Chapter TEN

9 2 0
                                    

Pigil ni Nica ang mga luha habang yakap-yakap siya ni Lulu. Kanina pa ito nakapulupot sa kanya at ayaw siyang bitiwan. Nasa labas na sila ng airport at handa na siyang pumasok sa loob.

"Lu? Dito ka na kay mama, anak. I-ha-hug pa ni mommy Nic sina lola at lolo," sabi ni Leslie sa bata. Nang hindi ito tuminag ay ang knyang mga magulang na lang ang lumapit sa kanya. Niyakap siya ng ina at hinaplos naman ng kanyang ama ng kanyang mahabang buhok.

Kinagat niya ng labi nang tumulo ang kanyang luha. "Ma.."

"Ikaw naman kasi. Bakit mo inagahan ang pag-alis? Next week ka pa dapat aalis. Tingnan mo tuloy ginulat mo kaming lahat," naiiyak na sabi ng kanyang ina.

Niyakap lang niya ito ng mahigpit. Hanggang ngayon ay naglalaban pa rin ang puso't isip niya kung tama ba ang desisyong agahan ang kanyang pagbalik sa Denmark.

After three days na walang narinig mula kay Clyde pagkatapos ng pag-atake niya rito ay tinuloy niya ang pag-eempake. She took what he said that night as a goodbye. Kung kaya't nagdesisyon siyang mas mabuti na sigurong siya na lang ang tumapos ng kanyang paghihirap. Kapag nanatili pa siya roon ay mas lalo lang siyang nasasaktan dahil nakikita niya ito saan man siya magpunta. Kung babalik na siya ng Denmark baka sakali doon ay mabawas-bawasan ang sakit na nararamdaman niya.

She couldn’t believe she let him get away. Lovelife na sana naging bato pa. Kung hindi lang sana siya nagpaapekto sa  mga nangyiro sa paligid niya at nag-focus lang dito sana ay may i-lu-look forward na siyang buhay kasama ito. Well, maybe they weren't meant to be.

"Mag-iingat ho kayo palagi dito ha?" aniya sa mga magulang. "At huwag na ho kayong magtatalo," bilin pa niya.

"Itong papa mo lang naman ang matigas ang ulo."

Napangiti siya kahit paano ay nabawas-bawasan ang lungkot niya. Ito ang desisyon niya kaya dapat panindigan niya.

Nang balingan si Leslie ay mapait itong ngumiti. Pagkalapit nito ay mahigpit siyang niyakap. "I'm sorry, Nic. This was all because of me"

Niyakap niya rin ito ng mahigpit. "This was on me, Les. Huwag mong sisihin ang sarili mo."

Umiling ito. "Sorry talaga sa mga sinabi ko, Nic, ha?"

Inirapan niya ito nang lumayo sa kanya. "Marami kang sinabi. Saan ka doon humihingi ng tawad?"

"Doon sa hiwalayan mo sa Clyde," malungkot na sabi nito. "Nakita ko naman kung gaano mo kamahal iyong tao tapos nagawa ko pang sabihin ‘yon sayo. It was unfair of me."

She gave her a small smile. "Naiintindihan ko naman na masyado lang magulo ang isip mo. Huwag mo ng isipon iyon. Hindi lang talaga siguro kami para sa isa't isa."

"Mag-iingat ka doon, ha?" anito.

Ngumiti siya saka niyakap itong muli. That was one thing she appreciated about her relationship with Leslie. Magtalo man sila nito ay nagkakaayos pa rin sila at the end of the day.

"Ikaw ang mag-ingat dito. Ayusin mo na ang relasyon mo kay Jason para hindi maapektuhan ang anak niyo."

Tumango ito. "Tama ka. Selfish ako kung ipagdadamot ko si Lu sa ama niya."

Naitirik niya ng mga mata. "Nakakainis ka. Ngayon mo lang na-realize ‘yan? Kung kelan paalis na ako?"

Lumabi ito. "Hindi naman ganoon kadali mag-come up sa isang desisyon. At ikaw ang nagtulak sa akin para i-set aside ang mga issues ko. I'm really sorry about you and Clyde. Kung pwede ko lang hilahin ang panahon. Hindi sana kita isinama sa mga problema ko."

Umiiling-iling siya. "Tama na. Okay? Kahit pa ganoon ang ginawa mo. Ganito pa rin naman ang kalalabasan. Magkalalayo pa rin kami," sabi niya.  Ayaw na niyang isipin si Clyde. Baka maiyak lang siya muli.

THE ONE THAT GOT AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon