"See you in a bit."
Nakangiti si Nica pagkabasa sa text ni Clyde. Nasa ristorante siya at hinihintay ito.
"Luma-lovelife ka talaga, ah. Cheesy smiles, oh," untag sa kanya ni Leslie.
Lumapad ang ngiti niya. "Hindi lang naman kasi ikaw ang pwedeng mag-lovelife, noh?"
Tumawa ito. "So, makikilala ko na ba 'yang mysterious na guy na 'yan? Parang 1month mo nang tinatago ‘yan ah."
Umirap siya. "Hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung sino ang tatay ni Lu ay hindi ko rin sasabihin sa'yo kung sino si Mr. Lovelife ko."
Natahimik ito. "Okay."
Napaduko na lang siya nang tumalikod na ito. Talagang wala siyang mapapala dito. Kahit anong gawin niya ay talagang tikom ang bibig nito.
Maya-maya ay dumating na ang inaasahan niya. Tumayo siya sa kinauupuan pagkakita sa sasakyan ni Clyde. Pagkababa nito ay kinawayan niya ito.
Malapad ang ngiting nakapinta sa gwapong mukha nito habang palapit sa kanya.
"Hi," anito saka siya hinalikan sa pisngi.
Napasinghap siya nang magdulot iyon ng kakaibang sensasyon sa kanyang katawan. Mula sa pahawak-hawak sa kamay ay nag-level up na ito sa paghalik sa kanyang pisngi. Alam niya it will take time to get used to it. Paano na lang kung sa mga labi na siya halikan?
"Hi," nakangiting tugon niya saka ito giniya sa loob ng kainan.
"So, ito pala ang ristorante kantina," anito ng makaupo na sila sa isang table. Inikot nito ang paningin sa paligid hanggang sa tumigil sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo. "Akala ko ba regular ka dito? Bakit parang ngayon ka lang yata nakapunta rito?" tanong niya. "Atty. Rucaberte? Are you lying to me?"
Tumawa ito. "Ito pala ang ristorante kantina kapag nandito ka. Maganda."
Itinirik niya ang mga mata. "Off ang hirit mo, today. May malaking kaso ka bang hinahawakan?"
Nakangiting umiling ito. "'Yong kaibigan ko kasi. Maagang naglasing. Imbes na problema ng kliyente ko ang aatupagin ko eh yong problema sa puso ng kaibigan ko ang inatupag ko."
"Si Dave?"
"Nope. Si Jason."
"Ahh.."
Hindi pa niya muling name-meet ang mga kaibigan nito. But she remembered his friends, Dave and Jason.
"So, ano'ng masarap sa menu today maliban sa'yo?" nakangiting pag-iiba nito sa topic.
Natawa siya. "Marami," tugon niya. "Nagpaluto na ako for lunch natin. Kumakain ka naman ng sisig, 'di ba? The best ang sisig namin dito. Version ni papa 'yon."
"Okay ang sisig. Hindi naman ako mapili sa pagkain."
"Good."
Ngumiti ito. "So, kung sisig ang specialty ng papa mo. Pinakbet naman sa mama mo. Ano'ng sa'yo?"
"Hmm. Hulaan mo," nakangiting hamon niya.
"May premyo ba ako?"
"Sure," nakatawang tugon niya.
Umiling ito. "Kapag nahulaan ko. May libre dapat akong kiss."
Umawang ang kanyang bibig. "No!"
Tumawa ito. "Wala ng bawian. Okay. Race to 5 guesses?"
Napailing na lang siya. Hindi siya mananalo rito. Na-blackmail na siya nito minsan kaya hindi nakakapagtakang he made his way into the deal. "3 lang, ah," aniya.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY
RomanceMatagal nang isinumpa ni Nica ang alak. Hindi lang dahil sa mababa ang kanyang tolerance doon kundi dahil sa isang pangyayari 10 years ago where she ended up in the arms of some guy in the bar and made out with him. He wasn't just some guy but a min...
