Chapter 9

324 4 5
                                    

With all my heart

Laglag din ang panga ni Bets paglingon ko sa kanya.

Nagpabalik-balik ang tingin ko kay Bets at saka kay Lester. Hindi ko rin alam kung anong una kong gagawin. 

"Anong nangyayari dito?" Tiningnan ako ni ATe K Saka tumingin kay Lester.  "Bunsoy ! Ano na naman ba ang ginawa mo?" Lumapit si Ate K sa tabi ni Bets.

"Gemima? Bakit parang natuka ka ng ahas dyan?" 

Nilingon ni Bets si Ate K "Madam ito ang kapatid mo?" Turo niya kay Lester.

"Oo kapatid ko yan , Bakit anong ginawa sa inyo?" Kunot noong tanong ni ate kay Bets.

"Sa'kin madam , wala ! Pero kay Bets? Tingnan mo nga kung paano makapulupot ang kamay niyang ungas na yan sa kamay ng bestfriend ko!" She said. Nakataas pa ang kilay niya habang tinitingnan mula ulo hanggang paa si Lester.

Nakita kong lumipad ang tingin ni Ate K sa mga kamay namin ni Lester at napa-'ooohhh' na lang siya kasabay ng pagtango-tango.

Pinilit kong tanggalin ang kamay ko na hawak-hawak niya ngayon.

Napatingin siya sa akin, Pinanood niya ako kung paano ko tanggalin ang kamay niya sa kamay ko. I saw him smiling nang makita niyang hindi ko maalis ito. 

I sighed in frustration. "Would you please let me go?" I said.

"Hoy lalaki ! Bitawan mo ang bestfriend ko." Sigaw ni Bets habang dinuduro-duro pa si Lester.

"Bunsoy ! Ano na naman ba yan? I told you not to bother Megan! You're hurting her. " Napatingin ako kay ate K. Saka ibinalik ang tingin kay Lester. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko sa mga nangyayari ngayon dito.

Pero sa halip na makinig mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa'kin.

"Break niyo na ate diba? Isasama ko si Megan. Were going out on a date" Then he smiled at me. Na ikina-laki ng mga mata ko. Umiling-iling pa ako na hindi makapaniwala.

"Wai-wait ! Wha-what? Noooooo ! Ayoko! Pwede ba Lester! Let me go !" Nagpupumiglas na ako para makawala na sa kanya.

Tiningnan niya lang ako saka hinila na palabas.

"Bets! Tulong! Ayokong sumama !" Pagmamaka-awa ko kay Bets.

"Hoy lalakeee ! Ibalik mo ang bestfriend ko. " Hahabulin pa sana kami ni Bets pero nakita kong pinigilan siya ni Ate K saka umiling-umiling.

Ayaw pumayag ni Bets pero wala na siyang nagawa. Tinanaw niya na lang ako.

Tiningnan ko si Lester na ngayon ay nakatalikod dahil hila-hila ako palabas ng office namin.

"Hoy Lester! Ano ba ? bitiwan mo ako!" Pinipiglas ko ang kamay ko para makawala sa pagkakahawak niya.

Pero tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Habang kinakaladkad ako. Pinagtitinginan na kami ng mga ka-opisina ko dahil gumagawa na kami ng eksena. "Pag di ka tumigil sa pagwawala mapapahiya tayo parehas." Sabi pa niya saka niya ako nilingon at nagtama ang mga mata namin. Napatigil ako ng matingnan ko ang mga mata niya. Malamig.

Pero hindi ko ipinakita na nagulat ako. "Saan mo ba kasi ako dadalhin? May trabaho pa akong naiwan dun. Hindi mo ako pwedeng dalhin na lang basta-basta sa kung saan-saan. Mapapagalitan ako ng boss ko." 

Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako pero hindi pa rin binibitawan ang kamay ko. 

Tinititigan niya ako at huminga siya ng malalim. "Ang tagal mong nawala, Tapos ipagkakait mo sa'kin ang kumain sa labas kasama ka? I just got you back." 

When he fell for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon