa inyo mamaya, ha?"
"Talaga?" natuwang sambit niya.
"Talaga. Hindi na ako makahintay ng bukas. I need to see you, and kiss you and hug you and hopefully make love to you.."
Tumawa siya. "Sa bahay ka pupunta kaya kiss at hug lang," saway niya.
"Eh, de diyan ako matutulog."
"Pwede rin. Tabi kayo ni papa."
Tumawa ito. "Okay lang. Kapag humihilik na siya gagapangin kita."
Mas lalo siyang natawa. Kinagat niya ang labi. Muntik na kasi niyang masabing mahal na mahal niya ito. Later. "I'll see you then."
"Yeah. See you."
Hindi pa sana niya ibababa ang phone nang makita niya si Jason. Papasok ito ng ristorante.
"Clyde? I'll see you later, okay? Nandito si Jason," pagpapaalam niya sa nobyo.
"Okay. See you."
"Jace.." aniya sa lalake nang salubungin iyo. "Ano'ng ginagawa mo rito?"
Kung dati ay friendly ang approach nito sa kanya ngayon ay seryoso na ito. Para bang nag-build ito ng wall sa pagitan nilang dalawa. "I want to talk to Leslie," demand nito.
"I don't think today is the best time. Masama ang pakiramdam ni Leslie," pagdadahilan niya.
"Don't lie to me again, Nica," nakatiim-bagang na sabi nito.
"It's okay, Nic.."
Napalingon siya sa kanyang likuran at nakita si Leslie na lumabas ng opisina nito. Iniwan siya ni Jason at lumapit kay Leslie. Nakasunod na lang ang kanyang mga mata hanggang sa pumasok ang mga ito sa opisina ng kanyang kaibigan.
Muli niyang kinuha ang phone at tinawagan ang nobyo pero nakapatay na ang phone nito. Wala siyang nagawa kundi ang maghintay kung ano ang kalalabasan ng pag-uusap nina Jason at Leslie.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY
RomansaMatagal nang isinumpa ni Nica ang alak. Hindi lang dahil sa mababa ang kanyang tolerance doon kundi dahil sa isang pangyayari 10 years ago where she ended up in the arms of some guy in the bar and made out with him. He wasn't just some guy but a min...
