KATATAPOS lang nang kanyang business meeting ng mapansin si Yelena na may kausap sa isang tagong bahagi ng Royale. Pamilyar sa kanya ang kausap nito hindi lang niya matukoy kung saan niya ito nakita. Base sa hitsura ni Yelena ay halatang galit ito at handa nang kalmutin ang kausap.
Umupo siya sa likod ng mahabang sofa na nagsisilbing harang sa mga mesa. Malinaw na naririnig niya ang pinag-uusapan ng dalawa.
"Ako ang legal guardian ni Noreen sa last will nang daddy ni Reen sa akin siya itinalaga." Hindi iyon boses ni Yelena.
"I don't care about that stupid last will and testament. Bakit mo hinayaan na mapunta si Reen sa bahay ampunan?" malamig na tanong ni Yelena.
"It was an accident, nawala namin si Reen-."
"That's bullshit! Hindi mawawala si Reen na may sakit na leukemia kung inaalagaan niyo siyang mabuti. It just proved na hindi ka mabuting guardian para sa bata. Ako na ang ina ni Reen at ako na ang kikilalaning ina ng bata."
"B-buhay pa ang totoong ina ni Reen." Gustong-gusto na niyang lapitan si Yelena na nasa likuran niya. "May sakit siya, leukemia din kaya ibinigay niya ang bata sa daddy nito para mas maalagaan. Gusto niyang Makita ang bata bago ito mamatay."
"No."
"Ganyan ka ba talaga ka-selfish? Hindi ikaw ang tunay na kadugo niya kundi kami paano kung lumaki na si Reen? Paano kapag nalaman niya ang totoo na itinago mo siya sa totoong pamilya niya?"
"Hindi mangyayari iyon gagawin ko ang lahat para hindi niya malaman iyon."
"Hindi mo magagawa iyon Miss Imperial at saka kami pa rin ang may karapatan sa bata."
"I legally adopted her!"
He heard the woman snorted. "You adopted her, pero pareho nating alam na hindi sa legal na paraan Miss Imperial. You faked your marriage with Reigan Buenaflor at dahil pareho kayong may kaya ay nagawa niyo iyon, hindi kayo totoong mag-asawa ng i-adopt niyo si Reen. Kaya legally speaking pwede kayong mademanda kapag nalaman ito ng mga awtoridad.."
His eyes widened at kahit na hindi maganda ang mga nangyayari knowing what he just heard is real somehow gives smile to his face. Hindi kasal si Yelena, hindi sila totoong kasal. Ibig sabihin walang problema sa mga pinaplano niya. Napangisi siya at may mga planong nabuo sa kanyang utak para makuha lang ang babaeng minamahal.
"ANAK, alam namin ang totoo and I don't want to make this hard for you-."
Umiling siya sa sinabi ng ina niya, hindi siya makapaniwala na nangyayari na ang kinatatakutan niya at iyon ay ang mawala ang anak niya sa kanya. Ang nag-iisang tao na alam niya na mamahalin siya ay tuluyan ng kinuha sa kanya. She felt so broke right now hindi niya alam ang gagawin niya. Ilang araw na rin ang nakakalipas ng makausap niya iyong nagpakilalang guardian ni Reen, alam ng mga ito ang sekreto niya. Alam ng mga ito kung paano nila nakuha sa Reen.
At kanina lang ay halos mamatay na siya ng dumating ito kasama ang mga abogado at mga escort na pulis. Mas gugustuhin pa niyang makulong keysa makitang kinukuha sa kanya ang anak niya. At ng makitang isinama ng mga ito si Reen ay gusto na niyang mamatay. Not her princess... not her little angel.
"Kukunin ko sa kanila si Reen Mom, gagawin ko ang lahat ng paraan upang makuha ko ulit ang anak ko." Determinadong wika niya.
"Yelena, bata ka pa magkakaroon ka pa ng sarili mong anak."
BINABASA MO ANG
Marked Series 4: Unrequited Love (COMPLETED)
Conto"Huwag kang magtaka kung palagi akong nakangiti kapag kaharap ka, your smile is equal to a bucket of tears, a pond of heartaches and an ocean of pain. You will always be my unrequited love." Ano ba ang mas masakit? Iyong niloko ka? Iyong pina-asa ka...