Kung ilang beses nang nagpabalik-balik si Clyde mula sa upuan at sa pagtayo habang panay tingin sa kanyang phone ay hindi na niya mabilang. Tatlong araw na niyang hindi nakikita si Nica. Hindi niya ito nakakausap maski na sa phone dahil laging nakapatay ang phone nito. At sa loob ng tatlong araw ay isang text lang ang ipinadala ng dalaga sa kanya saying na nasa ibang bayan ito para asikasuhin ang papers nito. Dahil doon ay hindi siya mapakali. Para kasing may nagbago. In the past month lagi sila nitong nagkikita dahil araw-araw niya itong binibisita at kung hindi man ay lago niya itong kausap sa phone. Kung kelan naman girlfriend na niya ito ay saka naman sila nagkaganito.
Nagbuntong hininga siya saka muling tumayo para pumunta sa bar counter nang makabangga niya si Jason. Tumilapon ang kani-kanilang phone.
Umalingawngaw naman ang malakas na tawa ni Dave. At iyon ang parang nagpagising sa kanya. Mabilis niyang pinulot ang phone at ganoon din ang ginawa ni Jason.
"Pag-ibig ba ang may gawa niyan?" untag ni Dave. "Para kayong mga engot na dalawa," dagdag nito sabay tawa.
Nagkatinginan sila ni Jason. Gaya niya ay mukhang may bumabagabag din dito.
"Kanina pa kayo panay punta rito punta roon. I've been watching. At hiniling ko talaga sa Poong Maykapal na magkabangga kayo," nakatawa na namang saad ni Dave. "Totoo pala talagang sinasagot Niya ang mga panalangin."
Hindi lang siya sumagot at nagpunta sa bar para kumuha ng beer. Sabado noon at wala siyang pasok kaya nagpunta siya sa restobar ni Jason para aliwin ang sarili. Pero kahit anong gawin niya ay hindi magawang aliwin ang sarili.
Tinungga niya ang beer saka muling dinial ang number ng girlfriend. He smiled at the word pero nang operator ang sumagot sa kabilang linya ay napabuga siya ng hangin. Gusto sana niyang magtext sa babae pero baka makulitan lang ito. Ayaw niyang lumabas na desperado sa atensyon nito. But heck, he needed to see her and know if they were okay or not.
Isang mabilis na tungga muna ang kanyang ginawa bago nagpaalam sa dalawa na aalis na siya. Sinubukan siyang pigilin ni Dave nang tumalikod siya.
"Oy! Isang round muna tayo tol!"
"Susubukan kong bumalik," sabi niya lang saka tuluyan nang umalis para puntahan si Nica.
Nakakailang buntonghininga na si Nica habang nakatingin sa kanyang phone sa ibabaw ng mesa sa opisina ni Leslie. Ilang beses na siyang natempt na buksan iyon pero hindi niya ginawa. Kapag ginawa niya iyon ay siguradong tatawag si Clyde at mapipilitan siyang kausapin ito.
Ano ka ba, Nica. Tatlong araw mo ng pinagtaguan ang boyfriend mo. Dapat mo na siyang kausapin.
Napakagat-labi siya. Boyfriend. She could’ve been ecstatic and giddieous. Apparently, she was confused with her current situation.
"Nic? Dito mo ba gustong kumain ng dinner?"
Napalingon siya sa kakapasok lang na si Leslie. Umiling siya rito. "Sa bahay na ako kakain. Uuwi na siguro ako," aniya.
Pilit itong ngumiti. "Ayos ka lang ba?"
Tumango siya at ngumiti. "Oo naman."
Nagbuntong hininga ito. "I'm sorry for putting you in the middle of this, Nic. Sana hindi ko na lang sinabi."
Tiningnan niya ito ng masama. "Tumigil ka nga. Mas magagalit ako sa'yo kung hindi mo sinabi sa akin. It's ythe truth that I've been waiting for to hear."
"Pero.."
"Huwag mo nang isipin 'yon. I'll figure this out," pag-assure niya rito.
Three days ago nang aminin nito sa kanya kung ano ang ugnayan nito kay Clyde at kung ano talaga ang katotohanang matagal na niyang hinihingi mula rito. And boy, she was so caught off guard.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY
RomanceMatagal nang isinumpa ni Nica ang alak. Hindi lang dahil sa mababa ang kanyang tolerance doon kundi dahil sa isang pangyayari 10 years ago where she ended up in the arms of some guy in the bar and made out with him. He wasn't just some guy but a min...