chapter 8: he proposed to me!

32 23 0
                                    

💜Cxyra's POV💜

Di ko alam kung bakit pero May mali sa Anthony na yun eh sa pagkakaalam ko kasi lahat ng officials May maskara at ang Anthony na yun ay walang rason para kausapin kami di naman kami maiimpluwensyang tao na pwede nyang hikayatin na botohin sya at malayo pa ang election kaya bakit kaya?

"Saan ba dito ang mas maganda?itong crop top and high waist na shorts or itong offshoulder dress?"tanong ni Zai

"Wala sa mga yan! Magsuot ka ng matino na damit Zai ha pag ako napuno pupunta ka sa party na Naka panty at bra". Napipikon na sabi ni Clarisse

Nakakunot noo si Clarisse dahil kanina pa sya pinipilit ni Zai na magsuot ng cocktail dress.

"Ikaw cxyra saan ba dito ang maganda"?tanong ni Zai sa akin

"Wala sa mga yan magsuot ka ng damit na di ka magmumukhang ganun sa mga babaeng yun".tinuro ko ang mga babae na kulang nalang sampalin para pumantay ang pulang blush on at liptint nila, nakasuot sila ng offshoulder at mga maiiksing shorts at ang ilan sa kanila ay Naka cocktail dress na halos makita na ang pwet sa sobrang iksi.

"Pero gusto ko'ng magmukhang maganda". Sabi ni Zai habang tinatarayan kaming dalawa

"Ang pagiging maganda ay wala sa pagsuot ng mga ganyang klaseng damit, kung maganda ka lalantad at lalantad yang kagandahan mo kahit ano pa man ang suot mo". Sabi ni Clarisse

"Got that right ris! At hindi pagmamayabang ng kagandahan ang makukuha mo sa pagsuot ng mga yan away ang mahahanap mo. Sa tingin mo rerespetuhin ka nila kung nakasuot ka ng ganyang klaseng damit"?tanong ko

Nakasuot ako ng v-neck white shirt na May logo ng adidas at (open) crop top jacket na black ,tight tattered jeans matching with my white Adidas shoes nakawayway ang mahaba kong buhok na umabot na pala hanggang sa baywang ko,matagal na pala ako di nakapaputol ng buhok. Si ris ay nakasuot ng blue sweater na May nakasulat na playboy sa gitna ripped jeans and white fila shoes at Naka headband  braid ang buhok nya ready na kami umalis pero di pa din nakabihis si Zai.

Hinalungkat ko ang gamit ni Zai nahanap ko ang isang white croptop na di masyadong showy ng skin tinulungan ko na din ako ni ris na nakahanap ng high waist na jeans meron itong design na punit sa May bandang tuhod at kinuha ko ang Converse nya inabot ko sa kanya ang pinili naming damit sumenyas ako na suotin na nya ito.

"Suotin mo na wag ka ng maarte". Sabi ni Clarisse

"How dare you think your the boss of me"?na binibigyan si ris ng death glare

"We are not, but we will be mad if you don't wear that". Paliwanag ni ris

"Suotin mo na o baka gusto mo ako ang magsuot sa'yo nyan". sabi ko sa kanya pumasok sya sa isang cubicle at marahas na binagsak ang pinto.

Bumalik kami sa tent after nya magbihis sinecure namin na walang mahahalagang bagay na maiiwan sa tent bago kami umakyat sa rooftop ng four storey building. nakita namin ang mga babaeng halos mahubadan na sa mga suot nila mga lalaking nakikipag inuman dahil nasa loob kami ng school champagne lang ang isine-serve ng mga waiters pero siguro sila na din ang May dala ng sarili nilang inumin napansin ko ang mga cooler na dala-dala nila.may papalapit sa amin mula sa VIP corner napansin ko kung sino yun si Anthony ang VP ng student council.

Malakas ang music na galing sa bandang tumutugtog pero narinig ko pa din ang pagbati sa amin ng lalaking iyon, masaya naman syang tinignan ni Zai.

"Kamusta kayo?kanina ko pa kayo hinihintay!tara umupo tayo". sabi ni Anthony

"Anong meron?bakit mo kami kinakausap?bakit mo kinukuha ang loob namin?anong kailangan mo sa amin"?. Tanong ko

"Well napaka straight to the point mo naman".

"Sagutin mo ang tanong ko,madali lang naman tumayo at umalis dito sa party mo eh.hindi nakikipag-usap ang mga mapra-pride at nirerespetong opisyal sa mga estudyante kung wala silang kailangan kaya magsalita ka na".

"Magsalita ka na vice ayaw mo naman sigurong mawalan ng boto sa eleksyon".Sabi ni Clarisse

"Di ba pwedeng nakikipagkaibigan lang?nakita kita sa arcade noon nagbabasketball your a Sharp shooter ba't di ka sumali sa try outs ng school?and sa pagkakaalam ko fighter ka diba?the school could enhance your skills and you could lead the schools name to victory".

"Oh shut up! Ano bang paki mo sa reputasyon ng school that's the principals job not yours"pagkatapos ko yung sabihin nag change ang music sa isang malambing at di mabilis na kanta

"Cxyr' May i have this dance"? Tanong ni Drake

"Yieee!geh na cxyr' wag mong paghintayin si Drake". Kinikilig na sabi ni zai

"Ikaw Drake ha! Pumapagibig ka na ha"sabi ni Clarisse

"Whatever" sabi ko ng bigla nya nalang akong hatakin papunta sa dance floor

"Ano bang kailangan mo you can't just drag me you know"

"Pangit mo talaga"

"Hmmmm makapagsalita akala mo naman gwapo"

"Gwapo naman talaga ako,sa sobrang gwapo ko maiinlab ka sa akin eh"

"Che manahimik ka"tinarayan ko sya.

"Che ka din, madami kaya umaalok na sumayaw sa akin tapos ikaw gaganyanin mo lang ako" nagpout sya na parang baby

"Edi sana sila ang isinayaw mo, bakit ba kasi ako ang sinasayaw mo ngayun"?tanong ko

"Kasi bestfriend kita sunod kay jake". Sagot nya

"Bestfriend wala sa bukalbularyo ko ang magkaroon ng ganun".

"Well meron na ngayun"

"Assuming ka talaga"

"Edi wow pangit"

"You mind i borrow her"? Tanong ni Anthony

"Wrong timing ka talaga palagi pre! Nagaasaran pa kami eh!"sabi ni Drake      

Pero di pinansin ni Anthony at kinuha ako kaagad kay Drake

Eh ikaw?anong kailangan mo?tanong ko na galit pa din

Halata ba?edi sumayaw.

Bakit di ka sumayaw mag-isa mo?

Kasi gusto kitang isayaw.

At bakit ako ang gusto mong isayaw?

Gosh! Di ka ba talaga mauubusan ng tanong? nakangiti nyang sagot

Seryoso ako,bakit di mo nalang isayaw yung babae don oh, or yun nalang bakit ako eh mas maganda naman sila. Bakit ako eh di naman kita kilala we barely know each other,and i don't wanna be your friend kung yun ang sadya mo.

Them? I will never,judging by what they are whering they are not that nice.i am a man with dignity and respect to girls, I don't want my pants getting pulled out of my body too.

Ano bang problema mo? If you would just answer my questions with long speeches then why didn't you just answer the important part?why me?

Cxyra Guerrero i like you.

************************************
Cliffhanger!!! heyoooooo wazzzzzzzup madlang pepsssssssss sooo what did you think about that?don't be a silent reader leave your comments about this Chapter. Lovelots mwah💜💜💜

-fharniee😍😘💕

crazy things i do for you[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon