Chapter 7

294 5 6
                                    

Gemima - "Je-may-ma"

That "Lagot-ka-Megan-look" photo on the side

Iniwan mo ako

I've been avoiding ate K since the last time na nagkausap kami. Ewan ko, pero nahihiya pa rin kasi ako sa kanya. Naisipan ko na rin mag-resign kasi nga ang awkward ng lagay namin ngayon ni Ate K. Pero lagi lang akong pinagagalitan ni Bets.

"Bets, kala ko ba move on na ? Bakit may option kang ganyan? Ate lang yan o? Pano pag yung kapatid na ang kaharap mo ngayon?"

Yan ang lagi niyang sinasabi sa'kin. Na pinapatulan ko naman, kasi napapapayag niya akong wag mag-resign kasi nga gusto ko din paniwalaan na naka-move on na ako sa kanya.

Kaya na-erase na rin sa options ko ang "resign" chuchu na yan.

Pero di ko maitatanggi na nahihirapan talaga ako sa lagay namin ngayon. May big event kami ngayon sa company na kailangan pamahalaan, At nagiging mabagal ang proseso ng mga gawain namin dahil na rin sa'kin.

Nahihiya kasi ako.

Alam ko naman na dapat professional ako pag sa work na. Pero hindi ko talaga maiwasan. Nahihiya akong kumatok minsan sa office niya para magpa-pirma o magpa-approve ng mga documents. At hindi ko naman mautusan si Bets kasi una, mas mataas ang posisyon niya kesa sa'kin. At pangalawa, ayokong ma-sermonan.

Pero mas naniniwala ako dun sa pangalawa kong naisip.

May mga pagkakataon naman na sadyang kinakapalan ko na rin ang mukha ko at lumalaklak muna ako ng sandamukal na confidence para lang makipag-usap sa kanya.

Pero sa tingin ko naman parang wala na rin yun kay Ate K.

Sinilip ko si Bets sa office niya saka kumatok.

"Bets?" Nakita ko siyang nakatungo na naman sa mga papeles na nasa harapan niya.

Inangat niya ang ulo niya saka ngumiti "Yes Bets? ano yun ?"

Nginitian ko rin siya saka pumasok sa loob. "Bets, kain naman muna tayo? Mamaya na yan?"

"Ahmm, okay! wait lang ayos lang ako saglit." Saka tumayo at nagligpit na ng mga gamit niya.

Paglabas namin ng office ni Bets , Nakasalubong naman namin si Ate K.

Naka-ngiti na siya sa'min "Hi Girls, Magla-lunch kayo? Sabay na tayo ha? Tara!" Saka tumalikod na.

Nagkatinginan na lang kami ni Bets saka sumunod sa kanya.

Huminto siya saka lumingon ulit sa'min, Napatigil naman kami sa paglalakad.

"Megan, I just wanna say sorry dun sa nangyari nung isang araw. Alam ko naiilang ka na sa'kin pagkatapos nun pero sana wag. Kalimutan na lang natin yung nangyari, Umiral lang talaga yung pagiging chismosa ko nung mga panahong yun kaya ako nagtanong. Ni hindi ko man lang naisip na baka nasaktan ka rin naman nung nangyari yun sa inyo ng kapatid ko. I am deeply sorry. Am I forgiven ?" Kunot noo niyang tanong sa'kin. I can hear the sincerity in her voice.

Hindi naman talaga ako galit sa kanya. Ayoko lang talagang pag-usapan yung mga nangyari noon.

Tumingin ako kay Bets na ngayon ay nakatingin din pala sa akin.

Tumango lang siya saka ngumiti.

Nilingon ko rin naman agad si Ate K saka ngumiti.

"Ate-Mam Kay-"

"I told you! Ate K would be fine ! Drop the formality. I'm still your Ate." Nakangiti niyang sabi.

"Ate K, Hindi naman po ako galit. Naiilang lang talaga ako." Nakatungo kong sabi.

When he fell for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon