Prologue

179K 2.6K 121
                                    

            "Aray!" Sabay silang napatingin ni Allyxandreia dahil pareho nilang nahawakan ang isang matulis na bagay. Napatingin silang dalawa sa mga daliri nilang may umaagos na dugo at napatawa nalang. Dreia is her bestfriend maliban sa pinsan niya kay Dane, Dane is two years younger than them pero dahil nga sa iilang babae lang sila sa pamilya kaya naging magkakaibigan nalang din silang tatlo. She and Dreia are fourteen, and Dane is only twelve. Bunso nila iyan kahit na si Miggy talaga iyong pinakabunso.

"Matulis." Natatawang wika niya, pero mas maraming dugo ang sa kanya mukhang napadiin ang hawak niya sa metal na naka-usli. Pareho silang napangiwi, at napapangiti nalang rin. "Masakit ba?" tanong niya dito.

"Hindi naman gaano daplis lang iyong sa akin." Napatingin siya sa galos na nasa daliri nito, nakahinga siya ng maayos ng makitang hindi nga malaki ang galos nito. Dreia has this angelic face any guy would love to stare dahil kahit siya ay gustong-gustong titigan ang kaibigan niya. She even wished n asana ay may angelic face siya but too bad she doesn't have medyo mataray kasi ang look niya.

"Ano ba ang nangyari?" kumabog ang batang puso niya ng marinig ang boses ng all time crush niya. Si Grayzon, Grayzon Andrada her mortal enemy na lihim niyang sinisinta.

"Bulag ka ba? Tingnan mo kaya muna bago ka magtanong." Pagtataray niya dito, nagtataray siya kasi gusto niyang mapansin siya nito. It's her way of taking his attention to her.

"Anong ginawa mo kay Dreia?" galit na tanong nito sa kanya breaking her heart into pieces. She sneers at him to hide her pain, kapag kasi bata medyo sensitive.

"Ano ba sa tingin mo ang ginawa ko?"

"Bad influence ka talaga ng dahil sa iyo napapahamak si Dreia." Magkarugtong pa ang makakapal na kilay nito. She's always fascinated with his greenish eyes, she found it very unique. But those eyes, they always bore at her with disappointment and hatred. How she wishes he will look at her with warmth, she wanted him to stare at her with softness and warmth the same way he stares at her bestfriend. Iyon ang masakit eh, alam mong mahal mo siya pero may mahal siyang iba mas worst iyong best friend pa niya.

"Gray, walang kasalanan si Yelena mas malala pa nga iyong sugat niya keysa sa galos ko." Mabilis niyang tinago ang daliri niya ng dumako ang tingin nito sa kamay niya. Ayaw niyang pagtawanan siya nito at sabihin nito sa kanya na tatanga-tanga siya. Kahit kailan hindi pa ito nag-alala sa kanya, she can still remember the way he laughs at her misery kaya mas mabuti pang hindi nito malaman na nasasaktan siya.

"Excuse me." Iwas niya sa dalawa na nakangiti, yeah... when she is in pain she always smiles. Her mom told her that she is the bravest little woman and crying is not her forte. She never cried in front of everyone because that's the sign of weakness. Kahit sa harap ng kanyang pamilya.

Pumunta siya sa malapit na fountain at hinugasan ang mga daliri niya, may spare siyang band aid sa kanyang bag kaya itinapal niya iyon sa sugat niya. Bumalik siya sa kinaroroonan ni Drei and she almost choke into pain when she saw how Gray applied medications to her bestfriend's little wound. Napakuyom ang mga palad niya at tumingala, she doesn't want to cry.

"Ingatan mo ang sarili mo Dreia hindi ako habang buhay na magbabantay sa iyo." Narinig niyang sabi ng binata sa kaibigan.

"Bakit mamamatay ka na?" she cackles.

"Baka gusto mong mauna mas happy iyon." inis na pakli nito.

"Ang masasamang damo matagal mamatay sorry ka nalang because I am a bad weed so I'll live forever." Maarteng sambit niya.

Marked Series 4: Unrequited Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon