Chapter 1

1.1K 5 0
                                    

Megan On the side --->

First Day 


"Megan !!" Twag niya sa'kin ni mama habang kumakatok ng malakas sa pintuan ko.

Aray ko po ! Ang sakit ng balakang ko. Nahulog lang naman ako sa kama ko.

At kumatok na naman ulit si Mama

"Megan ano ba ? Hindi ka pa ba babangon dyan ? Aba tanghali na ah? First day mo sa trabaho ngayon. Abah? wag kang patamad-tamad"

"Ma gising na ko.. wait lang! " Nagmadali na akong pumasok sa banyo.

Tiningnan ko ang orasan.

5:30 ?! Si mama talaga, alin sa 5:30 ang tanghali na?

Binilisan ko pa rin ang paliligo.

First day ko ngayon sa trabaho, Bilang Procurement Officer sa isang Malaking kompanya na nagha-handle ng maraming branches ng isang kilalang grocery store. Fresh Graduate lang ako pero natalisod ko kaagad ang posisyon na 'to. Actually di ko nga inaasahan na makakapasok ako dito. Malakas din kasi ang backer ko, ang bestfriend ko. Pero di naman sa pagbubuhat ng bangko, Medyo magaling din naman ako. Hindi naman siguro ako ga-graduate na Cum Laude kung hindi diba ?

Head ng Purchasing department ang bestfriend ko. Mas matanda kasi siya sa'kin ng isang taon kaya mas nauna siyag grumaduate, Kahit pa sabihin na magaling ako. Aba mas magaling ang bestfriend ko.

Pagkatapos ko maligo kinuha ko na yung inihanda kong damit na susuutin ko para sa araw na ito. Binili 'to sa'kin ni Mama nung isang araw pa. Infairness naman kay mama alam niya yung taste ko. Isang pencil cut na stretchable na palda na katamtaman lang ang haba ang binili niya sa'kin, Sinamahan niya na rin ito ng Blouse na color black and white na medyo pormal. Medyo di ako sanay magpalda ng ganito kaya binilhan na rin ako ni mama ng stockings na black. Bumili na rin siya ng black shoes na di naman ganun kataasan. Alam niya naman kasi na di ako nagsusuot ng may heels na sapatos.

Inayos ko lang ang buhok ko at nilagyan ng clip. Naglagay ng konting blush on at pink na lipstick. Hinuling tingin ko pa sa salamin ang kabuuan ko saka bumaba ng hagdan. 
Pagtingin ko sa orasan 6:45 pa lang.

"Oh kumain ka muna dito, naglipstick ka kaagad buburahin mo rin naman."

"Mama naman kasi e. Alin sa 5:30 ang tanghali na?" nakanguso kong sabi

"Aba nak? Tandaan mo, early bird catches the early worm. Ma-traffic ngayon, Lalo na at Monday pa. Mahirap din sumakay lalo na at pa-Makati ka. Kaya mas magandang maaga ka para kahit mahirapan kang sumakay, may spare time ka para mag-inarte." sabi niya habang nakapamewang pa

"Opo na po ma.. sabi ko na e"  sabi ko habang nagsasandok ng kanin

"Ma, Medyo gagabihin po pala ako mamaya. Birthday po kasi ng isa kong ka-trabaho" Si kuya Gavin, Siya ang panganay sa'min. Gwapo yan, Responsable at mabait.

Kaya lang wala pa ring Girlfriend, No slash that! Never pa siyang nagka-girlfriend. Magpapatayo daw muna siya ng Bahay para kay mama, bago siya mag-girlfriend. Naaatat na nga si Mama na dumating yung araw na bigla na lang papasok si kuya sa bahay at sasabihing "Ma, si ______ girlfriend ko nga po pala." Si kuya na kasi ang tumayong padre de pamilya sa'min simula nung iwan kami ni Papa at sumama sa isang mayamang babae.

"O siya sige anak. Mag-iingat ka pag-uwi ha? pag umabot na ng alas diyes. Makitulog ka na lang sa bahay ng ka-trabaho mo."

"Mama naman, may kotse naman ako pauwi , uuwi pa rin po ako." Nakiupo na rin si kuya sa hapag at nagsimulang kumain

"Anak, delikado na sa daan ng ganung oras. Mas mabuti ng andun ka sa bahay ng ka-trabaho mo kesa naman nag-aalala ako kasi bumabiyahe ka pa pauwi." litanya ni mama

Tumayo si kuya at niyakap si mama

"Mama talaga, Kayang-kaya ko na sarili ko.. Huwag na kayong mag-alala. O sige para di ka mag-alala , tatawag ako pag di ako uuwi okay?"

"O siya sige na! Kumain ka na diyan at baka ma-late ka pa"

"Opo ma .. siyanga pala bubwit" Sabi niya na nakatingin sa'kin. Agad namang naningkit ang mga mata ko sa petname niya sa'kin na "bubwit"

"Kuya talaga! Bubwit pa rin yung 5"4 sa'yo?" Nakanguso kong sabi

"Bubwit ka pa rin sa paningin ko" Nakangisi niyang sabi

"Grabe ka talaga kuya! porket 5"9 ka tingin mo higante ka na ? "

"A basta ! Sumabay ka na sa'kin, may dadaanan din ako sa may Makati e."

"Talaga kuya ? Yes !! tipid pamasahe " Nakangiti kong sabi

"Tsaka first day mo rin naman e. Titingnan ko kung maganda ba ang environment ng trabaho mo." Sabi niya habang ngumunguya

"Yung environment ba talaga ng papasukan ko ang gusto mong tingnan o yung "medyo" boss ko?" Ngiting-ngiti kong sabi.

Alam ko naman na matagal na, na may gusto si kuya sa bestfriend ko e. Si Gemima Ruth 'Maimai" Rivera lang naman ang makakapagpatunganga kay kuya kahit wala pang ginagawa. Matagal ko ng napapansin yun pero ayokong tanungin kay kuya. Wala namang alam si Maimai sa feelings ni kuya. Kaya keriboomboom lang.

"Tigilan mo nga ako Bubwit ! Ano na namang pinagsasabi mo dyan" umiiwas na siya ng tingin

"Bakit ? ano bang sinabi ko?" Patay malisya kong sagot.

"Hoy Bubwit kung ano man yang iniisip mo tigil-tigilan mo ha ? "

"Bakit ano ba dapat ang iisipin ko kuya sige nga?" Nangaasar kong tanong.

"Wala akong gusto sa bestfriend mo !"

"Bakit ? Sigurado ka bang yun ang iniisip ko?"

"Megan Felicity Raymundo! Ano ba ? Gusto mo bang makasabay at makalibre ng pamasahe o magko-commute ka na lang?" Seryoso na si kuya

"Joke lang naman kuya! Ikaw talaga, wala sa diksyunaryo mo yung salitang joke. Uso pa kaya yun, tingnan mo minsan matatalisod mo yan. Magpasalamat ka sa'kin kasi na-inform kita." Nakatawa kong sabi.

“O siya ! Kayong dalawa talaga, puro na lang kayo away. Dalian mo na dyan Megan, Baka ma-late pa kayo.”

“Nga pala bubwit, Yung crush na crush mo nung high school andyan na ulit a ? Nakita ko kahapon sa kabilang kanto. Nakabalik na pala siya.”

Namutla akong bigla at natahimik dahil sa sinabi ni kuya. Iisa lang naman ang naging crush ko simula high school e. Si ..

“Si Vince Lester ba yun? Ang gwapo lalo a? Naku! Laglag panty mo niyan pag nakita mo ulit siya..” Nakangising sabi kuya habang nakatingin sa’kin, Parang inaabangan niya ang magiging reaksyon ko habang sinasabi niya yun.

“ah… ehh.. Ikaw talaga kuya ! Hindi ko na crush yun no? Tsaka ang tagal na nun. Kaya nga ginawa ang salitang “puppy love”  e para magamit ko sa mga pangyayaring ganito ..” Pagpapaliwanag ko.

“Asus ! Kunwari ka pa dyan, O sige dahil hindi mo na siya crush.. In-invite ko sila ng girlfriend niya sa birthday ng ka-trabaho ko. Ka-trabaho ko kasi yung girlfriend niya, Si Melissa. “ Habang nakatingin pa rin sa’kin

“Ma..May G-girlfriend na siya? O talaga kuya ? Matagal na ba sila? Buti naman. First Girlfriend niya siguro yun” Pilit kong pinasigla ang boses ko.

“Bubwit, wag mo ng itago.. Alam kong crush mo pa rin yun.” Nag-aalalang tanong sa’kin ni kuya.

“Ano ka ba naman kuya. Wala no? Move on na ko dun ng bonggang-bongga!” Yehey! Sinong niloko mo Megan?

“Okay sabi mo e! “

O ngayon Megan? Handa ka na bang Makita siya ulit? Handa ka na bang umasa ulit? Masasaktan ka lang ulit, pinapaalala ko lang sa’yo yung nangyari dati? Niloko ka niya. Niloko ka niya tandaan mo yan Megan . Tandaan mo. Kinalimutan mo na siya simula nung gabing yun.

When he fell for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon