Clyde Thomas Rucaberte
'Yon ang pangalang nabasa ni Nica sa calling card na ibinigay ni Mel sa kanya noong gabing magkita sila. Exactly 3days ago. Hindi niya napigilang mapailing. Parang tinutukso naman siya ni Kupido dahil kapangalan pa ito ng Clyde.
Kupido talaga? Hindi pwedeng pagkakataon muna?
Bumuntong hininga siya habang nakatingin sa daan. As it turned out, hindi lang pala talaga simpleng kakilala lang si Clyde.
"God. Paano ako naging ganoon ka-estupida?" sita niya sa sarili.
That night pagkauwi niya ay hindi na siya pinatahimik ng alaala nito. Para iyong pusa na kahit anong taboy ang gawin niya ay pabalik-balik pa rin.
Eight or Ten years ago bago siya pumunta ng Denmark ay nagkayayaan sila ni Leslie na lumabas. Noon niya nakilala si Clyde. Mas bata ito sa kanya ng ilang taon at ng mga panahong iyon ay wala siyang maramdaman kahit anong atraksyon dito maliban sa napaka-cute at warm at gentle nito. Well siguro meron. Kaunti. 22 siya noon at 19 lang yata ang lalake. Hindi na lang niya namalayan na lumalalim na pala ang kanilang napapag-usapan. May sense kasing kausap ang lalake. Edad lang ang bata rito pero matanda na ang nasa loob ng utak nito. Nang ihatid siya nito at si Leslie pagkatapos ng kanilang inuman ay doon na nangyari ang kababalaghan.
Napakagat-labi siya nang muli iyong maalala.
"Thank you, ha?" magkasabay na sabi ni Nica at Leslie sa mga nakasamang nakainuman. Inihatid sila ng mga ito sa isang batchoyan.
"Thank you din sa inyo, Les, Nica," abot-hanggang tenga ang ngiti ni Dave nang magpasalamat. Sa kanilang lahat ito ang pinaka-tipsy.
Nang makababa sila ni Leslie sa sasakyan ay sumunod si Clyde saka lumapit sa kanya.
"Time flies when you're having so much fun," parang nanghihinayang na sabi nito habang matiim na nakatitig sa kanya.
For some reason ay nahila siyang tumitig lang din dito. He was not her type dahil nga mas bata ito sa kanya pero ang cute talaga nito. "Oo nga, eh," sagot niya.
"It's nice to meet you, Nica," nakangiti nitong sabi bago inabot ang kanyang kamay.
"Ako rin, Clyde," nakangiti niya ring tugon.
Tumitig ito ng matagal. "It's really nice meeting you," ulit nito.
Natawa lang siya at bumitaw sa kamay nito. Ang hindi niya alam ay may ibang plano pala ito.
In one swift move, he drew closer towards her, held her chin up and the next minute, his lips were on hers.
Nabigla man ay hindi niya ito itinulak. Sa halip ay ipinikit niya ang kanyang mga mata at nagpaubaya.
Ang sweet ng lips nito. Kelan ba siya huling nahalikan? He was so gentle like he was scared to break her. At nang laliman nito ang halik ay pakiramdam niya, she could go on like that forever.
"Ehem.."
Nang marinig iyon ay kapwa sila tumigil. Wala siyang masabi. Tumitig lang siya rito at ito sa kanya.
No regrets. Pero paano niya hinayaang mangyari iyon? He was way her junior. Napilitan na lang siyang ngumiti when embarrassment tickled her. At mas lalo pa siyang nahiya nang makita ang reaksyon ng kanilang audience.
Ahh!
"Dito na ba 'yon, anak?" untag ng kanyang ina sa kanya.
Nagulat pa siya nang magsalita ito. Kasama niya ito sa trycicle na nakapark na pala sa labas ng law office ni Atty. Rucaberte.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY
RomanceMatagal nang isinumpa ni Nica ang alak. Hindi lang dahil sa mababa ang kanyang tolerance doon kundi dahil sa isang pangyayari 10 years ago where she ended up in the arms of some guy in the bar and made out with him. He wasn't just some guy but a min...