"Yehey! Ang galing galing ng team natin," masayang sabi ni Nica sabay halik sa pisngi ni Lulu. Nap-apir naman sila ni Leslie. Family day sa school ni Lu kaya dalawa silang nag-attend ni Leslie.
"Ha! Kapagod.." ani Leslie pagkaupo sa bench habang pinupunasan ang likod ng anak.
"Mama? Good girl po ako today?" tanong ni Lu.
"Oo na oo, baby. Why?"
"May prize po pag good girl?"
Nagkatinginan sila ni Les. "Gusto mo ng prize? Sige. Ano bang gusto mo?"
"Yehey!" nagtatalon na sigaw nito saka muling nagsalita. "Gusto ko pa yong toycar na may pindot-pindot."
"Anong toycar na may pindot-pindot? For the boys ‘yong car, ‘di ba?" tanong ulit nito.
Umiling ito. "Pwede din po sa girls. Di ba mommy Nic? Yong toy na bigay ni tito Jason kay kuya Jouie. Gusto ko po yon."
Natigilan siya at namutla lalo na nang makita ang reaksyon ni Leslie.
"Sinong Jason?" seryosong tanong nito.
"Yong friend ni tito Clyde. Same kami ng mole mama. Meron siya sa face tapos ako sa kamay."
Umawang ang bibig ni Leslie.
Huminga muna siya ng malalim at pinalayo si Lu bago magsalita. "I'm sorry Les. Akala namin hindi na siya pupunta."
"And you just told me now? Nagkakilala ba sila ni Lu? Nakita niya si Lu?"
Napilitan siyang tumango. "I'm sorry."
Napahilamos ito sa mukha. She looked so disappointed in her. "Nic naman, eh."
"Hindi naman siya nakilala ni Jason. I swear," sabi niya.
"Sa ngayon. Pero sa susunod. Sabi ko na nga bang hindi magandang ideya na sumama siya sa inyo ni Clyde, eh."
Napatungo naman siya. Hindi niya ikakailang masasaktan sa sinabi nito. Inaway na nga niya ang boyfriend niya kamakalawa dahil doon tapos ngayon ipagduduldulan pa nitong kasalanan niya.
"Para mo namang ipinagdadamot niyan si Lu," hindi niya napigilang magkomento.
Tiningnan siya nito sa mata. "Wala naman akong problema sa'yo, Nic. Alam mong anak mo rin si Lu."
Kumunot ang kanyang noo. "So kay Clyde ka lang may problema?"
Napabuntong hininga ito. "Aminin na natin Nic. Living hazard ko sa Clyde. Kapag magkasama kayong tatlo hindi ko maiwasang mabahala para kay Lu. Kapag nandyan si Clyde, hindi malayong dumating si Jason."
"Les, boyfriend ko na si Clyde. Anong gusto mong gawin ko? Hiwalayan siya para lang hindi malaman ni Jason ang totoo?" naiinis na niyang sabi.
"Hindi ko sinasabi ‘yan, Nic. Hindi kita pinapapili."
"'Yon ang ipinapakahulugan mo, Les," giit niya.
"Eh de, sige ‘yon na ang pinapakahulugan ko."
Umawang ang kanyang bibig. Napailing siya at hindi makapaniwala sa narinig. "Tama nga siguro si Clyde. Selfish tayong dalawa. Sa kagustuhan mong itago ang totoo sa anak mo, ipinagkakait mo sa kanya ang isang bagay na mahalaga sa pagkatao niya. Don't you think Lu deserves to have a family? At least a father to look up to? Karapatan iyon ng anak mo, Les."
"Akala ko ba sa akin ka kampi?" sita nito.
"Oo. That's why I'm telling you-"
"She's better off without him!" Hindi nito napigilan ang pag-alsa ng boses.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY
RomanceMatagal nang isinumpa ni Nica ang alak. Hindi lang dahil sa mababa ang kanyang tolerance doon kundi dahil sa isang pangyayari 10 years ago where she ended up in the arms of some guy in the bar and made out with him. He wasn't just some guy but a min...