Extra #2: That Baby!
GRAYZON is playing her fingers habang siya naman ay abala sa pagba-browse ng mga shoes sa internet. He is even kissing each finger na parang baliw lang.
“Ayyyy! Ano ba iyan Rayleigh!” tili ni Ayeth ng biglang pumasok sa Royale si Rayleigh. Hindi naman iyon ang ikinabigla nila kundi ang hitsura nito. Paano ba naman kasi kung hindi nila ito kilala ay mapagkakamalan talaga nila itong taong grasa. Magulo ang buhok nito, ang dumi ng suot nitong puting t-shirt at pati iyong maong jeans nito ay may punit na rin.
“Hoy bakla hindi ka man lang nagbihis sa bahay mo.” Si Bree na mukhang sanay na makita ang kaibigan sa ganoong hitsura. May camera ito sa leeg nito.
“Wala na akong time.” Anito, the last time she saw Rayleigh ay noong kasal niya. Umalis din kasi ito kaagad.
“After months kang nawala ay ganyang hitsura ang isasalubong mo sa amin?” sumimangot lang si Rayleigh.
“Ang arte niyo na ha samantalang dati natutulog naman tayong magkatabi ng hindi naliligo.” Natawa siya sa sinabi nito. Paano ba naman kasi minsan lang niya naririnig na nagsasalita si Ray. Sa tatlo kasi, sina Bree, Ayeth at ito, si Ray ang pinakatahimik sa lahat. Minsan lang niyang naririnig itong magsalita minsan ay naiisip niya si Reigan pwede niyang ipair ang dalawa pero knowing them, hindi bagay kay Rayleigh si Reigan. Rayleigh needs someone who can light up her life, pareho kasi sila ni Rei na tahimik at boring. Sino kaya ang pwede?
“Dapat kasi sa iyo ay mag-asawa na.” si Bree.
“Hindi ko kailangan ng bato na ipupukpok ko sa ulo ko. Pakain ha, dalawang araw na akong walang kain paano ba naman kasi nawala ako sa Cambodia.”
Napangiwi siya sa sinabi nito, naalala niya ang sinabi ni Breen a wala itong sense of direction.
“Bakit k aba kasi naging field photographer pwede ka namang maging photographer nalang sa The Legend.” Tukoy nito sa modeling agency ng tita Belle nila na kapitbahay din nila. Madalas niyang nakikita si Ray doon dahil ito ang official photographer ng The Legend at dito lang nagtitiwala si Dreia kapag nagso-shoot.
“Nah, I love my job.”
Kumakain na ito ng may marinig silang iyak ng isang bata, sabay-sabay nilang hinanap ang ingay na mukhang si Ray lang ang walang pakialam.
“Kaninong baby ba iyon?” she asked.
“Sa akin.” Si Ray na ang sumagot and even pointed out the baby on her back. Nanlaki ang mga mata nila ng may bata nga ito sa likod nito.
“Gaga, hindi sa likod nilalagay ang baby sa harap dapat.”
“Madumi ang shirt ko baka ma-infect siya kaya diyan muna siya sa likod.”
“Kaninong baby ba iyan?”
“Dala ko.”
“Alam namin na dala mo pero kaninong anak iyan?” nagtaas ito ng tingin at tila ba may inaalala, napakunot na rin ang noo nito and then it twists na para bang may nakain ma masama and then naglighten up.
“Kay Dale.” Napakurap siya sa pangalan na narinig at napatingin kay Dane na nanlaki ang mga mata. Kuya kaya nito si Dale.
BINABASA MO ANG
Marked Series 4: Unrequited Love (COMPLETED)
Historia Corta"Huwag kang magtaka kung palagi akong nakangiti kapag kaharap ka, your smile is equal to a bucket of tears, a pond of heartaches and an ocean of pain. You will always be my unrequited love." Ano ba ang mas masakit? Iyong niloko ka? Iyong pina-asa ka...