Chapter One

139K 2.4K 90
                                    

"Yel," narinig niyang tawag nang pinsan niyang si Dane sa kanya. Nakatambay sila sa isang malapit na coffee shop at abala siya sa paghack ng account ng walang magawang sumubok na i-hack ang main server ng Imp Mall.

"Hmn?" sagot lang niya without breaking an eye from her laptop's screen.

"Do you remember Grayzon Andrada?"

Napakurap siya kaya ang nangyari ibang keys ang napindot niya and that means nasayang ang lahat ng pinaghirapan niya ng marinig ang pangalan na iyon.

"Shit!" mura niya ng makitang bumalik uli siya sa main screen. "Ano nga uli iyon?" inis na tanong niya. Hindi siya nainis sa pinsan niya nainis siya sa pangalang binanggit nito.

"Sabi ko bumalik na si Grayzon Andrada, naalala mo siya hindi ba?" kunwari ay nakipagtitigan siya sa kanyang laptop mainscreen at nagkunwaring inaalala ang pangalan na iyon.

"May kakilala ba tayong ganyan ang pangalan?" she feigns innocence.

"Siya iyong kaaway mo dati hindi ba? Iyong may crush kay Allyxa narinig kong nag-uusap silang dalawa ng kuya Dale sabi niya bumalik daw siya para kay Allyxa, magfiance pala talaga sila."

Hindi siya kumibo dahil wala naman siyang masasabi, ano pa baa ng pwede niyang sabihin? Ilang taon na ba ang lumipas?

"I can't remember him." Aniya na hindi pa rin tinitingnan ang pinsan. She already master hiding her own feelings kaya kahit na harapin pa niya si Dane ngayon ay wala itong mababasang kung anumang emosyon mula sa kanyang mga mata. "Sa tagal ng panahon I doubt kung maalala ko pa kung classmates ko nga from college hindi ko na maalala."

Pagak na tumawa si Dane. "Of course wala kang kinaibigan na classmates mo noong college unless may kailangan ka." Nagdugtong ang mga kilay niya hindi kasi pwedeng magkunot-noo siya dahil masyadong makinis ang kanyang face para sa bagay na iyan.

"I know right?" nakangising sang-ayon niya sa sinabi nito. Hindi naman niya tinatanggi na medyo maldita talaga siya may kanya-kanyang personality lang kasi ang mga tao at nagkataon lang na hindi siya iyong pangbida dahil siya iyong pangkontrabida. At saka kung isa siyang artista nungkang magbibida siya, hindi niya keri ang hinahamak, sinasabunutan at kung anu-ano pang pagpapahirap. Iyong mga bida ninety-nine percent ng story naghihirap at one percent lang masaya. Iyong kontrabida naman ninety nine percent ng story sila iyong hindi nahihirapan dahil sila ang nagpapahirap at iyong remaining one percent ay iyon lang ang hirap na dinaranas nila at mas maganda pa nga minsan iyong ending dahil isang bala lang ng baril ay patay na sila. Samantalang iyong bida kung anu-ano pa ang tumama sa katawan para lang mabuhay. May kanya-kanyang trip lang iyan nagkataon lang na isa siyang full-pledge bitch. Ika nga ng mga classmates nila dati, she is the queen bitch and she is proud of it.

They don't know who she is at wala siyang balak na ipakilala ang totoong sarili sa mga taong gusto lang siyang gamitin. As in common, she is perfect in anyways. Maganda siya, sexy, mayaman, mataray nasa kanya na ang lahat maliban sa isa...

"At inamin mo talaga hindi mo man lang dineny." Untag ng pinsan.

"Bakit ko idedeny kung totoo naman as in duh." Maarteng nag-open siya ng bagong tab sa kanyang laptop. Nawala na ang drive niya na harangin ang mga hackers na tinutumbok ang Imp Malls na pag-aari ng kanilang pamilya na pinapatakbo ng kanyang kapatid na si Yael. Kahit na mukha siyang prinsesa--- scratch that because princess talaga siya, nagtatrabaho din naman siya. Lahat sila ay hindi umaasa sa mga magulang nila, her income is more than enough for her to buy the super expensive shoes is looking at the moment. "Look cousin, just look at this shoe this is it as in this is really it, I am going to wear this tomorrow." Turo niya sa pagkaganda-gandang sapatos na napapalibutan ng Swarovski crystals. "And it is green my favorite color." She said awing.

Marked Series 4: Unrequited Love (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon