BINASA niya ang text ng kapatid niya telling her that she needs to come sa office dahil ilang araw na rin siyang hindi nagpapakita. Nagkukulong siya sa kanyang silid at ang dinadahilan niya busy siya sa pag-aassess ng bagong protection na ginawa niya to protect Imp's main server. At kapag nabobored naman siya namamasyal lang siya sa Imp alam kasi niyang hindi rin malalaman ng kapatid niya na nandoon siya dahil nasa opisina lang ito. Ilang araw na rin na hindi nagpaparamdam si Gray, hindi niya alam kung matutuwa ba siya o malulungkot. Well, sanay na naman siya... sanay na siyang nasasaktan basta ito ang dahilan.
She is in the middle of thinking about him when she bumped into someone. "Sorry." As instinct na niya iyon, napatingin siya nakabangga. "Oh shit, it's you sis." Si Ayeth pala ang future ng kapatid niya.
"Hindi mo pa rin tinitigilan ang pagtawag sa akin ng sis bakit aampunin mo ako bilang kapatid?" kahit na medyo troubled pa rin siya pinilit niyang ngumiti ditto at pasiglahin ang kanyang mukha. Ayeth looked at her na para bang alam nito kung ano ang iniisip niya.
"Coffee?"
"Libre mo?"
"Kung hindi ka matutunawan sa panlilibre ng isang mahirap na kagaya ko pwede ding libre mo or KKB." Ang taray din ng babaeng ito kaya nga bagay ito sa kuya niya.
"Libre mo nalang." Hinila na niya ito papasok sa isang coffee shop na nasa mall nila, sa pinakasulok sila naka-upo that's her favorite spot. Palagi na kasi siya ditto kaya kilala na siya ng mga staffs and beside she is the daughter of the owner and the only sister sa bagong namamahala kaya kilala talaga siya ng mga iyan.
"Hindi ba kailangan nating pumila first?" takang tanong nito ng hindi sila dumaan sa counter upang mag-order.
"Bakit pa natin hahayaang pagurin natin ang sarili natin kung pwede naman nating mapasunod ang mga tao sa paligid natin with a snap of a finger." Kinawayan niya ang isa sa mga waiter na agad namang lumapit sa kanila.
"May ganoon? Kung sana ganoon kadali iyan no? Kung sana applicable iyan sa lahat ng tao wala na sanang malungkot na tao sa mundo." Napasulyap siya dito may point naman kasi ito, kung ganoon lang talaga kadaling makuha ang isang bagay.
"Oo nga eh." Nasabi niya right after she gave her order. "Sana ganoon nalang kadali sana applicable sa lahat hindi na sana naghihirap ang mga tao bakit ba naman kasi mahirap utusan ang puso." Inis na pakli niya ng maalala na naman si Gray.
"Si Grayzon?"
"No." iwas niya.
"Lokohin mo na ang pari hindi mo maluluko ang writer na tulad ko. Si Grayzon nga, don't lie nakita kitang kasama mo siya last week. Nakikita ko sa mga mata mo kung gaano mo siya kamahal."
She smiled at her, "Masyado na bang halata?"
"Hindi halata masyado lang akong mapagmasid, you are talented in hiding what you felt. Masama iyan Yelena, masyado mong sinasarili ang sakit na nararanasan mo."
Natawa siya sa sinabi nito, masyado na kasing late. "Mas madaling magpanggap na hindi ka nasasaktan keysa sa aminin na wala na talagang pag-asa. He still loves Drei, wala na yata siyang ibang mamahalin kundi si Allyxa I can't blame him. Kung lalaki ako mamahalin ko din ang isang tulad niya keysa sa isang tulad ko. I am not like her, maldita ako kasi iyon lang ang tanging paraan upang pagtakpan ko ang kahinaan ko. Sorry kung paminsan-minsan ay napagtritripan kita."
"Minsan lang? Palagi kaya." Palatak nito kaya napangiti nalang din siya. Dumating na ang order nila at saka siya napatingin sa halaman na nasa tabi nito pero ang totoo ang layo nan g iniisip niya. May iba pa ba? Wala naman siyang ibang iniisip kapag napag-iisa siya. Naalala niya ang mukha nito ng sabihin niyang gusto niya ito.
BINABASA MO ANG
Marked Series 4: Unrequited Love (COMPLETED)
Kort verhaal"Huwag kang magtaka kung palagi akong nakangiti kapag kaharap ka, your smile is equal to a bucket of tears, a pond of heartaches and an ocean of pain. You will always be my unrequited love." Ano ba ang mas masakit? Iyong niloko ka? Iyong pina-asa ka...