A/N: This chapter contains scenes that aren't suitable for young readers, please read at your own risk. Thank you!
DAHIL hindi niya mahagilap ang mga saplot niya kaya kumuha siya ng malaking sweater ni Gray sa closet nito. It's already morning. Nasa kama pa si Grayzon at mahimbing na natutulog habang siya naman ay hindi alam ang gagawin niya.
Alam niyang hindi siya kasal because she and Reigan can never marry each other, but Reigan is the closest thing she have after her heart break with Gray. Hindi niya alam kung bakit siya pumayag sa ginawa nila ni Grayzon kahapon ng dalhin siya nito sa bahay nito ay wala na siya sa tamang wisyo niya alam niyang hindi iyon excuse but still mali ang ginawa niya. Sex before marriage never crossed her mind pero hindi lahat ng nakaplano ay ang nangyayari.
Gaya na lamang ng plano nila ni Rei, plano niya ay makaganti kay Grayzon pero hindi nangyari. Naging masyado siyang mahina at nagpadalo sa kanyang emosyon kaya nangyari ang nangyari.
Ilang ulit niyang narinig na sinabi nitong mahal siya nito at gusto niyang maniwala gusto niyang sagutin ito ng Oo mahal pa rin kita at hindi pa rin iyon nawawala. Iyan nga siguro ang sakit sa isang unrequited love, no matter what you do, no matter how you tried, he is still here. Mukhang masyado niyang naalagaan ang nararamdaman niya kay Grayzon before, inilihim kasi niya kaya siya lang ang may alam kaya siya lang ang nag-alaga sa damdamin niya dito for too many years hanggang sa ang puso niya ay ito nalang ang nakilala at wala ng iba pang nakita. This is bad and what happened last night was a mistake.
Baka kasi maisip nito na hindi naman pala talaga siya nito mahal, hindi ba ganyan naman ang mga lalaki kapag nakuha na nila ang gusto nila sa isang babae ay mawawalan na ng interes? With him winning again this time hindi imposibleng baka paggising nito ay magbabago na ang isip nito. Nasasaktan na naman siya and this time kasalanan na naman niya dahil hinayaan na naman niya ang puso niyang mahulog dito.
Ano ba kasi ang dapat niyang gawin upang makapagmove on? Ginawa na niya ang lahat, halos lahat pero bakit hindi pa rin?
Nawala na sa kanya si Reen, labis-labis na hirap na ang nararamdaman niya ngayon kapag nasaktan na naman siya baka umalis na talaga siya, and this time hindi na siya babalik. She wiped some tears flowing from her cheeks, hindi siya pwedeng maging mahina ngayon. Kailangan niyang makuha ang anak niya.
"Yelena?" tawag ni Gray sa kanya. Tinuyo na niya ang mga luha mula sa kanyang mga mata. "Why are you awake? Matulog ka muna."
"Aalis na ako Gray." She wants to clapped herself dahil hindi nabasag ang boses niya ng sabihin niya iyon. Mabilis naman itong umayos ng upo na para bang nagising sa sinabi niya. "I want you to forget what happened isipin mong walang nangyari. Mali ito eh, maling-mali." She said bitterly na ikinakunot lang ng noo nito.
"And what's wrong with what we did? We both know na walang mali sa nangyari sa ating dalawa we both want it."
"I am married-."
"Hanggang kailan ka magpapanggap na kasal ka Yelena hindi ka kasal at pareho din nating alam iyon."
She glared at him, so he knew. He knew so many things. "Kasal man ako o hindi kasal wala pa ring magbabago. You are not my priority Grayzon si Reen ang priority ko." Gusto niya itong lapitan at hagkan ng makita niya ang lungkot na bumalatay sa gwapong mukha nito. Pero tinikis niya ang sarili niya hindi na niya kaya pang masaktan pa, masyadong bugbog na ang puso niya. This time siya naman ang mananakit, she just wanted to save a little bit of remains she has for herself. "Please Gray itigil mo na ito." Tuluyan na siyang napa-iyak. "I'm sorry."
BINABASA MO ANG
Marked Series 4: Unrequited Love (COMPLETED)
Short Story"Huwag kang magtaka kung palagi akong nakangiti kapag kaharap ka, your smile is equal to a bucket of tears, a pond of heartaches and an ocean of pain. You will always be my unrequited love." Ano ba ang mas masakit? Iyong niloko ka? Iyong pina-asa ka...