Chapter 8

254 5 5
                                    

Well ! I'm Hers and She's mine.

"You can count from 1 to 10 bago ka humarap sa'kin.."

Nahigit ko ang hininga ko ng marinig ko ulit ang boses niya ..

God i miss his voice ..

Nanlaki ang mata ko ng ma-realize ko na mali pala ang naisip ko. Megan ? What the heck? 

"Come on.. count.. then turn around .." Yes namiss ko nga.

Naipikit ko na lang ang mga mata ko saka yumuko at inangat ulit ang ulo. Huminga muna ako ng malalim saka nag-umpisang magbilang ..

1..

2..

3..

4..

5..

6..

7..

8..

9..

10..

11..

12..

"Come on ! Alam kong tapos ka ng magbilang. Turn around.. Now."

Naidilat ko agad ang mata ko. Megan Think ! 

Hindi naman pwedeng hindi ko siya harapin ngayong andito na siya malapit sa'kin.

Naikuyom ko na lang ang aking kamao saka unti-unting ipinihit ang aking katawan paharap sa kanya.

Sinalubong ako ng kanyang tingin.

Hindi ko napansin na hindi na pala ako humihinga.

Wala akong mabasa sa mga mata niya. Malamig.

Medyo naging mature na ang itsura niya. May konteng buhok na sa may bandang ibaba ng mga labi niya. Pero bukod dun ay ganun pa rin ang itsura niya. Nakita ko gumalaw ang panga niya at lumabas ang dimples niya sa pisngi.

Medyo tumangkad siya, Kung dati ay hanggang sa may adam's apple lang niya ako ngayon ay parang hanggang sa balikat na lang niya ako.

Nagkaroon din siya ng muscles na tama lang naman sa katawan niya. Hindi ganun kalaki pero hindi din maliit.

Bumalik ang tingin ko sa mukha niya at napasinghap. Napalunok ako ng mariin. 

Gosh ! Ang gwapo niya lalo..

Tinititigan niya ako. Hindi ko mapigilang hindi mapatingin sa labi niya. Mapula pa rin. Lumunok ulit ako saka ibinalik ang tingin ko sa mata niya.

"H-hi?" Tinaas ko pa ang kamay ko para kumaway ng konte sa kanya.

Pero tinitigan lang niya ako. Nung magsasalita na sana siya biglang may tumawag sa'kin.

"Bubwit tara na!" Napalingon ako bigla sa likuran ko.

Si kuya.

Kuya ipaalala mo sa'kin mamaya na halikan ka! Ang galing ng tiyempo mo i love you na talaga !

Humarap ulit ako kay Lester saka ngumiti ng pilit.

"Andyan na pala yung sundo ko.. Una na ako ha? Sige bye!" Saka tumalikod na sa kanya pero bago pa man ako makahakbang nahawakan niya agad ako sa braso ko. Lumingon ako saka tiningnan ang kamay niya at ibinalik ang tingin sa kanya.

"Dito ka nagta-trabaho?" Tanong niya sa'kin.

Nilingon ko muna si kuya pagkatapos ibinalik ko ulit ang tingin sa kanya. " Oo ka-trabaho ko si Ate Kayla.." Nilingon ko ulit si kuya ".. Ay ano .. ahmm..  L-Lester  u-una na ako ha? Baka kasi magalit na si kuya" Saka tinanggal ang kamay niya sa braso ko.

When he fell for meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon