Chapter 4

442 5 2
                                    

I dedicate this to one of my fave authors here in wattpad :) Pag nagsulat kasi siya ng sobrang madamdaming chapter ramdam mo talaga .. Hehe hindi ako nakaka-move on agad pag binasa ko yun. Hello Ms. Aniya B. :)

Lester & Megan on the side --->

The Real Story

"Sigurado talaga ako na pangalan ko ang binanggit mo" Sumusunod na siya sa'kin ngayon.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad , Ni hindi ko siya magawang lingunin .

Bakit ba sobrang guilty ko e marami namang Lester sa buong eskwelahan.

"Hi..hindi naman a ? Bakit ? Lester ba pangalan mo? E diba Vince nga? Kakasabi mo lang kaya.. "

Ewan ko ba kung bakit hindi ko siya malingon -lingon

"Hey ! Will you please stop running away from me ? " Napahinto ako ..

Fuck ! ewan ko ba kung bakit pero masyado na ata akong naaadik sa pagbabasa ng romantic novels.

Dinama ko masyado ha?

Wala akong nagawa , humarap ako sa kanya ng nakapikit. At nagbilang hanggang sampu.

"What are you doing? " rinig kong tanong niya sa'kin pero sini-sshhhh ko lang siya at nagmwestrang manahimik muna..

Bumuntong hininga ako saka dumilat.

"So kakausapin mo na ako?" Then i saw that boyish smile na sobrang pinagkakaguluhan ng mga kababaihan dito sa school or maybe kahit outside the school.

"A..a..no.. ano ba ang gusto mong sabihin ko sa'yo? Tsaka bakit mo ba ako kinakausap ? Hindi naman tayo magkakilala .. i mean hindi mo naman ako kilala .. kasi ako kilala kita .. kaya bakit mo ako pinagaaksayahan ng laway at panahon mo?" Tanong ko sa kanya.

"Kilala kita .. " Nahigit ko ang hininga ko dahil sa pag ngiti niya

"Ki...lala mo ako?" Hindi makapaniwala kong tanong

"Yes i know you! Diba sumasali ka sa mga Writing contests dito sa school? I'm a fan of your works. Di lang halata pero mahilig ako sa mga literature related things. Stalker mo nga ako e " Saka ngumisi ng paglaki-laki

"S..sta..stalker ki..kita ? Hindi ako makapaniwala

"Joke lang! Hindi naman ako aabot sa ganyang point. Pero kilala talaga kita .." Naka-ngiti pa rin siya sa'kin

"O..ok..okay .." Nahihiya na ako pero di ko pa rin maalis yung tingin ko sa kanya ..

"Hindi ako maniniwalang ibang Lester ang binanggit mo.. I saw you .. You're looking intently at my tarpaulin .. With my picture on it .. Kaya wag kang magkaila" He's saying it like he's not ready to get a negative response galing sa kausap niya.

"Hindi naman ako na-inform na medyo assuming ka .." Napaiwas na ako ng tingin .. Fuck !  Bakit ko nasabi yun? Masyado akong feeling close..

Napahagalpak naman siya ng tawa ..

Napatingin ako sa kanya , Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Alam mo? Nakakatuwa ka .. I like you ! We can be friends .. Tutal crush mo naman ako, Ay mali mahal mo pala ako .. Diba nga sabi mo pag minahal kita ng konte , ikaw na ang bahalang magparami? " Natatawa niyang sabi

Namula ako dahil sa sinabi niya ..

"Ang kapal naman pala ng mukha mo " Sabay talikod.

When he fell for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon