Chapter ONE

19 2 0
                                    

Malayo pa lang ay tanaw na ni Nica ang pinakamagandang bata na nakita niya sa buong buhay niya. Tumayo siya mula sa kinauupuang bench saka ito kinawayan.

"Mommy Nic!" malakas na tawag ng 5 year old na si Lulu pagkakita sa kanya. Mabilis itong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya.

"Hello, baby," abot hanggang tenga ang ngiti niya nang batiin ito. Hinalikan pa niya ang tuktok ng ulo nito bago kinuha ang frozen printed roller-bag at ang plastic envelope nito.

"Did you bring your car?" excited na tanong nito nang tingalain siya. Nakakalabit pa ang isang kamay nito sa laylayan ng kanyang off-shoulder na knee-length dress. Muntik na iyong mahila pababa exposing more of her bare shoulder.

“Oops,” bulalas niya sabay kuha sa kamay nito saka mabilis na inayos ang kanyang damit. Wardrobe malfunction pa yata ang aabutin niya sa mga kamay ni Lulu kapag hindi siya nag-ingat. Bakit kasi iyon pa ang isinuot niya? Eh, malay ba niyang susunduin niya ang bata na galing siya ng simbahan?

“Hindi ko dala ang car baby,” pagsisinungaling niya sa tanong nito. Mukhang nag-enjoy ito kahapon sa pamamasyal nila gamit ang kanyang sasakyan.

"Why?"

“Hindi marunong mag-drive si mommy. Remember?”

“Why?”

Natawa siya at napailing.

Children.

"I'll go to school first and learn," panggagaya niya sa accent nito. Ganito na ba talaga ang mga kabataan ngayon? Parang hindi na Pinoy ang tingin niya rito. Americanized na kasi ang dating nito sa kanya.

Humugot ito ng malalim na hininga bago tumango-tango. "Hmm. Okay. When you know how to drive your car, pupunta po tayo ng mall, mommy ha? And then we’ll watch cartoons again. And again. And again."

Napailing siyang muli. Para itong matanda kung umakto at magsalita. Mukhang sa kanya yata nagmana ang batang ito.

"Mommy? Can I buy ice cream?" nangingislap ang mga mata nitong tanong sabay turo sa ilang batang pumipila sa ice cream parlor ng canteen. Hindi na siya nagtaka. Kung anu-ano na lang talaga ang pumapasok sa isip ng batang ito.

Binalingan niya ang babaeng nag-i-i-scoop ng ice cream at nag-isip. Wala namang sinabi sa kanya na ipinagbabawal ang pagkain ng ice cream dito.

"Okay. Pero one scoop lang Lu, ha? May meryenda na nakahanda sa atin sa kusina," aniya. Isang malakas na ‘Yes, mommy!’ lang ang isinagot nito saka mabilis na kumaripas ng takbo papunta sa canteen.

"Lulu, sandali!" tawag niya rito saka ito mabilis na sinundan. Gustuhin man niyang tumakbo ay hindi niya ginawa. Naka-suot kasi siya ng wedge. Running wasn’t an option. Taklesa pa naman siya. Baka madapa pa siya kapag tumakbo siya.

Sa kanyang pagmamadali ay hindi na niya naiwasang mabangga ang isang estudyanteng tumatakbo. Tumilapon tuloy ang folder ni Lulu at nagkalat ang ilang papel mula roon. Nang balingan ang estudyante ay hindi man lang ito nag-sorry at basta na lang nagmamadaling umalis.

Napailing naman siya habang nagmamadaling pinupulot ang mga nagkalat na papel habang hindi inaalis ang tingin kay Lulu na nakapila na. “Wala na talagang mga manners ang kabataan ngayon,” bulong niya sa sarili.

"Hindi pa naman lahat," sagot ng isang boses.

Napalingon siya sa kanyang likuran. Dahil nakaluhod siya ay isang kamay na may hawak na papel na may drawing ang tumambad sa kanyang paningin. Agad naglakbay ang kanyang mga mata mula sa kamay nito pataas sa suot nitong black blazer na may white polo shirt underneath hanggang sa nakangiting mukha nito.

THE ONE THAT GOT AWAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon