Chapter Fourteen

164K 2.5K 121
                                    

IBINABA niya ang mga bulaklak sa ibabaw ng puntod nang taong nagbigay sa kanya ng bagong liwanag literally. She smiled at her daughter whose eyes were still misty from crying. "Mama." Hindi niya alam kung sino ang tinatawag nito, siya ba o si Reeka. Reeka donated her eyes, iyong araw na nag-usap sila ay ang huling araw nito sa mundo. Sinabi nitong ibigay ang mga mata nito sa kanya.

"She loves you Reen."

"I love mama too... mommy." Napaiyak siya sa tinawag ni Reen sa kanya, sobrang saya lang niya. "I missed papa Rei and daddy too."

"Hindi ba nagtalk na kayo ng papa Rei mo?" naglakad sila palayo sa nitso. She even bid her silent good bye to Reeka dahil kahit hindi niya ito nakita ng personal alam niya na pareho lang sila ng gustong mangyari at iyon ay ang maalagaan ng mabuti ang anak nila.

"Last night and I talked with Daddy Gray too." Natigilan siya sa sinabi nito. Pagkatapos kasi niyang makakita ay hindi na ulit ito nagparamdam sa totoo lang nagtatampo na rin siya sa lalaking iyon. She even swear na kapag hindi pa ito nagparamdam ay makikipagdate talaga siya sa ibang lalaki.

And about the accident, nalaman niya kung sino ang may pakana ng aksidente. Hindi iyon aksidente dahil sinadya iyon. Ang driver ng truck ay ang asawa ng tita ni Reen, they want them dead but unfortunately they survived. Nakulong na ang dalawa dahil hindi lang pala pagnanakaw at muntik ng pagpatay ang kaso ng mga ito kundi marami pa. Mabuti nalang talaga at nakuha ni Gray si Reen sa mga ito natatakot siya sa pwedeng maging buhay ng anak niya.

"Mommy are you mad at daddy?" pilit siyang ngumiti sa anak niya.

"No baby I am not." She grunted dahil sa totoo lang naiinis na siya. She tried calling him pero can't be reach ang phone nito.

"Bakit scary ang smile mop o?"

"Nagpapractice lang baby kasi may date si mommy later." She lied to her daughter sumama ang mukha nito and wriggled out from her arms hanggang sa makababa na ito. Nakasimangot ito at medyo dumilim ang mukha then pinameywangan siya na para bang nanay na pagagalitan pa siya.

"No! You are not going on a date mommy! No! no! it's bad magagalit si daddy once he'll know it."

Natutuwa tuloy siya sa nakitang galit sa mukha nito. "Secret lang natin ito princess total wala naman ang daddy mo dito kaya atin-atin lang ito."

Hindi naman talaga date ang pupuntahan niya kundi isang business meeting, matagal na rin niyang hindi nakikita ang boss niya and since okay na siya at nakakakita nan g maayos kaya handa na siyang harapin ito.

"No!!" tumili ito na para bang nagtatantrums.

"Okay hindi na makikipagdate si mommy." Tumigil naman ito sa kakangawa and then smiles at her. Minsan talaga naiisip niyang masyado itong wais para sa edad nito.

"Good because we are going to have our date tonight and I want to look pretty and take selfies." Napangiwi siya sa sinabi nito, dapat talaga ay pagbawalan na niya si Ayeth na makipag-usap sa anak niya masyado na kasi itong nawiwili sa kaseselfie kaya nahawa na si Reen. Pag-uwi nila sa bahay ay ito mismo ang humila ng mga isusuot niya.

"Ahm baby I think this dress is not you know bagay for the occasion. Saan ba tayo pupunta?" takang tanong niya.

"A date nga mommy you are so hard headed gosh mabuti nalang kasing ganda kita." Mas lalo siyang napangiwi sa sinabi nito. Madaldal na ito at matatas na sa pagsasalita ng tagalog pero parang iba naman. Makukutusan talaga niya ang nagtuturo sa anak niya.

Marked Series 4: Unrequited Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon