Napapangiti si Clyde habang nanonood sa kanyang girlfriend na inaasikaso hindi lang ng daddy niya kundi maging ng apat niyang kapatid na mga babae. That meant a lot to him. Day by day ay mas lalo siyang nahuhulog dito.
Birthday ng pamangkin niyang si Jouie kaya ininvite niya si Nica kasama si Lulu.
"Nica? Kumain ka pa, ha? Huwag kang mahihiya," nakangiting sabi ng daddy ni Clyde sa kanyang bisita.
"Sige po, sir. Busog na busog na nga ho ako, eh," tugon naman ng dalaga rito.
"Hi," bulong niya sa nobya sabay hapit sa bewang nito.
"Nag-eenjoy si Lu, oh," nakangiting sabi nito habang nakatingin sa batang masayang nakikipaglaro sa mga pamangkin niya.
"Siya lang?" nakalabing tugon niya.
Tumawa ito. "Ako rin, siyempre. Grabe ang daddy mo. Halos mangatog ang tuhod ko kanina pagpasok ngayon naman parang mapupunit na ang pisngi ko kakangiti sa kanya."
Natawa siya. "Ganoon si daddy. Sa school lang naman siya strikto. At kapag may bagong kakilala buhos na buhos doon ang atensyon niya."
"Oo nga, eh. Friendly pala si dean."
Tumango siya at napangiti. Maya-maya ay lumapit si Lulu at binigay kay Nica ang napanalunang premyo sa parlor game.
"Mommy Nic, oh," proud na sabi ni Lulu.
"Ang galing galing naman," sabay nilang sabi kay Lulu. Nagkatinginan sila at muling sabay na nagtawanan.
"Oy, Clyde. Pwede na. Bagay kayo ni Nica. Dalhin mo na sa simbahan 'yan," tukso ng ate Cleo niya na nag-pa-approve sa lahat.
Tinawanan lang nila ni Nica ang komento nito.
"Mommy Nic, nawiwi na po ako," ani Lulu.
"Samahan ko na kayo," sabi niya kay Nica.
"Huwag na. Alam ko naman kung saan, eh," anito. Pagkatalikod nito ay hinila siya ng ate Cleo at ate Charmaine niya.
"O, bakit?" tanong niya.
"Talaga bang hindi niya anak si Lu?" tanong ng dalawa.
Natawa lang siya nang umiling. "Magugulat lang kayo kapag sinabi ko kung kanino. But I won't so makontento na lang kayo kapag sinabi kong sa kaibigan niya talaga si Lulu, okay?"
"Okay, sabi mo, eh," ani Cleo.
"Pero is it just us or kamukha talaga ni Lulu si Jason?"
Napakurap siya sa tanong ni Charmaine. Kahit sinong nakakakilala kay Jason noong bata pa ito ay talagang makikita ang hawig kay Lulu.
"Nah, kamukha lang," sabi niya lang.
"Oy, si Jason, oh." sabi ni Cleo.
Mabilis siyang napalingon sa kanilang gate. At ganoon na lang ang kanyang pagkabahala nang makita nga ito. What was he doing here? Ang sabi nito ay may pupuntahan ito kaya hindi makakadalo.
"Tol!" nakatangong tawag nito habang palapit.
"Tol," gulat lang na sabi niya. Napasulyap naman siya sa loob ng bahay. Alam niyang matalino siya pero sa pagkakataong iyon ay parang nagmental block ang kanyang isip. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang unang gawin. Ilayo si Jason sa party o puntahan si Nica at Lulu. Oras na lumabas ng pinto ng bahay si Lulu ay tapos silang lahat. Parang walking time bomb si Lulu kapag nagkataon. Alam niya ang tunay na damdamin ni Jason pero kapag nalaman nito ang tungkol kay Lulu ay hindi niya alam kung ano ang magagawa nito lalo't malaki ang hinanakit nito kay Leslie.
"Hi Jace!" bati ng kanyang mga kapatid sa kaibigan.
Nag-sign language ito sa kanyang mga kapatid bago siya tinapik sa balikat. "Para kang nakakita ng multo, ah?" biro nito sa kanya.
BINABASA MO ANG
THE ONE THAT GOT AWAY
RomansaMatagal nang isinumpa ni Nica ang alak. Hindi lang dahil sa mababa ang kanyang tolerance doon kundi dahil sa isang pangyayari 10 years ago where she ended up in the arms of some guy in the bar and made out with him. He wasn't just some guy but a min...