"KINAKABAHAN ka?" ginagap ni Reigan ang kamay niya habang nasa kotse sila papunta na sila sa Royale. Kanina pa habang nasa eroplano siya kinakabahan medyo nahahalata na pala ni Rei. "You know you can tell them the truth the reason why I am with you."
Napakagat siya ng labi niya. "Kinakabahan pa rin ako Reigan, lalo na ngayong malapit ko na siyang makita uli. Parang pakiramdam ko bumabalik ang mga takot ko sa katawan.." she said biting her lips and her nails.
"Don't worry I will always be here for you."
"Natatakot ako sa pwede kong maramdaman, paano kung meron pa?" she took a deep breath at napatingin sa pamilyar na kalsadang dinadaanan nila ng mga oras na iyon.
"Do you want to be with him?"
Hindi agad siya nakasagot, kung siya ang tatanungin ayaw na niya walang matinong tao na sasaksakin ang sarili ng ilang ulit at hindi siya ang klase ng taong iyon. She learned her lessons the hardest way.
"No."
"Hindi mo rin masasabi iyan sa ngayon whatever your decision is I will always be happy for you."
Napabuntong-hininga siya at napatingin dito. "I think I need to make a plan."
"What plan?"
"If I still feel something for him this is what will I do..." napamaang ito sa kanya at napa-iling habang nakatingin at nakikinig sa kanya.
"That's my girl and besides he'll drop his jaw once he sees you just look at you, you are perfect."
"You are really good for my ego husband." Aniya sabay kindat.
"Anything for you wife." She chuckled at their conversation, their marriage is not a marriage out of love. It's a marriage out of agreement or such but nevertheless their relationship is the best that she could have.
Nasa labas na sila ng Royale at mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya, it has been almost two years since she leaves the country and seeing the place again is like getting back something that you've lost a long time ago.
"I'll park the car." Kukunin na sana niya si Reen ng maunahan na siya ni Reigan. "Ako na Yelena, I'll carry her I also need to talk to her about our plan."
"Are you sure?"
"One hundred percent sure, so now go and meet your family. I am sure they missed you a lot." Tumunog ang cellphone niya. It's her boss. Hindi niya ito na-informed tungkol sa pagbabakasyon niya. Naputol ang tawag kaya nagsend siya ng text message habang papasok ng Royale.
"Yelena." Masayang tawag ni Ayeth sa kanya. Mabilis siyang lumapit dito at mahigpit itong niyakap. Maliban kay Allyxa at Dane, si Ayeth ang masasabi niyang naging mabuting kaibigan para sa kanya. Muntik na siyang tumakbo palabras nang makita ang pamilyar na mga berdeng mga mata sa mga taong naghihintay sa kanya. Nagbago na siya, hindi na siya muling tatakbo pa sa halip ay sasalubungin niya ito. Taas noong naglakad siya palapit sa pamilya at mga kaibigan.
"Ni hao!" Bati niya.
Si Dreia naman ang yumakap sa kanya at si Dane. Namimiss na niya ang mga kaibigan niya. Medyo unfair sa mga ito na umalis siya at hindi sinabi ang dahilan.
"I miss you." Naiiyak na bulong ni Dane sa kanya.
"I miss you too." Aniya dito at tinapik ito sa likod, masaya siya sa nasagap na balitang buntis na ito. At last after months of trying their efforts paid off at excited na siyang Makita ang magiging inaanak niya sa kanyang bestfriend. Napangiti siya ng yakapin din siya ni Albie, she is happy na masaya na ang dalawa ngayon. Binati niya ang mga pinsan natuwa pa siya sa nakitang changes ni Dane.
BINABASA MO ANG
Marked Series 4: Unrequited Love (COMPLETED)
Short Story"Huwag kang magtaka kung palagi akong nakangiti kapag kaharap ka, your smile is equal to a bucket of tears, a pond of heartaches and an ocean of pain. You will always be my unrequited love." Ano ba ang mas masakit? Iyong niloko ka? Iyong pina-asa ka...