Kanina pa hindi mapuknat ang ngiti sa mga labi niya, ilang araw na rin siyang ganito as in super ganda ng mood niya. Paano ba naman kasi naalala niya noong ihatid siya ni Gray noong nagpunta siya sa penthouse nito. Akala kasi niya magpapart way sila na nag-aaway at nagbabangayan na naman pero iba ang nangyari. Hindi niya alam kung ano ang nangyari basta ang alam niya for the first time na nagkasama sila parang ang gaan-gaan lang.
At kinilig siya! Nakakaleche flan lang ang peg no wonder para siyang panda bear kinabukasan dahil hindi siya makatulog. Inaalala niya ang bawat salitang binitiwan nito when they talked. Para kasing napakaprotective nito sa kanya lalo na nang sabihin niyang magcocommute siya.
"Inday bakit ka nakangisi diyan?" napatingin siya sa kanilang kasambahay na paborito siyang tawaging Inday.
"Ate Stella masaya lang po ako."
"Hay naku, ngayon lang kita uli nakitang ganyan kasaya para kang sinisilaban sa puwet. Iba na iyan ha inspired?" namula siya sa tanong nito obvious din naman kasi na inspired talaga siya, sino bang hindi.
"H-hindi no."
"Aguy, nagsinungaling ka pa sa akin. Halata kaya noong isang araw ka pang ganyan pagkatapos kong makita kang ihatid ka ni mister green eyes. Ang gwapo ng batang iyon bagay kayo."
"Talaga? Bagay kami?"
"Bagay na bagay kayo." Mas lalong lumapad ang ngisi niya as in labas ngipin pa. "Bagay din sa iyo itong pinaluto mong mga hipon, ilang kilo ba ito?" tiningnan niya ang hinain nitong sinangkutsa na hipon. Bigla siyang naglaway ang dila niya ng Makita ang mamula-mulang balat nito at may mainit na kanin sa tabi.
"Yay, luto na siya." Pumalakpak siya tapos ay kinamay ang isang malaking hipon. Minurder muna niya ang ulo na agad naman niyang itinapon tapos binalatan niya ang katawan at shoot sa bibig niya. Sinabayan na rin niya ng kain ng kanin, kahit na maganda siya marunong siyang magkamay ng kanin. "Ikuha mo ako ng coke ate Stella."
"Hindi ka ba magdadiet?"
"Huh? Ano iyon? May ganyang word ba sa dictionary?" patay malisya niyang tanong na ikinatawa lang nito.
"Pambihira kayong dalawa ni dodong Yael ang sarap niyong kumain." Nagpeace sign lang siya habang patuloy na binabalatan ang mga hipon na nasa harap niya. Wala siyang allergy sa pagkain kaya walang problema sa kanya ang seafoods. Ang ayaw lang naman niyang kainin ay iyong mga sea shells nababahuan kasi siya.
Nasa kalagitnaan siya ng pagkain ng may tumikhim at nagdisturbo sa kanyang pagkain. Nabitin sa bibig niya ang isang hipon na hindi pa nashoot sa bibig niya ng makilala ang kanyang bisita.
"Mukhang masarap iyang kinakain mo." Napakurap siya ng maputol ng ngipin niya ang nabitin sa ereng hipon. Lumapit ito sa kanya at kinuha ang kalahati ng hipon na nakaipit sa mga labi niya tapos ay kinain nito. That's indirect kiss! "Masarap nga."
At nakiupo na nga ito sa harap niya at dahil hindi naman ganoon kalaki ang mesang gamit niya kaya sobrang lapit na talaga nito sa kanya. "Good morning." Bati nito sa kanya. Napalunok siya ng hindi pa nangunguya ang pobreng hipon sa kanyang bibig.
Bakit ba ang gwapo nito? Pwede ba niyang ipakulong ang lalaki sa kasong illegal possession of handsome face tapos magpapakulong din siya dahil pwede din siyang sampahan ng kasong illegal possession of very gorgeous and beautiful face.
"Wala si kuya na kay Ayeth binabantayan niya dahil may pilay." Mabilis niyang sabi.
Napakunot lang ang noo nito. "Hindi naman si Yael ang pinunta ko ditto."
BINABASA MO ANG
Marked Series 4: Unrequited Love (COMPLETED)
Historia Corta"Huwag kang magtaka kung palagi akong nakangiti kapag kaharap ka, your smile is equal to a bucket of tears, a pond of heartaches and an ocean of pain. You will always be my unrequited love." Ano ba ang mas masakit? Iyong niloko ka? Iyong pina-asa ka...